Sofia's POV
Nang magising ako kanina... wala na si Zayn. Ang aga niyang pumasok sa trabaho.
Nag-iwan lang siya ng note na may nakasulat na 'Good morning Sofia! Hindi na kita ginising kasi mukhang masarap ang tulog mo. Ipinaghanda kita ng sandwich, nasa ref.' , nakadikit yung note sa orasan sa may table.
Matapos kong magkape, kainin ang sandwich na ginawa ni Zayn, at hugasan ang tasa at plato... Nagtungo na ako sa kwarto para kunin ang mga maruruming damit namin pagkatapos ay nagtungo na ako sa kaliwang bahagi ng bahay kung nasaan ang water pump.
Ang dami kong lalabhan.
''''''''
Kasulukuyan na akong nagsasabon ng mga damit namin nang may mag-door bell.Wala naman akong inaasahan at wala rin namang nasabi sa akin si Zayn na may darating na bisita ngayon. Sino naman kaya yun?
"Sandali lang po!" sigaw ko nang ikalawang door bell na niya iyon, agad kong hinugasan ang mga kamay ko at dali-dali na akong nagtungo sa may pinto.
Pagkabukas ko ng pinto...
"Hi! Iha" bati niya atsaka ako hinalikan sa pisngi
"Gran-ma?"
"Yeah, it's me. Surprise!" nakangiting sabi niya ng matapos niya akong mahalikan sa pisngi
"Tara po sa loob" alok ko
Agad naman siyang pumasok... habang isinarado ko naman yung pinto.
Ba't kaya siya naparito ngayon?
"Maupo po muna kayo" alok ko sa may couch sa sala
"Thank you iha" atsaka na siya naupo doon
"Gusto mo po ba ng juice, coffee or tea?" alok ko
"Thanks iha pero huwag na, kakatapos ko lang magkape kanina" sagot niya
"Ok po" nakangiting sabi ko nalang
"Naparito pala ako iha dahil gusto kitang makasamang bumisita sa apo ko ngayon"
"P-po?"
"This is his first day at work, and I think it will inspire him more if he sees you" paliwanag niya atsaka kumindat sa akin
Namula naman agad ako.
Mai-inspire ba talaga siya? Baka makagulo lang ako doon...
"Hindi ko pa po kasi natatapos yung nilalabhan ko" nag-aalangang sabi ko
"What?! Ba't ikaw ang naglalaba iha" gulat na sabi niya
"Umm... kasi po---"
"Magpalit ka na iha, sasama ka sa'kin. Hayaan mo na yung mga lalabhan mo, uutusan ko nalang si manang Piling" putol niya sa isasagot ko sana
"I don't take no iha" pahabol niya
"Sige po... granma" sagot ko nalang at agad na akong nagtungo sa kwarto para maligo at makapagpalit na rin.
'''''
Madam Maxima's POVI immediately dialed my driver's phone number through my phone...
["Hello madam"] sagot agad niya sa kabilang linya
"Hello Arnol. Pakisundo nga si manang Piling sa bahay nila at pakisabing labhan ang mga damit ng mga apo ko dito. Gamitin mo yung isang kotse"
["Masusunod po madam"] sagot niya
"Ok, pero bago kayo pumunta dito kumain muna kayo diyan sa bahay. Pakisabi kay Cecil na magluto ng pananghalian niyo"
["Ok po madam, maraming salamat po"]
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Ficção AdolescenteTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.