Chapter 23

7.3K 121 0
                                    

Zayn's POV

"You okay?" tanong ko

Gustuhin ko mang manatili dito at tumulong sa paghahanap kay Case. Pero kailangan rin ako ni La sa kumpanya. Kung wala lang sanang problemang kinakaharap ang kumpanya.

"Huwag kang mag-alala sa akin Zayn" sagot niya na ikinakunot ng noo ko

Anong klaseng sagot kasi 'yon?! Ofcourse, mag-aalala ako sa kanya dahil... dahil... urrgh! nevermind.

"Okay. Sasabihan ko nalang sila na tawagan ka 'pag nahanap na nila si Case. Sige aalis na ako" paalam ko

Sofia's POV

Pagkaalis ni Zayn. Naglakad-lakad muna ako dito sa may subdivision. Iniwan ko na muna si Nancy sa bahay. Nagbabakasakali kasi akong makita si Case.

Kagabi hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa kanya. Miss ko na kasi siya.

*whistle*

Napatingin ako sa may likod ko kung saan nanggaling ang tunog na iyon...

O.O Case?

"Case!" napasigaw kong sabi nang tumatakbong papalapit na siya sa akin

Pagkalapit niya... binuhat ko siya agad. Tsaka ko siya yinakap ng mahigpit at hinalik-halikan.

Miss na miss ko siya... napakasaya ko dahil nakita ko siya ulit.

"Miss, I know that my dog is cute but you need to put him down now"

Napatingin naman ako sa biglang nagsalita...

Anong ...my dog... ang pinagsasabi niya?

"Excuse me. He's not your's, he's mine" sabi ko habang karga parin si Case

Siguradong sigurado akong si Case ito.

Napatawa naman siya bigla na ikinakunot ng noo ko.

"Miss huwag mong angkinin ang hindi sa'yo" natatawang sabi niya

"Ikaw dapat ang sabihan ko niyan" inis na sabi ko

Napangisi lang siya tsaka may kinuha sa bulsa nito... na phone pala niya.

"Here. This is the proof... para maniwala ka" sabi niya habang may kinakalikot sa phone niya tsaka niya ito ipinakita sa akin

Larawan niya at ang puppy version na kamukha ni Case.

"Ba-baka naman nagkakamali ka at kamukha lang niya 'yan" sabi ko

Kung ako... sigurado akong si Case 'to.

"Hindi ako nagkakamali miss, sigurado ako... Kaya ibalik mo na siya sa akin" seryosong sabi niya

"Ayoko. Akin si Case" sagot ko

Kahit na konting panahon lang kaming nagkasama, minahal ko na siya.

"His name is Riou not Case and please miss ibalik mo na siya sa akin dahil kakahanap ko lang sa kanya nung nakaraang araw"

"Kakahanap?" naguguluhang tanong ko

"Yup. I lost him just a few days ago" sagot niya agad

"Paano mo naman mapapatunayang sa'yo siya?" tanong ko

"I have photos and videos with him" confident na sagot niya

"Ikaw, may ebidensya ka ba na sa'yo siya?" tanong niya

Umm...

Wala akong maisagot. Dahil wala pa kaming litrato kahit ni isa ni Case...

Nakakainis naman.

"Basta hindi ko siya ibabalik sa'yo!" naiinis na sabi ko

I know that I'm acting childish here, but nobody can blame me... minahal ko na si Case kahit na ilang araw palang kami nagkasama, kaya ayaw ko na siyang mawalay sa akin.

"Kundi mo siya ibabalik sa akin... mapipilitan akong idemanda ka, miss" nagbabantang sabi niya

O.O

"Hindi ko siya ibibigay sa'yo" pagmamatigas ko

"Hindi ako nagbibiro miss... So you better give him to me" seryosong sabi niya

Ayokong makulong, pero......... ayokong mawala si Case.

Napatingin ako kay Case na nakatingala sa akin habang buhat ko siya.

Case naman kasi ba't ka lumabas ng bahay?

"Ganito nalang miss... Saan ba ang bahay mo dito?" biglang tanong niya kaya napatingin ako sa kanya

"Ba't ko naman sasabihin sa'yo?"

"Because, I ask for it" sagot niya agad

"Hindi porket hiningi mo... ibibigay ko"

Hindi nakaligtas sa akin ang pag ngisi niya sa sagot ko.

Arrgh... Mas lalo akong naiinis sa kanya.

"Listen. I want to have a deal with you... mukha kasing napalapit na sa'yo ang aso ko. As a dog lover... naiintindihan kita... mahirap talagang mahiwalay sa napamahal na sa'yo. Kaya kung sakaling ibibigay mo siya sa akin at kung ibibigay mo ang saktong lokasyon ng bahay niyo. Bibisitahin ka nalang namin... once in a week. Get it?" mahabang paliwanag niya

I sigh. Wala akong magagawa dahil hindi naman siya sa akin. Pero atleast makikita ko siya... Once in a week nga lang.

"Sige" pagsuko ko

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Zayn's POV

"Sinong nagbalita sa'yo? Ang PA mo ba? I'll fire him"

"La, he's just concern about the company... don't blame him. At kung hindi niya pa ibinalita sa akin, baka kung ano na ang nangyari dito" sagot ko kay La

"And you think I'll let that happen? Marami na akong hinarap at nalampasang mga problema ng kumpanya"

"That was just minor problems back then, La. This is a big problem La... pag hinayaan kitang harapin 'to mag-isa, baka mapano ka pa at ang kumpanya" paliwanag ko

Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa ibang direksyon.

"La, let me help" pagkumbinsi ko

Tumingin siya sa akin. Then she sigh.

"Okay, fine. But... be sure not to mix your personal issues on business" paalala niya

"Opo, La. Thank you" nakangiting sagot ko

"Nga pala, we have a new investor"

Napakunot noo ako dahil sa balita ni La.

"Your tito Benjin"

What?!

"No, hindi pwede. Hindi natin siya kailangan La"

"Yes, we don't need him but the company needs him"

"No, La. Not even the company" pagtutol ko ulit

"Iho, 'yon ang suggest ng consultant ng kumpanya" paliwanag niya

"La, marami pang ibang paraan"

Hinding hindi siya magiging solusyon sa pagresulba ng kahit na anong problema.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan nalang ang pagkamuhi mo sa sarili mong tito. Ano ba talaga ang dahilan apo? Tell me" nanghahamong sabi ni La

I'm sorry La, hindi ko pwedeng sabihin. Hindi pa ito ang tamang panahon.

"Please La, alisin mo siya sa kumpanya" paki-usap ko nalang

"I'm sorry iho. Pero kailangan siya ng kumpanya" pinal na sagot niya at naglakad na palabas ng opisina ko

Urghh! Fuck you Devila! Pagsisisihan mo 'to.

Tatapusin ko ang sinimulan mo. Sisiguraduhin kong hindi mo na ulit magugulo pa ang buhay ko.

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon