Sofia's POV
Matapos ang ilang minutong paghihintay namin ni granma dito sa restaurant... Finally! dumating narin si Zayn, wearing his new eyeglass."Hi! La" agad niyang bati at agad humalik sa pisngi ni granma
"Hay! Salamat naman at dumating ka na apo, kanina pa kami ni Sofia dito" sabi ni granma
Napatingin naman siya sa akin...
Zayn's POV
I like her new haircut but I don't like her dress... it reveals so much skin on her...
Hindi ko gusto ang tingin ng mga lalake sa kanya.
"Hey!" bati ko tsaka ngumiti sa kanya
Sofia's POV
Ngumiti naman ako sa kanya pabalik.
"Keaton! Di mo man lang ba hahalikan ang asawa mo? Sayang at hindi mo namana ang pagiging sweet ng dad mo sa mom mo" iiling-iling na sabi ni granma
Namula ata ako habang si Zayn ay napatawa at napa-iling nalang, atsaka naupo na sa tabi ko.
"Let's eat!" sabi niya atsaka tinawag na ang waiter
--------
Habang kumakain kami... pasulyap-sulyap ako sa kanya...Half day palang niya pero parang pagod na pagod na siya. Gusto ko sana siyang kamustahin kaso nahihiya naman ako.
Matagal ko siyang pinagmamasdan nang mahuli niya ako, kaya agad akong napa-iwas at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
Nakikita ko parin sa peripheral vision ko na nakatingin parin siya sa akin.
Nako-concious na ako, hindi ako makakain ng maayos... please Zayn tama na sa pagtitig.
"Keaton, how's your first half day at work?" biglang tanong ni granma
Nakahinga naman ako ng maluwag, nang ibaling ni Zayn ang tingin niya kay granma.
"Well, It's hard La but it's my first day in the first place... I'll get used to it though" sabi niya atsaka ngumiti
"Hmm...(sabay tango) Nakakuha ka na ba ng sekretarya mo?" tanong ni granma
"Wala pa La, bukas nalang siguro" sagot naman ni Zayn
"Piliin mo yung mapagkakatiwalaan at yung huwag masyadong maiksi manamit, ok? Magseselos si Sofia niyan"
Napatingin naman ako kay granma nang banggitin niya ang pangalan ko...
"Hindi naman po ako gagawa ng bagay na makakapagselos sa asawa ko"
Napatingin naman ako kay Zayn dahil sa sinabi niya.
"Well that's good, Keaton" nakangiting sabi ni granma
"Ikaw, Sofia. May work ka na ba?" biglang tanong ni granma sa akin
"Wala pa po, maghahanap palang po" sagot ko
"Why don't you manage our hotels? Besides, Zayn can't handle all our business, for now. You are his wife, you have the right to help him, iha"
Zayn's POV
Napatigil ako sa pagkain at napatingin ako kay La nang marinig ko iyon.
Seryoso ba si La?
"Umm... masyado po atang mabilis ang lahat, mas gusto ko po munang magsimula sa mas mababang posisyon" sagot naman niya
I thought she will... accept it.
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.