Chapter 12

8.9K 168 0
                                    

Sofia's POV

It's been a week, since nagsimulang magtrabaho si Nancy dito, bilang katulong namin.

Nung una hindi ako sanay na may katulong... Siya kasi ang gumagawa lahat ng trabaho dito sa bahay pwera lang sa pagluluto...

Minsan nga sinabihan ko siyang ako nalang ang maglilinis ng bahay... tapos biglang bumisita si granma, naabutan niya akong naglilinis... kaya ayun tuloy, napagalitan si Nancy at pinagbantahan pa siya ni granma na tatanggalin siya sa trabaho 'pag ipinaubaya niyang muli sa akin ang mga gawain dito sa bahay. Kaya simula noon hindi na ako nagtangkang agawan siya ng trabaho dahil baka totohanin ni granma ang sinabi niya. Matatanggalan pa siya ng trabaho ng dahil sa akin, na bagay na ayaw kong mangyari.

*knock...knock...knock...*

Akmang papunta na ako sa may pinto nang...

"Ako na po ma'am" pagpresinta niya

Tumango nalang ako sakanya.

Zayn's POV

Pagkapasok ko palang sa bahay amoy na amoy ko na ang niluluto ni Sofia. Hmm... sinigang...

"Hey!" sabay buhat ko kay Case, na agad sumalubong sa akin

Nakakatuwa lang itong asong ito(kahit na palagi niya akong dinidilaan sa mukha -_-), nasasanay na ako sa ilang araw na sinasalubong niya ako... parang anak ko na nga siya eh. Weird.

Nagpasalamat muna ako kay Nancy, tsaka ko ibinigay sa kanya ang mga dala ko, para ilagay niya sa loob ng kwarto namin... Bago ako nagtungo sa kusina, habang karga-karga ko parin si Case.

Pagkadating ko sa kusina, agad ko nang ibinaba si Case.

"Hi! Sinigang ba 'yan?" bati ko at pagkumpirma ko sa naaamoy ko kanina pa

~Arf!!!~ biglang tahol ni Case

Natawa naman si Sofia bago siya sumagot...

"Oo, shrimp sinigang" nakangiti niyang sagot

"Sir, ma'am, uuwi na po ako"

Agad kaming napalingon kay Nancy...

"Dito ka na kumain, tapos na naman akong magluto" anyaya ni Sofia

"Oo nga naman Nancy. Join us" pangungumbinsi ko

"Naku ma'am, sir, hindi na po. Gabi na po kasi, hindi pa po ako nakakapagluto sa amin, baka nagugutom na po ang mga magulang ko" saad niya

"Uhm... naiintindihan ko. Pero saglit lang ha, hintayin mo ito" sabi ni Sofia tsaka siya kumuha ng lalagyan. Naglagay siya ng sinigang doon bago niya ito inilagay sa plastic bag.

"Ito oh, ulam niyo" nakangiting iniabot niya ito kay Nancy

"Naku! Salamat po ma'am" pasasalamat naman ni Nancy

Stay in sana si Nancy dito kaso may sakit ang mga magulang nito, walang mag-aalaga sa kanila dahil nag-iisang anak lang ito. Mabuti na nga lang at mabait ang mga kapit-bahay nito, sila ang nag-aalaga sa mga magulang nito sa tuwing pumapasok siya sa trabaho.

>>>>>>>>>>

Sofia's POV

Matapos kaming kumain...

Nanuod muna kami dito sa may sala.

"Uhm... Sofia... pa-masahe naman ng likod ko" sabi ni Zayn

Ay! Oo nga pala muntik ko nang makalimutan...

"Oo, sige. Teka lang kukunin ko lang yung ointment sa kwarto" paalam ko

Agad naman siyang tumango.

>>>

Nang makabalik na ako sa sala... naabutan ko na siyang naka-topless.

*_* Kahit na one week ko nang nakikita ang abs niya... I mean, katawan niya, hindi ko parin maiwasang magblush, kinikilig parin ako. Marami akong nakikitang naka-topless na mga lalake sa mga kapit-bahay namin noon, pero hindi naman ako ganito. Pero bakit pag siya na... pakiramdam ko mahihimatay ako sa kilig. *_*

"Sofia!" pukaw niya sa atensyon ko

"Ha?" tanging naisagot ko dahil sa pagkabigla

"I said, come on. Ang tagal mo nang nakatayo diyan" sabi niya kaya agad na akong lumapit sa kanya

Zayn's POV

Habang minamasahe ako ni Sofia... hindi ko maiwasang maalala ang nasabi ni Ross sa akin kanina nang maikwento ko ang pagmamasahe ni Sofia sa akin, gabi-gabi.

Hindi ko naman balak na sabihin sana iyon, kaso nadulas ako -_-

->>>>>FLASHBACK

"Aren't you having a boner everytime she massage you?" -Ross

"No! I'm not!" agad kong tanggi

Tss... Ang rumi ng utak ng lalakeng ito -_-"

"Really?! Because if I am at your position... I'll be as hard as a rock"

Agad kong ibinato sa kanya ang hawak kong ballpen. Kung ano-ano ang pinagsasabi eh. -_-"

"Ouch! Naman, bro! Huwag mo namang gasgasan ang gwapo kong mukha"

END OF FLASHBACK

Suddenly, napababa ako ng tingin...

Seriously! Are you out of your mind, Zayn?!

Nahahawa na ata ako kay Ross(?)

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko, at bigla akong may naalala.

I almost forgot.

"Sofia" panimula ko

"Ano yun?" tanong niya

"Birthday ni La, bukas... may gaganaping party sa mansion. Inimbitahan niya tayong pumunta, mga seven pm, magsisimula yung party. Isuot mo yung nasa may paper bag, na nandoon sa kwarto" tuloy-tuloy kong sabi

"Uhm... Okay. Pero pwede ba akong lumabas bukas? Bibili kasi ako nang pangreregalo ko kay granma"

"Huwag mo nang alalahanin 'yun. Ako na ang bahala doon" pagtutol ko sabay harap sa kanya sanhi para mapahinto siya sa pagmamasahe

"Sige na, Zayn, please... Pasasalamat ko na rin kasi ito sa lahat ng kabutihang ginawa niya sa mga magulang ko at sa akin"

Nang hindi ako sumagot...

"Please" paki-usap niya habang naka-pout

"S-sige" hindi ko namalayang nasabi ko

Napangiti naman siya sa sagot ko.

What's happening to me?

It's just like... I'm being hypnotized by her.

"Thank you!" ubod ng sayang pasalamat niya, tsaka niya ako...

Niyakap. O.O

Anong nangyayari sa puso ko? Ang lakas at ang bilis ng tibok nito. Anong nangyayari sa akin?

I think I should ask Dr. Rex about this.

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon