Chapter 37

7.3K 127 0
                                    

Zayn's POV

Hindi ko manguya ng maayos ang kinakain ko.

Bakit iba ang lasa ng luto ni manang Cecil? O namimiss ko lang ang luto ni Sofia?

Hindi ko na kasi pinapagluto si Sofia, simula kahapon. At ako ang nagdurusa sa ginawa ko... arrgh.

Napatingin ako kay Sofia na nakatingin lang sa plato niya habang kumakain.

Kadalasan, nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin sa tuwing kumakain kami. Pero, ba't hindi niya ata maalis ang tingin niya sa plato niya?

Dahil ba doon sa halik ko kagabi?

Bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at hindi na ako sumulyap pa sa kanya.

>>>>>

"Thank you" sabi niya sabay mabilis na binuksan ang pinto ng kotse para bumaba na sana mula sa sasakyan pero pinigilan ko siya sa braso gamit ang kanan kong kamay

"Do you already have a driver's license?" tanong ko

"Meron na" hindi nakatinging sagot niya

"Good. I'll pick you up after lunch" sabi ko

Napatingin siya sa akin na nagpangiti sa akin.

I miss those beautiful eyes staring at me.

"Okay" sabi niya na may konting ngiti bago lumabas

"Bye" sabi niya bago isinara ang pinto ng kotse

She's thinking about the kiss... that she thought it's her first kiss.

Kung alam mo lang Sofia.

>>>>>

Matapos ang ilang minutong paghihintay sa tapat ng hotel... lumabas na rin si Sofia.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya matapos niyang makasakay sa kotse

"You'll see" sagot ko bago ko inayos yung seatbelt sa kanya

Napatingin ako sa mukha niya.

Just an inch and I might kiss her again. But instead, I look onto her eyes.

"You didn't sleep well" kumento ko bago ako lumayo sa kanya para ayusin din ang pagkakakabit ng seatbelt ko na tinanggal ko kanina

"Matatagalan ba tayo? May trabaho pa kasi ako"

"No. Maybe, just a few minutes" sagot ko bago ko pinaandar yung kotse

>>>>>>>>>>
Sofia's POV

Kanina habang nagtatrabaho ako... sumasagi sa isip ko ang sinabi kanina ni Zayn at napapaisip ako kung saan kami pupunta.

At ngayon nga... napapatingin ako sa may bintana ng kotse. Tinitignan ko kung saan kami patungo.

Huminto ang kotse ni Zayn sa bilihan ng mga sasakyan...

Nagtataka man pinili ko nalang manahimik.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at gano'n din ang ginawa niya.

Mabilis siyang lumabas ng kotse para pagbuksan ako ng pinto nitong kotse.

Lumabas ako tsaka niya isinarado ang pinto ng kotse.

Napatingin ako sa kamay ko nang bigla niya itong hinawakan. Naramdaman kong nag-init bigla ang pisngi ko.

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon