"Sofia! Gising na malalate ka na, anak!"
Sofia's POV
"Opo! Nandyan na po, maliligo na po!" nakapikit na sigaw ko
After 10 minutes. Tapos na akong mag-ayos at pumunta na ako sa kusina namin para mag-agahan.
"Good morning nay! Good morning tay!" bati ko at nagmano ako sa kanilang dalawa
"Good morning din, anak!" -nay
"Good morning, anak" -tay
Pagkatapos naming mag-agahan, nagtoothbrush na ako. At habang nagsisipilyo ako...
"Anak, meron kaming importanteng sasabihin sa'yo mamayang hapon, kaya umuwi ka ng maaga ha" -tay
"uhmm... ano naman po iyon?" tanong ko
Tapos nakong magtoothbrush at inaayos ko na lang ulit yung bag ko kasi baka may nakalimutan ako.
"Mamayang hapon namin sasabihin anak" sagot ni Nay atsaka siya ngumiti ng kaunti
"O-k po. Alis na po ako" paalam ko at ngumiti ako sa kanila tsaka nagmano ako sa kanilang dalawa
Ano kaya iyon? Hindi maganda yung kutob ko... But, I hope na maganda yung sasabihin nila nay at tay.
___Sa School___
I'm Sofia Liz Majusay, 4th year high school student :) ...
Pagkapasok ko pa lang sa school, agad kong natanaw ang true friend ko...
"Wahhh... sis!" sigaw niya habang patakbong lumapit sa akin
Nang makalapit na siya sa akin, agad niya akong niyakap.
"Sis, I miss you!" sabi niya habang nakayakap parin ng mahigpit sa akin
"Sobra ka naman sis, two days lang tayong hindi nagkita eh" sabi ko naman
"ehh... (at humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin) Namiss kita eh! Hindi mo ba ako namiss, sis?*pout*" sabi niya
"umm... namiss" sagot ko atsaka ngumiti
"Yun naman pala eh! Let's go?" aya niya sa akin
At naglakad na kami papunta sa room namin.
Grace's POV
I'm Bettina Grace Castro, SSC student and the true friend of my sis Sofia, karamihan kasi ng classmates namin kinakaibigan lang siya pag may kailangan(nakaka-inis yung mga taong gano'n -_-) , matalino kasi ang sis kong 'to, top 2 siya sa klase namin. Well ako? Top 5 lang naman, ^_^
°°°After Class°°°
Sofia's POV
Nauna na ako kay Grace kasi kailangan kong umuwi ng maaga.
Naglalakad ako sa may corridor ng may makasalubong ako at...
*BOOGSH*
Napahinto naman ako sa paglalakad.
Nahulog yung mga libro ng lalake.Hindi ko makita yung mukha niya kasi nakayuko ito at pinupulot ang mga libro niyang nahulog.
Tinulungan ko naman siyang pulutin ang mga libro niya...
Nung napulot na naming lahat ng libro. Tumayo na ako...
"Eto oh" sabi ko nang makatayo narin siya at iniabot ang mga libro niya tsaka ako tumingin sa kanya
O_O
"Thanks" pasalamat niya atsaka niya inayos ang kanyang eyeglass at nahihiyang ngumiti, at kinuha niya ang mga librong iniabot ko
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.