Zayn's POV
"Man, ano ba ang mga gustong regalo ng mga babae?" pasimpleng tanong ko kay Ross na umiinom ng kape habang nakatingin sa isang table na puno ng mga babae, dito sa Starbucks.
Sinipa ko yung paa niya.
Nakakapikon lang kasi na kinakausap ko siya pero parang wala siyang naririnig.
Muntik na akong matawa nang muntik niyang mailuwa yung iniinom niya.
"What's wrong with you? Tahimik akong umiinom ng kape dito tapos bigla kang maninipa" reklamo niya
"Tss... Dumidiskarte ka na naman. Isusumbong kita kay Bettina" sabi ko
"Anong dumidiskarte... Parang pamilyar lang yung tao" depensa niya
"Tch."
"Ano bang kailangan mo at nag-imbita kang magkape? (*he pause for awhile then grin*) Siguro nakakatulog ka sa opisina niyo kasi nagpupuyat na kayo palagi ni Sofia"
Sinipa ko ulit siya.
"Ouch! Bro naman! Tama na sa paninipa, baka hindi ako makalakad nito pauwi" angal niya
"Umayos ka kasi" naiinis kong sabi
"Ano ba 'yon?" tanong niya
"Anong regalo ba ang gusto ng mga babae?" tanong ko ulit
"Para kay Sofia ba?" tanong niya
"Oo" maikling sagot ko
"That's easy, man. Romansa"
Akmang sisipain ko siyang muli nang...
"Oopps!" sabay iwas niya ng paa niya
"Ross, I'm serious"
"Just google it, man. Hindi pare-pareho ang gusto ng mga babae o ng mga tao, and I don't know what she likes, man... You should be the one who knows it" sabi niya na ikinatahimik ko sandali dahil natamaan ako sa huling sinabi niya
"Fine. But, can you just call Bettina and ask her about Sofia's likes?" I asked
..........
Matapos kong makabili ng regalo ko para kay Sofia... Dumiretso na ako sa bahay nila.
Gusto ko kasing tumulong sa pagluluto... Kahit yun man lang ang maitulong ko. Ayaw kasi nilang kunin yung perang ibinibigay ko kahapon.
Naabutan ko ang mga magulang at yung ilang mga kamag-anak nila (na nakilala ko noong nasa Ilocos kami) ...nasa sala sila habang nanonood ng palabas sa telebisyon.
"Napa-aga ka ata Zayn" kumento ng ina ni Sofia
"Ba't hindi mo kasama si Sofia?" tanong naman ng lolo ni Sofia na nasa may pintuan ng bahay nila
"Mamaya pa po siya darating. Gusto ko po kasing tumulong kaya maaga po akong pumarito ngayon" sabi ko
"Naku, Zayn, kaya na namin ito. Pagpapawisan ka lang" sabi ng ama ni Sofia
"Please po hayaan niyo na po akong tumulong. Huwag po kayong mag-alala marunong po akong magluto" nakangiti kong pagkumbinsi
Kahit ito man lang ang maitulong ko.
Natawa sila sa sinabi ko. At sa huli pumayag din sila.
Nagpalit muna ako ng damit sa kotse. Bago ako nagtungo sa likuran ng bahay nila kung saan sila nagluluto.
"Iho alam mo bang magluto ng pansit?" tanong ng lolo ni Sofia
"Opo, alam ko po" sagot ko
Tinuruan kasi ako minsan ni mom... nung bata pa ako.
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Fiksi RemajaTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.