Zayn's POV
Habang nagsasalita si La sa harap... Hindi ko maiwasang mapatingin sa direksyon kung saan nakaupo si Mr. Cardinale.
>>>>>Flashback
"Naipaalam sa akin ni Ross na nakipag-deal ka daw kay Mr. Cardinale, Zayn?" tanong ni tito nang makalayo kami kina Sofia
"Opo tito. Kaka-close ko lang ng deal namin kanina" sagot ko rito
"I never have the chance to get close to that person. Most of my business partners said that he's a very mysterious man. At mahirap magtiwala sa taong misteryoso"
Natahimik ako sa sinabi ni tito...
"Mag-iingat ka sa taong iyon, iho. Balita ko kasi ma-utak siya pagdating sa lahat ng bagay, especially when it comes to business"
END OF FLASHBACK
Kahapon, inutusan ko si Nick na kumalap ng impormasyon tungkol kay Mr. Cardinale.
At nakapagtataka na wala siyang nakuha kahit ni isang mahalagang impormasyon rito.
Ano ba ang tunay mong pagkatao Mr. Cardinale?
"So, I've decided Keaton will have my position as your new Chairman"
Napatingin ako kay La dahil sa sinabi niya...
"Hindi ba masyado pang maaga para diyan"
Napalingon si La sa nagprotesta... habang nakatingin lang ako kay La dahil sa pagkabigla.
Why so sudden?
"I said it earlier what's my reason is. And I expect each one of you would respect my own decision. That's all. Thank you everyone for your time" pagdi-dismiss ni La
>>>>>
"La, why so sudden?" tanong ko kay La nang maiwan kaming dalawa
"Napansin kong hindi ka nakikinig kanina, Keaton... That's so disrespectful of you"
Napayuko nalang ako...
"Mahina na ako apo" sabi ni La dahilan para mapatingin ulit ako sa kanya
"Kaya gusto ko nang iwan sa'yo ang pangangalaga sa kumpanya. And besides, I'm planning to have my vacation in US"
Huh?
"F-for how long, La?" tanong ko
"One year"
O.O
One year?!
"Ba't ang tagal naman La... akala ko ba bakasyon lang?"
"Masyado na kasi akong nai-stress sa mga nakaraang taon... Gusto ko lang mag-relax kahit na isang taon lang apo"
"Pero La... pwede ka namang magrelax dito sa Pilipinas. Maraming magagandang lugar dito"
"No, iho... ang init-init ngayon sa Pilipinas. Atsaka buo na ang desisyon ko, Keaton. Alagaan mo nalang ang kumpanya... huwag mong biguin ang ama mo"
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.