Chapter 17

8.4K 132 2
                                    

Zayn's POV

"Ako?" sagot niya sa akin matapos ko siyang hamunin magboxing

"Oo" maikling sagot ko

Sino pa ba? Kaming dalawa lang naman ang nandito ngayon sa locker room -_-"

"Pagod na ako... kanina pa ako nakikipaglaban, mag-aya ka nalang ng iba o kaya 'yung punching bag nalang, man" sabi naman niya

"Sige" sagot ko nalang atsaka ako lumabas na ng locker room

Baka nga pagod na siya.

>>
Inaya ko yung isa sa mga kakilala ko dito ngunit ayaw naman niya. Kaya napilitan nalang akong gamitin ang punching bag.


Suntok lang ako ng suntok doon... Ibinubuhos ko ang lahat ng frustration at galit ko dito.

Kahit na pawisan na ako hindi parin ako tumitigil... dahil hindi parin ako kuntento.

"Whoow... Easy man! Muntik na ako doon" sabi ni Ross na biglang sumulpot

Itinigil ko naman ang pagsuntok dito at hinawakan ito.

"Ba't ka kasi nandyan?" inis na sabi ko

"Ibibigay ko lang 'to" sabay pakita niya sa phone ko na nag-ri-ring

"Kanina pa tumatawag ang lola mo... baka may importanteng sasabihin" sabi niya at tuluyan nang ibinigay sa akin ang phone ko

Agad ko naman itong kinuha sa kanya...

"Thanks" pasalamat ko sabay tango sa kanya, bago ko sinagot ang tawag

"Hello, La" bati ko agad

["Apo, nasaan ka?"]

"Nasa gym po" sagot ko

["You should go home now and help Sofia to pack your things up. I booked you and Sofia a flight for tomorrow, to Ilocos Norte"]

O.O What?! Aalis ako ng di ko nalalaman?

"Ba't biglaan po?"

["Basta. Sige na, umuwi ka na. Bye"]

And she ended the call.

I sigh.

"Anong sabi ng lola mo?" biglang tanong ni Ross na nandito pa pala

"We're going to Ilocos tomorrow" sagot ko rito

"With madam Maxima?"

"No. With Sofia"


Madam Maxima's POV

I immediately book a flight for them upon knowing that Sofia's parents are in there.

Sa tingin ko makakatulong 'yon sa apo ko.

May hinala akong dahil ito sa pagkakita niya sa tito niya kagabi... kung bakit siya nagkakaganon.

Hindi ko parin alam hanggang ngayon kung bakit biglaang sobra ang galit niya para sa tito niya. Samantalang magkasundong magkasundo sila noon.

Speaking of his tito, magkikita pala kami ngayon... He invited me for a dinner with his new girlfriend.

Kaya matapos naming mag-usap ng apo ko, lumabas na ako ng opisina para pumunta sa restaurant na sinabi niya.

>>>>>

Pagkadating ko, nagtanong ako agad sa isang waiter kung nasaan siya. Agad naman niya akong inalalayan para pumunta doon sa kinaroroonan niya.

"Hi, ma! I'm glad you came" bati niya agad saka ako hinalikan sa pisngi

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon