⚠ WARNING!!!!! This chapter has sexual content and it's not suitable for minors.
If you insist...
Read at your own risk.
Sofia's POV
Five years after our second wedding.
Maraming nagbago sa pagsasama namin ni Zayn, mas naging sweet at mas naging open na kami sa isa't isa... Mas naging maayos na ang pagsasama namin. Although, hindi maiiwasan ang pag-aaway namin minsan.
Naipaliwanag narin niya sa akin yung post ni Aurelia sa Facebook. Nagpunta lang daw ito saglit doon para makiramay sa pumanaw nitong ate. Personal pa akong kinausap ni Aurelia noon para ipaliwanag na napag-utusan lang siya ni Benjin noon, dahil manganganib daw ang sariling buhay nito 'pag hindi niya ginawa yung ipinag-uutos niya. At nung namatay si Benjin, doon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin lahat ng iyon sa amin ni Zayn.
"Good morning iha" bati sa akin ni grandma sabay halik sa pisngi ko
Naikwento naman ni grandma ang naging sakit niya noon. Akala niya daw hindi na siya makakaligtas pa sa sakit na iyon. Pero sa awa ng Diyos nandito parin siya at kasama namin ngayon.
Pero mahina na siya ngayon dahil narin sa katandaan niya. Kaya namamalagi nalang siya dito sa bahay... Paminsan minsan siyang namamasyal sa kung saan.
"Good morning din po, grandma" bati ko pabalik at nagtungo na sa upuan na kalapit ng upuan ni grandma, dito sa dining area
"Anong sabi ng nanay mo? Makakarating ba sila mamaya?" tanong ni grandma matapos kong makaupo
"Oo daw po" nakangiti kong sagot
Nakatira na sa mansion ni grandpa sina nay at tay. Samantalang napaayos na yung bahay ni lolo sa Ilocos. Mas malaki na ito kaysa dati.
"Mommy!!!"
Napalingon ako sa may elevator dahil sa pagsigaw ni Zacharius.
Tumatakbo siya papalapit dito sa dining area.
"Daddy said that you two will go in Tagaytay because---"
Biglang sumulpot si Zayn at tinakpan niya yung bibig ng anak namin.
"Because we will meet a new investor, that's what I said. Right, Zach?" sabi ni Zayn bago niya tinanggal ang pagkakatakip sa bibig ng anak namin
"You're lying daddy, that's bad." nakasimangot na sabi ni Zach
Napangiti ako sa reaksyon ni Zacharius.
Ang cute niya kasi.
"Keaton, ano ba kasi yung sinasabi ng anak mo?" tanong ni grandma
Lumapit sa akin si Zach tsaka ako hinalikan sa pisngi. Hinalikan ko rin ito sa pisngi at kinurot ko rin siya sa pisngi.
"Mommy that hurts" nakasimangot niyang sabi
Nakasimangot parin siya nang humalik din siya kay grandma.
"Baby, umagang umaga nakasimangot ka. Come on, smile" sabi ko
Ngumiti naman siya agad. Revealing his white teeth.
Lumapit si Zayn sakanya tsaka niya ginulo ang medyo kulot nitong buhok.
Umupo si Zach sa katabi kong upuan at nagtungo naman si Zayn sa katapat kong upuan. At umupo doon.
"Yung tungkol sa pagpunta namin mamaya sa Tagaytay, La. Wala talaga kaming imi-meet na investor doon. It's just my gift for my wife, La" sabi niya habang nakahawak ito sa batok niya
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.