Chapter 28

7.4K 127 11
                                    

Sofia's POV

  Matapos magpaalam ni Ivan sa akin kahapon. Dahil uuwi muna daw siya sa probinsya nila sa kadahilanang kailangan siya ng ama niyang may sakit at mga nakababata niyang kapatid. Ulila na daw kasi sila sa ina kaya siya nalang ang maaasahan nila. Sabi niya sa akin kahapon.

  Hindi ko magawang maging masigla dahil namimiss ko si Case.

"Matatapos na ako Sofia samantalang ikaw hindi mo pa nasisimulan ang pagkain mo" biglang sabi ni Zayn dahilan para matauhan ako

"Mukhang namimiss mo ang Ivan na yun" kumento niya habang nakatingin sa plato niya

Naikuwento ko kasi sa kanya kagabi yung naging pag-uusap namin ni Ivan kaya alam niya ang tungkol sa pag-alis niya.

"Hindi si Ivan ang namimiss ko kundi si Case" malungkot na sagot ko

  Naki-usap nga ako kahapon na iwanan niya nalang si Case o Riou, pero hindi siya pumayag... Parang pamilya na raw kasi nila si Riou.

"Wala tayong magagawa Sofia kung ayaw niyang ibigay si Case" sabi niya... this time nakatingin na siya sa akin

Alam ko namang wala akong karapatan pero hindi ko maiwasang maging malungkot.

"By the way, may out of town ako tomorrow... sa Palawan. Gusto mo bang sumama?" tanong niya

Palawan... hindi pa ako nakakapunta doon.

"Tungkol ba yan sa business? Baka makaistorbo lang ako" nag-aalangang sabi ko

"Yes it's about business.  Umm... invite your friend named Bettina Grace? Am I right?"

  Tumango naman ako bilang sagot.

"Kaysa maiwan ka dito mag-isa na malungkot, sumama nalang kayo ng friend mo. Wala namang magiging problema sa tutuluyan natin dahil pag-aari naman ni La yung resort doon" paliwanag niya

"Ako na ang magbibilin kay Nancy dito sa bahay"

"Okay na ba yung tatay niya?" tanong ko

"Medyo mabuti na raw ang kalagayan nito, message niya sa akin kahapon. Pupwede na raw siyang magtrabaho bukas" sagot niya tsaka tumayo na

"Kumain ka na... huwag mo na masyadong isipin si Case. For sure inaalagaan naman siya nang mabuti nung Ivan na 'yun" sabi niya

  Sana nga. Kunsabagay, nakita ko naman kung paano niya pahalagaan noon si Case o Riou.

"I'll go ahead Sofia. Sabihan mo nalang si Grace. Then pack your things up this afternoon... Our flight for tomorrow is six in the morning"

Zayn's POV

     Hindi muna ako pumasok ngayon dahil naisipan kong pumunta dito sa gym. Napapabayaan ko na kasi ang katawan ko.

  Mabuti nalang at medyo mabuti na ang lagay ng kumpanya ngayon. Pero ang nakakainis... kasama si Devila sa mga investors namin.

   Wala akong tiwala ni katiting sa demonyong iyon.

Kaya kailangan kong mapapayag bukas na mag-invest si Mrs. Liberato... ang isa sa mga bigtime na negosyante sa buong mundo.

"Kumusta bro? How's your vacation with your beautiful wife?" nakangising tanong niya

*sigh* Sanay na ako sa mapang-asar na lalakeng 'to  -_-

"Okay lang" sagot ko

"What do you mean? Nakarating na ba kayo?"

Huh? Pinagsasabi ne'to?

"Saan?" naguguluhang tanong ko

"Sa langit" nakakalokong sagot niya kaya binato ko sa mukha niya yung towel na kakukuha ko lang

Tumawa naman siya ng malakas na rinig na ata hanggang sa labas ng locker room.

Tch... Puro kalokohan talaga ang lalakeng 'to.  
-_-

  Nagtungo nalang ako sa may cr para magpalit muna ng damit.

>>>>>
  Nang lumabas ako... tumatawa parin siya.

"Stop laughing Ross" warning ko sa kanya na agad namang nagpatigil sa kanya sa pagtawa

Nagsisimula na kasi akong mapikon.

  "I'm sorry. Pero seryoso bro... hindi mo ba talaga kaya? I mean, Sofia is nice and so beautiful. Why don't you try?" sabi niya matapos

Naupo ako sa bench na katapat niya.

"Honestly, your right. I like her" pag-amin ko

"Like lang? Seriously man?" hindi makapaniwalang sabi niya

"I'm not joking Ross" seryosong sabi ko

"That's impossible man! Kahit ni halikan siya hindi mo ba nagawa?" nanghahamong sabi niya

"Nagawa ko"

   Natigilan naman siya ng ilang sandali.

"Di nga? Totoo?" di makapaniwalang tanong niya

"Oo, pero dapat yata hindi ko yun ginawa dahil nakainom siya ng alak no'n. Parang pinagsamantalahan ko siya" paliwanag ko

Ang totoo, naguiguilty ako sa tuwing pinakikiharapan ko si Sofia dahil sa walang paalam kong ginawa yun sa kanya. At ni hindi ko manlang sinabi... mas pinili kong ilihim nalang.

"Woah, I'm proud of you man! Sa wakas, nakahalik ka na rin" medyo natatawang sabi niya

"Man, asawa mo siya... hindi mo siya pinagsamantalahan" he seriously said then

"Even if she's my wife... I should still respect her, man" paliwanag ko

"Okay, mali nga siguro" kibit-balikat na sabi niya

"Tara na nga" anyaya ko nalang sa kanya palabas ng locker room

>>>>>>>>>>
   Papauwi na ako nang may ibigay sa akin si Ross na isang cd...

Kamasutra?

"Ano 'to?" tanong ko habang tinitignan ng maigi yung cd

"May mga iba't-ibang styles diyan" malabong sagot niya

"Ng alin?" nakakunot noong tanong ko tsaka binasa yung nasa likod ng hawak kong cd

O.O

"Para sa lovemaking niyo ng asawa mo bukas"

   Agad kong ibinato sa kanya yung cd... na nasalo naman niya

"Hindi ko kailangan 'yan" sabi ko

"Bro, alam kong wala ka pang experience... Kaya kailangan mo'to. Paano kayo magla-lovemaking kung wala kayong alam pareho"

"Love ang kailangan mo para gawin yun Ross... that's why it's called lovemaking. For me, I don't need knowledge of any videos when it comes to lovemaking."

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon