Chapter 26.1

8.1K 119 1
                                    

Sofia's POV

Hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Zayn.

Nakasalubong ko kanina si granma nang papasok palang ako dito kaya hindi ako nahirapang makapasok dito. Sasamahan niya sana daw ako kaso may mahalaga daw siyang pupuntahan ngayon.

Masyado nga silang abala ngayon dahil sa kumpanya. Madalas ngang kulang na ng tulog si Zayn... uuwi ng gabing-gabi na tapos sobrang aga pa kung pumasok. Napapansin kong pumapayat na rin siya. Naaawa na ako kay granma at sa asawa ko dahil sa walang kapaguran nilang pagtatrabaho. Gustuhin ko mang makatulong ngunit hindi ko naman alam kung paano.

Kaya naisipan ko nalang na dalhan ng lunch si Zayn at si granma...sana kaso may pinuntahan siya.

Pagdating ko sa may pinto ng opisina ni Zayn... Napansin ko ang silya at maliit na mesa na may nakapatong na mga folder doon pero walang kahit ni isang tao. Kaya kumatok nalang ako sa may pinto...

*knock...knock...knock...*

Walang sumagot kaya kumatok uli ako. Nakaka-isang katok palang ako nang may magbukas ng pinto...

•.•

"Aurelia?" nasabi ko nalang dahil sa gulat sa muling pagkakita sa kanya

"Liz? Kumusta kana?" sabi naman niya at agad akong niyakap

"Halika pasok ka" paanyaya niya sa akin matapos niya akong mayakap

Parang wala kaming naging alitan dati kung pakitunguhan niya ako ngayon. Kung sabagay matagal narin 'yon.

Aurelia Del Frosa, ay ang naging kaibigan namin ni Grace noong college. Nakilala namin siya doon sa pinasukan naming university. Hindi naging hadlang ang hindi namin pagka pare-pareho ng course para maging magkakaibigan kami... madalas kaming magkakasama pag free time namin.

Kaso nga lang may naging problema kaya natapos ang pagkakaibigan namin. At hindi narin namin siya nakita pagkatapos no'n dahil lumipat ito ng ibang university.

Pagkapasok ko... agad kong napansin si Zayn na gulo-gulo ang buhok, wala siyang suot na eyeglass at... at... nakabukas ang tatlong butones ng long sleeve nito.

At napatingin ako kay Aurelia... Ang igsi at hapit na hapit sa kanya ang skirt niya at ang baba ng neck line ng blouse nito na halos kita na ang hinaharap nito.

*gulp* Anong ibig sabihin nito?

Parang nakakaramdam ako ng inis.

Ughh! Ang dumi ng utak ko.

"Miss Del Frosa, you may go" sabi ni Zayn rito dahilan para makabalik ako sa realidad

Kung ano-ano na kasi ang pumapasok sa utak ko.

"Sofia, ba't biglaan ka atang naparito?" tanong niya habang isinusuot ang eyeglass niya

"Gusto sana kitang makasabay mag-lunch" pinilit kong pasiglahin ang boses ko habang sinasabi iyon

"Okay... teka lang at aayusin ko yung mesa" sabi niya tsaka tumayo at nagtungo sa di kalayuang mas malaking mesa.

"Paano ka pala nakapasok? Wala akong natatandaang tumawag dito para ipaalam na nandito ka" sabi niya ng hindi nakatingin sa akin dahil sa pagliligpit niya ng nagkalat na mga paper works sa mesang iyon.

"Nakasalubong ko kasi si granma kaya siya na ang mismong nagsabi na papasukin ako. Sasamahan daw sana niya ako kaso may pupuntahan pa daw siya" sagot ko rito

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon