Zayn's POV
Bago kami magtungo ni Ross sa gym namin(pagmamay-ari namin ni Ross) kumain muna kami ng lunch sa isang restaurant.Habang kumakain kami... naisip ko siya...
Kumain na kaya siya? Baka hindi pa yun umuuwi hanggang ngayon.
"Malalim ata ang iniisip ng kuya ko ha... Did you miss your wife already huh?*smirk*" komento niya atsaka ngumisi
"Hindi noh! And why would I miss her?" depensa ko
Nagkibit balikat siya at...
"Maybe you're falling for her" sagot niya atsaka tinuloy ulit ang pagkain
Hindi ko nalang siya sinagot at nagsimula na ring kumain...
It's nonsense to say something to his comment because I'm sure that I'm not falling for Sofia... I'm just concern.
Nakakailang subo palang ako nang magsalita siya ulit...
"Man, you should start a new life... let go and forget about the past"
Pag-angat ko ng tingin sa kanya... Seryoso siyang nakatingin sa akin.
Damn! I can't just forget about the past... It's haunting me... I lost my family because of those persons.
"Then you should fix yourself too. Go back to school, Ross" pag-iiba ko
"No man, I won't! Even your four years older than me, I won't" iiling-iling na sabi niya
"Then don't meddle my business, man" ma-awtoridad na sabi ko
Napabuntong hininga naman siya...
"Ok... Tapos ka na ba? Let's go?" pag-iiba niya sa usapan namin
Tumango naman ako bilang sagot.
Pagkatapos ay tinawag ko na yung waiter... Akmang magbabayad siya nang pigilan ko siya...
"Ako na" sabi ko at iniabot sa waiter yung bayad
"Maasahan ka talaga bro*smirk*" sabi niya
Tch... naaawa lang ako kina tita at tito, yung mga magulang niya... Pano kasi nag-iisang anak na nga lang siya, hindi pa nila maasahan ito para magpatakbo ng mga negosyo nila... Ang dahilan niya ay tinatamad daw ito.
Pinakiusapan nila ako, na kung pwede daw ay kumbinsihin ko itong bumalik sa pag-aaral... Pero matigas talaga ang ulo niya kaya hindi ko rin siya makumbinsi.
Pagdating namin sa gym...
Wala masyadong tao ngayon.Karamihan na nandito ay mga lalaki, ilan lang ang babae. Malalaki ang katawan ng mga karamihang lalake dito, samantalang kami ni Ross ay katamtaman lang ang laki ng katawan namin.
Habang papasok kami, may ilang bumati sa amin... Tanging tango lang ang naging sagot namin sa kanila.
Agad kaming nagtungo sa locker room para magpalit... Pagdating namin doon, pumunta kami sa kanya naming locker.
Two years ago ng maipatayo ito... Hiniling ko ito kay lola noong nineteenth birthday ko. Si lola na muna ang nag-asikaso nito noon dahil nasa amerika palang ako noon.
At dahil mahilig si Ross mag-work out, hiniling niya na magsosyo kami... At sa ngayon eto ang pinagkakaabalahan niya paminsan-minsan.
Pagkalabas namin sa locker room... Lumapit ang isang babae kay Ross...
Tch... pambihira! Pati ba naman dito?!
"Hey, babe! Ba't di ka na nagtetext? Miss na miss na kita" sabi ng babae at ipinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Ross
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Novela JuvenilTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.