Sofia's POV
"Sis!"
Nabalik ako sa realidad nang bigla nalang sumigaw si Grace. Napatingin pa yung mga napadaan dito sa kinaroroonan naming cottage.
"Sabi mo gusto mo akong magkuwento? Kanina pa ako nagkukuwento pero hindi mo naman ata ako pinapakinggan *pout*" nahihimigan ng tampong sabi niya
"Pasensya ka na sis, may naisip lang kasi ako" hinging paumanhin ko
"Sus... namimiss mo na agad si Zayn?" nanlolokong sabi niya
"Oo, pero meron pa kasing gumugulo sa utak ko sis" seryosong sabi ko
"Share mo kaya sis, baka sakaling makatulong ako"
I sighed.
"Si Aurelia" panimula ko na ikinagulat niya
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako...
"To be honest, nagseselos ako sis" pagtatapat ko
"Bakit ka naman magseselos sa kanya? Sis, secretary lang siya ng asawa mo" naguguluhang tanong niya at pagpapaalala niya
"Para kasing hindi lang ganoon yun sis" pangangatwiran ko
Alam kong masama ang mambintang pero sa tuwing naaalala ko yung naabutan ko noon sa opisina... hindi ako mapalagay. Lalo pa't magkasama sila ngayon.
"Anong ibig mong sabihin sis?" naguguluhang tanong niya ulit
"Nung minsan kasing bumisita ako sa opisina niya... yung suot kasi ni Aurelia noon, ang iksi. Tapos si Zayn... gulu-gulo ang buhok at nakabukas pa yung tatlong butones ng long sleeve niya, noon" pagkukuwento ko
"Hmm..." tumatango-tangong sabi niya
"Mababaw ba sis?" nahihiyang tanong ko
"Hindi, sis. Naiintindihan ko yang iniisip mo sis. Natatakot kang maagaw sa'yo ang asawa mo" sabi niya
Oo, natatakot ako. Lalo na't alam kong hindi niya ako mahal. Na papel lang ang pinanghahawakan ko.
"Pumayag ka na kasi sa plan ko sis. Make him fall for you. Seduce him" pagpapayag niya
"You mean, the show some skin thing? Alam mong hindi ko kaya sis" napapailing na sabi ko
"Hay naku *sigh* Kaya mo, sis. Atleast give it a try. Risk something for him, if that's the only thing he'll notice you"
"Pero sis---"
"Hay... yan pero ka kasi ng pero. Kinokontra mo ang suggestion ko... Maganda ang katawan mo sis. Be confident, sis. Katulad ngayon magswi-swimming tayo... huwag mong sabihing magpa-pants at magtiT-shirt ka?" sabi niya
Dahilan para mapatingin ako sa suot ko...
••••••••••••••••••••••
Zayn's POV
"I like it here, Mr. Jenares. This place is paradise, so refreshing. A very relaxing place. One of the very beautiful places I've been" kumento ni Mrs. Liberato habang naglalaro kami ng golf"Yes, indeed Mrs. Liberato. I'm glad you like it here. Lots of people are here every vacation because they want to relax. Many couples wish to get married here too because of the romantic ambiance in this island" pagsang-ayon ko at pagmamalaki ko naman
Ang islang ito ay binili ni dad regalo niya noon para kay mom. Dito rin sila ikinasal noon.
After naming maglaro, ipinasyal ko naman si Mrs. Liberato. Kasama namin si Aurelia at ang dalawang staff ng resort dito.
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.