Chapter 43

7.2K 113 0
                                    

Sofia's POV

   Nagtaxi ako patungo sa bahay para kunin yung kotse, ngayon.

   Lunch break namin at naisipan kong doon na ako mananghalian. Kaya nagtake-out na lang ako ng pagkain sa isang restaurant malapit dito sa hotel na pinagtatrabahuan ko, para kay nay... Tumawag kasi ako kay nay kanina at nasabi niyang maaga daw umuwi sina lolo. At si tay naman ay maaga daw nagtungo sa trabaho niya.

May lunch na ako...yung pinabigay ni Zayn kay Nick. Kaya hindi na ako bumili ng para sa akin.

      Nang makadating ako sa tapat ng bahay namin... Agad akong nagbayad at bumaba na agad sa sasakyan.

   Napahinto ako dahil sa nakita kong itim na kotse.

Hindi ko nalang ito pinansin... Baka kasi nakipark lang. Malapit lang kasi ang talyer dito sa bahay .

  Nagtuloy nalang akong magtungo sa bahay.

  "Umalis ka na!!!"

    Natigilan ako sa paglalakad dahil sa pagkabigla ko sa narinig kong sigaw ni nay.

    Nakita ko siyang may kausap na matandang lalake. Naka-corporate attire ito.

   Linapitan ko na si nay nang makita ko siyang parang nahihirapang huminga.

"Nay" sabi ko nang malapitan ko siya

   Umiiyak ito.

"Anak patawarin mo ako. Hindi ko ginustong pabayaan kayo-----" sabi nung matandang lalake

"Wala akong pakealam sa mga dahilan mo at huwag na huwag mo akong tinatawag na anak dahil matagal nang patay yung ama ko. Umalis ka na!" puno ng galit na sabi ni nay

  Ama? Sino ba ang taong to sa buhay ni nay?

"Pakiusap po umalis na po kayo" sabi ko rito dahil nahihirapan nang huminga si nay

   Umalis din yung matandang lalake. Habang kami ni nay ay pumasok na sa loob ng bahay.

  Inalalayan ko siya sa pag-upo sa upuan sa kusina at ikinuha ko agad siya ng isang basong tubig...

  Matapos niyang uminom ng kaunti...

  "A--nak" sabi niya tsaka humagugol sa iyak

"Nay, tama na po. Inumin niyo po muna yang tubig para kumalma po yang pakiramdam mo" sabi ko tsaka ko ibinaba yung mga dala ko sa mesa

   Mabilis ko siyang linapitan pagkatapos, para pakalmahin siya sa pamamagitan ng paghagod sa likod niya.

  Tumigil siya sa pag-iyak tsaka ininom lahat ng tubig na nasa baso.

  "Yun yung lolo mo, anak" sabi ni nay matapos niyang mapunasan ang mga luha niya

  Kinukutuban na ako kanina nang tawagin nung matanda si nay ng anak.

"Ipinangako niya noon na babalikan niya kami at isasama na niya kami sa lugar nila sa bansang Mexico... doon na daw kami titira. Ilang taon namin siyang hinintay hanggang sa namatay si inay. Wala manlang kaming natagap ni sulat mula sa kanya. Tapos ngayon bibiglain niya ako... Alam mong ayoko ng mga surpresa, anak" natatawang sabi ni nay sa huling sinabi niya

"Nay" nasabi ko nalang

  Gusto ko sanang sabihin sa kanya na patawarin niya ito... Pero nag-aalangan ako dahil alam ko yung mga pinagdaanan niya noon... Ikinuwento niya sa akin ang lahat ng paghihirap niya nang mawala si lola Inocensia.

  Matapos naming kumain. Nagpa-alam narin agad ako dahil ilang minuto nalang matatapos na yung lunchbreak namin.

  "Mag-iingat ka, anak" sabi ni nay bago niya ako yinakap

  "Mag-iingat din po kayo, nay. I love you po" sabi ko at hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya

Sana mapatawad ni nay ang ama niya... ang lolo ko.

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon