Chapter 31

6.9K 108 0
                                    

Sofia's POV

Naiiyak ako pero pinipigilan ko.

Maghapon kasing pumapasok sa isip ko ang nasabi niya kagabi...

Para saan yung paghingi niya ng tawad? May relasyon ba sila ni Aurelia? Siya ba ang mahal niya?

Am I just overthinking? Or Am I right?

*sigh* Ba't kasi ganito? Mas nauna yung kasal kaysa feelings.

Hindi naman sa hindi ko nagustuhan yung pagpapakasal ko sa kanya... kaso lang kase ang hirap na magpapakasal ka lang ng dahil lang sa kasunduan, hindi dahil mahal ka ng mapapangasawa mo.

Mas maganda kung pagmamahal ang dahilan kung bakit magpapakasal ang dalawang tao.

"Pwede ka bang maka-usap?"

Bigla akong napatingin sa likuran ko dahil sa biglang nagsalita...

Si Zayn lang pala.

Muntik na akong mapasigaw dito sa may balkonahe ng kwarto namin. Kasi mag-isa lang ako kanina... pinapanuod ang paglubog ng araw habang iniisip siya. Tapos, bigla siyang susulpot. *sigh*

"Pwede...naman. Tungkol saan ba?" sabi ko

"Tungkol sa atin" sagot niya tsaka tumabi sa akin

Ba't kinakabahan ako sa kung anumang sasabihin niya?

"*gulp* A...no ba yun?" kinakabahang tanong ko

"Magdidivorce tayo after two years" tuloy-tuloy na sabi niya habang nakatingin sa akin

"Ha?" nasabi ko nalang dahil parang ayaw tanggapin ng utak at ng puso ko

Napa-iwas siya ng tingin atsaka niya inayos ang eyeglass niya.

"You know clearly that I don't love you. We're not even living the life of being married. We're just... husband and wife on papers" hindi mababakas ng anumang emosyon sa mukha niya habang sinasabi niya iyon sa akin... nang nakatingin sa papalubog na araw

Bakit may mahal ka na ba?

Bakit ang sakit?

"Pe-ro si granma" nasabi ko nalang

Mabuti at kaya ko pang magsalita kahit na pakiramdam ko hindi ako makahinga... parang nahihiwa kasi yung puso ko.

"Huwag kang mag-alala kay La... Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya" sabi niya habang nakatingin na sa akin

Gusto nang tumulo ng mga luha ko. Gusto ko nang iiyak yung sakit... nang sana maibsan kahit konti lang.

"Tara na't kumain sa baba... At uuwi na rin tayo mamaya" sabi niya bago siya lumabas nang kwarto

Napa-upo ako sa sahig dahil biglang nanghina yung tuhod ko... at tuluyan na ring bumagsak yung mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Bakit hindi niya ako magawang mahalin?

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Zayn's POV

For me...The hardest thing to do is to keep your love ones away from you...

As I close the door, I felt tears fell on my cheek.

Agad kong pinunasan iyon habang naglalakad papunta sa elevator.

I need to finish this as soon as possible.

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon