Chapter 13

9.4K 179 0
                                    

Sofia's POV

Quarter to five na nang matapos akong makabili nang ireregalo ko kay granma.

Ang hirap palang mamili... hindi ko alam kung anong magugustuhan niya. @_@

Mabuti nalang may natira pa akong pera mula sa pag-iipon ko noon para sa pag-aaral ko sa college... hindi ko nagamit lahat dahil pinag-aral ako ni granma.

Sana okay na yung napili ko... sana magustuhan niya...

"Sis, mauna ka nalang umuwi hah. Bibili pa kasi ako ng isusuot ko mamaya" -Grace

And thank God, nandito si Grace para tulungan akong mamili nang ipangreregalo ko.

Tumawag ako sa kanya kanina, after lunch... luckily wala siyang ginagawa ngayong araw.

"Okay, sis. Thank you sa time ha" pasalamat ko

"Wala yun sis. Basta pag kailangan mo ako... tawagan mo lang ako, at darating ako *wink*" nakangiting sabi naman niya

"Salamat sis" nakangiting pasalamat ko

I'm so lucky to have a rare friend like her. :)

"You're always very welcome sis" nakangiting sabi niya

"O siya sige na, nagdradrama na tayo dito... ang dami pa namang tao dito" pagpapatuloy niya na ikinatawa namin

"Sige, magkita nalang tayo mamaya, sis" paalam ko

"Sige. By the way, mag make-up ka ha, kahit light lang... okay sis?" paalala niya

"Okay, sis" sagot ko bago ako tuluyang lumabas ng mall

Habang naglalakad ako papuntang sakayan... may biglang tumawag, kaya napahinto ako.

*phone ringtone*

Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko, at tinignan kung sino ang tumatawag...

Unknown number?

Sino naman kaya ito?

Sagutin ko nalang baka kilala ko at may importanteng sasabihin.

"Hello. Sino 'to?" agad kong tanong sa kabilang linya

["Sofia, it's Zayn"]

*sigh* si Zayn pala. Saan niya kaya nakuha ang number ko? Atsaka ba't naman kaya siya napatawag?

"Zayn, ikaw pala. Saan mo nakuha ang number ko? At napatawag ka?" tanong ko

["I got it from La. Are you at home now?"]

"Pauwi palang" sagot ko

["What?! What took you so long? I mean......you should be at home now"]

"Natagalan kasi ako sa pagpili ng regalo" sagot ko

Hindi ko naman siya masisisi kung sobra siyang nagulat. Kanina pa kasi ako nandito, simula kaninang umaga... inihatid niya ako kaninang umaga dito bago siya pumasok sa opisina.

["I told you, hindi ka na dapat bumili pa. For sure La, wouldn't mind. Naglunch ka na ba?"]

Ayoko namang wala akong mairegalo manlang kay granma... Sa nakarang mga taon sobrang naging mabait siya sa amin kaya gusto kong makabawi kahit sa simpleng paraan man lang.

"Mas maganda parin yung may regalo ako kay granma Zayn. Oo, naglunch na ako, kanina" sagot ko

["That's good to hear. Anyway, may pinapunta akong mag-aayos sa'yo... baka nasa bahay na sila ngayon. Saan ka na ba ngayon?"]

"Nandito palang ako sa labas ng mall, papunta na ako sa may sakayan" -ako

["Hintayin mo nalang ako diyan... pauwi narin ako"]

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon