Zayn's POV
"Happy birthday man!" bati ni Ross sa akin pagdating ko sa gym
"Thanks" maikling pasalamat ko
"You're welcome. Pasensya ka na wala akong ibang regalong maibibigay kundi ang sarili ko. Pffftt... Hahahahaha"
-.- Siraulo talaga 'tong lalakeng 'toh.
Tinignan ko lang siya ng masama tsaka nagtungo sa locker ko.
Kumuha ako ng damit. Pagsara ko nang locker ko, napatingin ako sa may gilid ko kung nasaan si Ross...
"Seriously, man. Why you're here? Sofia just invited us." sabi niya na nagpakunot sa noo ko
She knows?
"Why you didn't tell her that I don't celebrate my birthday?" sabi ko rito
My birthday just reminds me of my biggest mistake.
"Kaya nga tinanggihan ko nalang yung inbitasyon, man. Besides, 'pag sinabi ko ba 'yon... masasagot ko ba yung mga katanungan niya? Ayokong pangunahan ka, man" sagot niya
"Pero bro, alam mong hindi ko ipinagdiriwang ang kaarawan ko, simula nang mangyari 'yon..."
Kahit si La hindi ako napilit na ipagdiwang ang kaarawan ko. I always do something to ruin every party she's planning for my birthday... hanggang sa sumuko nalang siya. Pero ipinagluluto naman niya ako ng paborito kong pasta.
"Just tell her, man. You can trust her man" sabi ni Ross
Tinignan ko lang siya… naghihintay sa kasunod ng sinasabi niya.
"Matagal mo na siyang kasama kuya… Wala ka pa bang kahit ni konting pagtingin… I mean, trust sa kanya?"
>>>>>
Ilang minuto lang ang tinagal ko sa gym dahil umuwi rin naman ako kaagad.
Pagdating ko kinuha ng isa naming katulong ang mga gamit ko para dalhin sa kwarto ko. Pagkatapos ay nagtungo ako sa kusina...
"Happy birthday!" matamis na bati sa akin ng napakagandang babae, pagdating ko sa kusina
She's so beautiful wearing that simple dress that brings out her curves.
"Ipinaghanda kita. Sana magustuhan mo" sabi niya sabay tingin sa kinaroroonan ng mesa
May iba't ibang klase ng pagkain ang nandoon... Sa tingin ko, ang karamihan ay Italian cuisines.
"At... eto. Pagpasensyahan mo na 'tong munting regalo ko para sa'yo" sabi niya ulit sabay bigay niya ng maliit na box, pagkalapit ko sa kanya
"Thank you" pasalamat ko na may kasamang tipid na ngiti
I felt so especial that I almost forgot the reason why I don't celebrate my birthday.
Hindi ko magawang tanggihan ang inihanda niya para sa akin.
"Manang Cecil sumabay na po kayo sa amin" alok ko kila manang Cecil
Malaki naman 'tong mesa kaya natitiyak kong kasya naman kaming lahat dito.
Sofia's POV
Matapos naming kumain... Nag-aya si Zayn na magtungo sa theater room daw. Manonood daw muna kami."Woah. Sherlock Holmes" namamanghang sabi ko pagkakita sa life-size standee ni Benedict Cumberbatch na gumaganap na si Sherlock Holmes sa Sherlock
"Yea, La gave that standee to me last year" sabi niya
"Ngayon ko lang nalaman na gusto mo pala si Sherlock" nakangiting sabi ko bago naupo sa couch
Napatawa siya tsaka naupo rin sa tabi ko.
"Honestly, I'm an avid fan of him. He's so smart" nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin
Nawala yung ngiti niya pero nanatili yung titig niya sa akin.
Ako ang unang umiwas dahil hindi ko matagalan yung seryosong titig niya...
"So... anong papanuorin natin?" pag-iiba ko
"We're not here to watch…Sofia"
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.