Sofia's POV
Ughh... Headache!
Nagluluto palang ako nang magising si Zayn... usually nakaluto na ako bago siya magising.
Maaga nga akong nagising(dahil sa pagsusuka ko) pero hindi ako makakilos ng maayos dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
"Ako na diyan" sabi niya sabay agaw sa tasa at kutsarita na hawak ko
Lumayo naman ako sa kanya ng kaunti...
"Hindi mo namamalayang nasusunog na iyong sinaing mo" sabi niya na dahilan para mapatingin ako sa sinaing ko...
Mabuti nalang at patay na yung apoy nung gas stove.
Siguro siya ang nag-off nung stove... hindi ko man lang namalayan...
"Sa susunod, gumamit ka na ng rice cooker" sabi niya ulit
"Maupo ka nalang doon... ako nalang dito" utos niya na sinunod ko naman agad dahil hindi ko narin kaya ang sakit ng ulo ko
"Pasensya ka na Zayn" hingi ko ng tawad nang makaupo na ako ng sapo ang ulo at minamasahe ito
"Huwag ka kasing iinom ng hindi mo kaya" sabi niya habang nagtitimpla ng kape namin
"Kalahating shot lang naman 'yon kaya akala ko hindi ako malalasing" sagot ko sa kanya
"Anong alak ba 'yon?" pasulyap na tanong niya
Uhm... Ano na nga ba 'yon? Is...
"Spirytus ata 'yon" sagot ko nang medyo alangan dahil hindi ako sigurado
"Spirytus?" gulat na sabi niya tsaka napailing
"That's the most strongest alcoholic drink in the world Sofia... ninety-six percent of it is alcohol"
O.O Kaya pala nalasing ako agad.
"Sa susunod huwag ka nang iinom ng alak kahit pa pilitin ka nila... Paano nalang kung hindi ako dumating kagabi" sermon niya habang inilalapag yung tasa ng kape namin
"Ano bang nangyari kagabi?" tanong ko
Medyo hindi ko kasi natatandaan.
"Nakatulog ka sa swing at muntik ka nang pagsamantalahan ni Ivan" sagot naman niya na parang hindi ko mapaniwalaan
Para kasing hindi naman niya kayang gawin yun.
"Kaya huwag ka na ulit lalapit sa lalakeng 'yon"
"Umm... yun lang ba ang nangyari Zayn?" tanong ko dahil parang meron pa
"O-oo... Bakit?"
"Wala naman" sagot ko nalang
Para kasing totoo yung halik... na panaginip ko lang pala.
*sigh* Sana totoo nalang yun.
Zayn's POV
Habang inaasikaso ko ang mga paper works na kailangan ko nang tapusin ngayong araw na ito... dahil may out of town ako the next day.
Hindi maalis-alis sa isipan ko ang paghalik ko sa kanya kagabi. (Nagpapasalamat ako dahil mukang hindi niya naman natatandaan.)
Those sweet, luscious lips... that made my heart beats fast.
Only her made me feel like this... I want to kiss those addicting lips again and......... something more than that.
Ginising niya ang pagkalalaki ko, na hindi nagawa ng kahit na sinong babae.
*knock... knock... knock*
"The door is open!" sigaw ko sa kumakatok
"Good morning, sir" bati ni Aurelia habang papalapit sa akin
"Good morning din" bati ko pabalik
"Eto na po yung mga ipinahanda niyo sa akin kahapon" sabi niya sabay bigay ng isang folder
"Thanks" pasalamat ko
Akmang aalis na siya ng may maalala ako...
"Miss Del Frosa" tawag ko
Agad naman siyang napalingon sa akin.
"Yes, sir?"
"Wear something more decent next time" utos ko
Hindi ko gustong pag-isipan ako nang masama ng asawa ko.
At mas gusto kong maging disente sa pananamit ang mga empleyado namin.
Aurelia's POV
Nakakainis ba't hindi ko siya maakit?!
Naglalaway na nga yung karamihang mga lalake dito sa opisina dahil sa suot ko pero bakit parang walang epekto sa kanya?
At inutusan pa niya akong magdamit ng mas disente daw na damit... eh paano ko siya maaakit. Paano na yung plano namin? Siguradong magagalit nanaman saakin si ate.
Nung una pangarap at gusto ko talagang magtrabaho sa kumpanya na ito dahil isa ito sa pinakasikat na kumpanya dito sa Pilipinas. Nagmakaawa pa nga ako para lang dito.
Napilitan lang ako dito sa plano ng kapatid ko at ng boyfriend niya... Hindi ko gustong mang-agaw ng may-asawa. Pero kailangan ko talaga ng pera na iniaalok ng bf ng ate ko.
Plano ko kasing mag-abroad at manirahan na sa ibang bansa.
>>>>>>>>>>>>
Pagka-uwi ko... naabutan ko sila ate at ng bf niya sa sala.
"Maupo ka muna Aurelia. May tatanungin lang sa'yo si Benjin" utos ni ate kaya naupo ako sa may couch muna
"Kumusta yung plano... may improvement ba?" tanong ni Benjin
"Honestly, wala. Pero ginagawa ko naman yung makakaya ko" sagot ko
"Hindi ko gusto ang sagot mo Aurelia... gayunpaman bibigyan kita ng isa pang huling pagkakataon. Di ba may out of town siya next day? Kasama ka ba niya?"
"Oo" maikling sagot ko
"Gawin mo lahat ng makakaya mo para may mangyari sa inyo, then take a picture of the two of you. Siguradong pagpipyestahan yun ng buong Pilipinas. At siguradong makukuha mo rin ang ipinangako kong bayad sa'yo pag nagawa mo ang ipinapagawa ko"
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.