MALAKAS na ibinato ni Larco ang baso na may laman pang alak, dahilan para kumalat ang bubog nito sa loob ng kanyang opisina.
"Anong sabi mo? Hinarang kayo? Naharang na naman kayo! Na naman! That's bullshit!" sigaw niya sa kanyang tauhan na nakaluhod sa kanyang harapan at umaagos pa ang dugo mula sa sugatan nitong braso. "Get out of my sight now!"
Mabilis namang tumayo ang nanginginig sa takot na lalaki at nagmamadali itong lumabas habang hawak ang sugatang braso.
Inis na napahilamos si Larco sa sariling mukha at galit na ihagi lahat ng mga papers na nakapatong sa ibabaw ng table.
Hindi siya makapaniwala na naulit na naman ang pagharang sa kanilang transaction ng mga baril. Last year ay nagkakahalaga ng fifty million ng cocaine ang nahuli sa kanila ng mga pulis, at ngayon naman ay mga baril na nagkakahalaga ng mahigit two hundred million.
Talagang inuubos ang pasensya niya ng mga pulis! Talagang sinusubukan ng mga ito kung hanggang saan ang hangganan ng pasensya niya!
"I've had enough of their antics. Fine, I'll give them what they want," he declared emphatically, clenching his fist tightly, causing the veins on his muscular, tattooed arm to bulge.
Mabilis na dinampot ni Larco ang kanyang cellphone at tinawagan ang number ng kaibigan na siyang business partner niya para malaman kung ano na ba ang lagay nito. Pero nakailang tawag na ang nagawa niya ay wala namang sumasagot, kaya hindi niya mapigilan ang mag-aalala sa kaibigang si Darius.
He hastily grabbed his coat from the couch and rushed out of his office, intent on finding out what was happening.
SA KABILANG banda ay nakaupo naman si Darius sa kamang gawa sa kawayan. Nasa loob siya ng maliit na kubo sa gitna ng kagubatan.
Hinubad ni Darius ang kanyang black t-shirt at inabot ang isang bote ng alcohol nasa kanyang tabi bago ito binuhos sa kanyang duguang braso. Matapos niyang buhusan ng alcohol ang kanyang braso ay agad niyang kinagat ang kanyang hinubad na damit at inabot ang maliit na kutsilyo sa kanyang tabi bago ito tinusok sa kanyang braso para alisin ang bumaon na bala. Halos maligo siya sa kanyang sariling pawis, gamit ang kanang kamay ay matagumpay niyang naalis ang bala sa kanyang kaliwang braso.
As he finished, he released a heavy exhale, then tore his tattered t-shirt and tied it around his bloodied arm. Once done, he leaned against the bamboo wall, shutting his eyes to fine relief from the stickiness brought on by the sweat.
Hindi na namalayan ni Darius na nakaidlip na pala siya sa loob ng maliit na kubo. Naalimpungatan lang siya nang marinig ang tunog ng kabayo. Mabilis niyang dinampot ang pistol gun sa kanyang tabi at agad na tumayo.
Akmang lalabas na siya ng kubo nang bigla siyang mapaatras nang makita ang paparating na kabayo. Mabilis siyang nagkubli sa loob ng maliit na kubo at napahigpit ang hawak sa kanyang baril.
Kumunot ang kanyang noo nang marinig ang paghinto ng kabayo sa tabi ng kubo. Inilapit niya ang mukha sa maliit na butas ng dingding para makita kung sino ang sakay ng kabayo. Pero ang kanyang pagkunot noo ay napilitan ng pag-awang ng labi nang makita ang isang babaeng nakasalampak sa lupa habang nakatingin sa kabayo na mabilis na tumakbo paalis.
"Stupid horse! Why did you throw me off? Humanda ka, isusumbong talaga kita sa mga kuya ko!" sigaw ng babae na parang naiiyak na dahil sa pagkahulog sa kabayo.
Darius couldn't help but release a relieved sigh. Akala niya ay nasundan siya ng mga pulis na humahabol sa kanya, mabuti na lang pala hindi.
For some unknown reason, Darius became aware that he had been silently tailing the girl without making a sound. Hanggang sa huminto ito sa isang waterfall.
Mabilis na nagkubli si Darius sa isang puno nang makitang palingon-lingon ang babae. Napangiwi pa siya ng matamaan ng sanga ng kahoy ang kanyang sugatang braso.
Nang muli siyang sumilip sa babae ay ganoon na lang ang pag-awang ng kanyang labi nang makita ang paghubad nito ng suot nitong dress habang nakatalikod sa kanya. Kitang-kita niya ang mapuputi nitong likod pababa sa mga paa nito. Akala niya ay dress lang ang huhubarin nito pero hindi niya inaasahan ang paghubad nito ng lahat ng saplot, dahilan para makita niya ang hubad nitong katawan.
Para naman siyang natauhan sa pagkatulala at mabilis na iniwas ang tingin sa babae. Napasandal siya sa puno na kanyang pinagkukubihan at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga bago napailing.
"Damn it. I need to get out of here," Darius whispered to himself, determined to put distance between them. He took a step, intending to leave, but his body froze in place upon hearing the woman's joyful giggles. It was as if she was completely unaware of his presence. Reluctantly, he found himself glancing back at her once more.
Unintentionally, Darius became captivated by the scene unfolding before him. He couldn't help but watch as the oblivious girl enjoyed her time swimming in the gentle stream of the waterfall. Her earlier scowl, a result of the fall from the horse, had transformed into a radiant smile, clearly delighted by the cool embrace of the water.
"Paano na lang kung ibang tao ang nakakita sa 'yo, baby girl? You'd be in trouble for sure. But you're still lucky, because I'm the one here,” Darius muttered to himself, keeping a close eye on her as she swam.
Nang matapos ang babae sa pagligo ay umahon na ito mula sa tubig at dinampot ang pinaghubaran bago muling isinuot.
Darius couldn't help but shake his head once more at the entire situation. Pero nang marinig niya ang sunod-sunod na tunog ng papalapit na kabayo ay mabilis siyang umalis sa puno ng kahoy at nagtago sa mas makapal na damuhan para hindi siya makita ng taong paparating.
Palapit nang palapit ang pagtunog ng kabayo hanggang tuluyan na itong huminto sa tabi ng puno kung saan siya nakatayo kanina.
"Kierra! What are you doing here? I told you not to come alone!" scolded the man, clearly worried.
"Kasi naman po, kuya, hinulog po ako ng kabayo ni Kuya Renz. Kaya hindi ako nakabalik agad. Ang sakit tuloy ng baywang ko!" sumbong ng dalaga.
"Tsk. Come here; we need to go back. Kanina ka pa hinahanap ni mommy!" the man replied, showing his concern as he addressed her.
Mula sa makapal na damuhan ay maingat na sumilip si Darius para makita ang lalaking dumating. Pero dahil nakatalikod ito sa kanya ay hindi niya makita ang mukha nito. Napatingin na lang siya sa dalaga na inalalayan na ng kuya nito pasakay ng kabayo.
Nang maisakay na ng kuya nito ang dalaga ay sinimulan na nitong pinatakbo ang kabayo. At nang tuluyan nang humarap ang kabayo ay ganoon na lang ang paghigpit ni Darius sa hawak na baril nang makilala ang sakay na lalaki. Walang iba kundi si Lieutenant Cevastian Gabriel, ang isa sa mga pulis na minsan na niyang nakasagupa sa barilan.
Napakuyom na lang si Darius ng kamao habang nakatanaw sa papalayong kabayo kung saan sakay ang mga Gabriel.
Ibig sabihin ay nasa lupain siya ng mga Gabriel nang hindi niya alam. Damn!
"So, General Gabriel, you have a daughter huh? Let's see what happens next," he said with a mix of confidence and defiance.
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
General FictionDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...