CHAPTER 25

82 4 0
                                    


GAMIT ang nanginginig kong mga kamay ay agad kong binuksan ang first aid kit. Nang mabuksan ay  nataranta pa ako na parang hindi alam kung ano ba ang dapat kong kunin.

“T-Tweezer... Get the tweezer..” rinig kong sabi ni Larco sa mahinang boses,na ngayon ay nakaupo na  habang nakasandal sa pader malapit sa nakasaradong pinto ng kuwarto.

Agad ko namang dinampot ang tweezer at ibinigay sa kanya. Pero imbes na kunin niya ito sa kamay ko ay mas pinilit niyang tumayo at hinang-hina na naglalad palapit sa kama. Hinubad muna niya ang suot na bathrobe bago nahiga nang padapa. Tanging boxer na lang ang natira niyang suot.

Napakagat ako sa ibaba ng nanginginig kong labi nang makita ang kanyang balikat na tuloy-tuloy ang pagdaloy ng dugo. Naiiyak ako.

“Hindi ko kayang alisin, kaya ikaw na ang mag-alis para sa akin..” namamaos niyang sabi.

“P-Pero h-hindi ko kaya. B-Baka masaktan ka lang. Let's just go to the hospital,” parang maiiyak kong sagot.

“Hindi nga pwede—damn! Kapag nagtagal pa ng konti ang bala sa balikat ko, the poison might spread, Kierra. I'm dying. But if you really want me to die because you hate me, then go ahead, just let the bullet inside.”

Dahil sa narinig ay agad akong umiling at mabilis na lumapit sa kama at naupo sa kanyang tabi.

“No! A-Ayukong mamatay ka..” pag-iling ko habang panay ang kagat sa gilid ng aking labi upang pigilan ang mapahikbi. “Aalisin ko na para sa'yo.”

Nilabanan ko na ang takot sa katawan ko.

Napalunok muna ako bago itinaas ang aking nanginginig na kamay papunta sa kanyang balikat. Tinapangan ko na ang sarili ko at ipinasok ang tweezer sa maliit na butas kung saan may bumaon na bala.

While I was trying to remove the bullet from his shoulder, tuloy-tuloy naman ang paglabas ng luha sa mga mata ko lalo na nang marinig ang mahinang pag-ungol ni Larco na para bang pilit pinipigilan pero lumalabas pa rin.

“L-Larco ang hirap kunin. P-Parang ayaw makuha,” naiiyak kong sambit habang pilit pa rin kinukuha ang bala gamit ang tweezer.

Parang ako ang nasasaktan para sa kanya dahil sa pilit kong pag-alis ng bala sa kanyang balikat. Bawat sundot ko ng tweezers upang kunin ang bala ay may lumalabas na dugo.

Hindi na sumagot pa si Larco sa akin, bagkus ay napaungol lang ito.

Hindi ko na napigilan ang hikbi na kumawala sa akin. Kahit nanginginig ang aking mga kamay ay pinilit ko pa rin kunin ang bala. Baka maubusan na siya ng dugo kapag hindi ko bilisan ang kilos ko.

“I'm sorry! I'm really sorry! S-Sorry sa paghampas ko sa'yo kanina. Hindi ko alam na may tama ka pala,” pasinghak-singhak kong sabi habang patuloy ang pilit na pagkuha sa bala ng nanginginig kong kamay.

Hilam na ng luha ang mga mata ko at pinupunasan ko na lang ito gamit ang likod ng kaliwa kong kamay upang makita ko ng mabuti ang ginagawa ko. Kahit malamig sa loob ng kuwarto gawa ng air-con ay ramdam ko pa rin ang pawis na namumuo sa mukha ko. Pinagpapaiwasan ako dahil sa takot at kaba.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa paghampas ko sa kanyang braso kanina habang nasa biyahe. Kaya pala panay ang daing niya bawat hampas ko sa kanyang balikat. Hindi ko alam na may tama na pala siya. Pero kahit gano'n ay hinayaan niya lang ako sa paghampas sa kanya. Ang sama ko sa parteng 'yun. Ang sama-sama ko!

Kitang-kita ko pa kung paano sumirit ang dugo sa sugat at umagos sa kanyang likod nang tuluyan ko nang naalis ang bala sa loob. Nagkaroon pa ng maliit na butas sa kanyang balikat.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon