CHAPTER 12

80 1 0
                                    

PAKANTA-KANTA akong lumabas ng kuwarto habang suot ang malaking black gray t-shirt ni Darius. Kanina pag-gising ko ay mag isa lang ako na nakahiga sa kama, kaya alam kong hindi pa nakakabalik si Darius mula sa kanilang pinuntahan. Ibig sabihin ay malaya akong makakilos dito sa isla, walang Darius at Larco. Hindi ko alam kung saan sila pumunta at kailan ang balik nila, pero sana mag tagal pa sila para makahanap ako ng paraan kung paano makatakas dito sa isla.

“Good morning po!” bati ko kay kuya Arel pagkapasok ng kitchen.

“Magandang umaga din sa'yo. Tamang-tama ang dating mo, anong gusto mong timplahin ko sayo? Gatas o kape?” tanong ni kuya Arel na may ngiti sa labi, parang maganda ang mood, siguro ay dahil wala ang mga boss.

“Gatas po with caramel,” sagot ko at naupo sa bakanteng upuan.

Matapos magtimpla ni kuya Arel ay sabay na kami nag almusal.

“Salamat naman at kahit papaano makakapagpahinga ako ngayong araw,” ani kuya Arel at sinabayan ng pag-unat-unat matapos humigop ng kape.

“Saan po ba sila pumunta?” tanong ko.

“Umaalis lang naman sila kapag may transaction. Siguro ay dumating na ang mga baril sa kabilang isla.” Tumayo si kuya Arel at naglakad papunta sa lababo dala ang baso, hinugasan na niya ang kanyang pinagkapehan.

“Ibig sabihin po ba ay tayong dalawa lang ang tao dito sa isla ngayon?”

Dahil sa tanong ko ay saglit akong nilingon ni kuya Arel at sinimangutan. “Anong tayo lang? Marami pang tauhan sa labas na nagbabantay sa paligid nitong isla, at isa pa narito si...”

Hindi na natuloy ni kuya Arel ang pagsasaalita nang biglang bumukas ang pinto ng kusina at pumasok ang seryosong si Henry na tila kakagising lang dahil medyo magulo pa ang maiksi nitong buhok.

“Coffee with caramel,” ani Henry at naupo sa kabilang upuan.

Pansin ko naman ang pagsimangot ni kuya Arel, pero pinagtimpla pa rin nito si Henry.

Nanatili lang akong tahimik. Nang matapos ipagtimpla ni kuya Arel si Henry ay walang sabi-sabi itong lumabas ng kusina na tila badtrip. Gusto ko sanang sumunod pero hindi ko pa rin nauubos ang gatas sa baso ko, kumakalahati pa lang.

“What is your size?”

Napabaling ang tingin ko kay Henry. “Huh? A-Ano po?” Nagkamali lang ba ako ng dinig?

“Anong size ng . . .” Tumikhim si Henry at napabuga pa sa hangin, hindi makatingin sa akin ng diretso. “B-Bra at p-panty mo anong size?”

Napaawang naman ang labi ko. Ano raw?

“P-Pero bakit mo po tinatanong?”

Oh my gosh! Is he a pervert?

“Boss Larco told me to buy you some stuff. Kaya huwag mong bigyan ng malisya ang tanong ko!” masungit na sagot ni Henry at muling humigop sa kanyang baso. Hindi ata napapaso ang bibig dahil panay ang higop kahit mainit pa.

Para naman akong nakahinga nang maluwang at saglit na natigilan.

“Ibig sabihin . . . aalis ka ng isla?”
muli kong tanong.

Nang makita ang pagtango ni Henry ay para akong nabuhayan ng loob.

“Ano bang size mo?” muli nitong tanong at tumayo bago naglakad papunta sa lababo at inilagay ang baso, tapos nang uminom ng kape.

Matindi din, talagang may pagka-immortal. Samantalang ako nangangalahati pa lang ang inomin sa baso ko dahil medyo mainit pa.

“Medium size... P-Puwede bang sumama ako sa pagbili?” Napalunok ako. Pagkakataon ko na 'to para makatakas!

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon