HINDI ko alam kung ilang buntong
hininga na ba ang kumawala sa akin habang mag-isang nakaupo sa may table at patingin-tingin lang sa ilang mga guest na tingin ko ay puro negosyante lahat, o tamang sabihin na mga malalaking sindikato.Nang mapatingin ako kay Larco ay kausap pa rin nito ang birthday celebrant na isang matandang chinese kasama ng ilan pang mga bisita.
Wala na kami sa Budapest at narito na kami sa China. Pagkarating namin kanina sa airport ng Beijing ay agad kaming dumiretso ni Larco dito sa mansyon na 'to para dumalo sa birthday ng matandang chinese. Tinawagan lang ni Larco ang kanyang mga tauhan at pinadala ang mga bagahe namin sa yate. 'Yung porcelain statue na nabili ni Larco sa auction ay 'yun ang binigay niyang regalo sa matandang chinese.
Napatingin ako sa pambisig kong relo, 9:15 PM na pala. Parang nakaramdam na ako ng antok dahil sa pagkaboring sa aking kinauupuan. Ako lang ata 'tong walang kasama sa mesa. Para tuloy akong iwan.
Kitang-kita ko ang paglapit ng isang magandang babaeng chinese kay Larco. Hindi ko marinig ang kanilang usapan dahil may kalayuan sila nang konti mula sa akin. Nang mapadpad ang tingin sa akin ni Larco ay mabilis akong umiwas ng tingin at agad na dinampot ang baso ng wine sa ibabaw ng mesa at uminom, pero agad din akong napangiwi dahil sa mapaklang lasa.
Mula nang makauwe kami sa pamamasyal sa Tropicarium Budapest ay hindi na ako pinansin pa ni Larco at parang biglang bumalik ang pagiging malamig niya sa akin. Tila nagalit ata siya dahil sa wish ko. Pero sabi niya kahit ano tutuparin niya at dapat samantalahin ko na since birthday ko naman, pero hindi ko naman alam na magagalit pala siya dahil sa hiling kong 'yun. Ngayon tuloy ay parang nagsisisi ako dahil do'n. Dapat pala iba na lang ang hiniling ko, 'di sana hindi bumalik ang pagiging masungit niya sa akin. Natatakot tuloy ako na baka pag-initan na naman niya ako.
Hays... Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Ang tanga ko talaga!
Mukhang kailangan ko ata mag-sorry sa kanya mamaya at bawiin ang sinabi ko para bumalik na ang pakikitungo niya sa akin at hindi niya na ako sungitan.
Napabaling ang tingin ko nang may isang lalaking chinese na naupo sa tabi ko.
“Nî hâo! Nî yīgè rén ma?” sabi nito sa salitang chinese at ngumiti sa akin, pinasadahan pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Tingin ko ay hindi bababa ang edad nito sa 35, may katabaan at singkit at may salamin pa sa mata. Mukha ding bigtime base sa kanyang kasuotan at mga alahas na suot.
“I'm sorry but I don't understand what you're saying,” magalang kong sagot at tipid na ngumiti dito.
“Xiâng hé wô fāshēng xing guānxi ma?” muling sabi nito at hindi ko inaasahan ang pagpatong ng isa nitong kamay sa heta ko. “Wô yuànyi fù qián gêl ni!”
Bigla akong dinambol ng kaba. “Don't touch me!” Agad kong tinabig ang kamay nito, pero mas lalo lang nito idiniin ang paghawak at sinamaan pa ako ng tingin na para bang sinasabing malalagot ako sa kanya kapag pumalag ako.
Ibinaling ko ang tingin kay Larco para sana humingin ng tulong dito sa pamamagitan ng tingin, pero sa kasamaang palad ay busy pa rin ito sa pakikipag-usap sa dalawang lalaki kasama na ang magandang babae.
Mas lalo akong kinabahan lalo na nang biglang may nag-play ng violin sa loob ng mansyon, dahilan para magsitayuan ang ibang guest kasama ng kanilang mga partner upang sumayaw sa malamyos na musika.
Ramdam ko ang paghaplos ng kamay na lalaki sa heta ko at ang pagpisili-pisil nito na tila nanggigil. Para makaiwas ay tumayo na lang ako at balak sanang lumipat na lang ng upuan, pero hindi ko inaasahan ng paghawak nito sa braso ko na kinahinto sa akmang pag-alis.
“Ràng wômen dào wàimiàn qù!” Hinila nito ang braso ko, pero agad akong nagpumiglas.
“No! Stop!” parang maiiyak kong sabi na agad na umiling dito. Nang mapatingin ako sa paligid ay wala man lang nakapansin sa akin. May isang napatingin na babae pero agad itong iniwas ng tingin at ngumiti sa kasayaw nito.
Habang hinihila ng lalaki ang braso ko palapit ay pilit naman akong nagpupumiglas. Akala ko ay mailalabas na ako ng lalaki sa loob ng mansyon, pero nang malapit na kami sa main door ay bigla na lang ako nitong nabitawan.
“How dare you touch her?!”
Nagulat na lang ako sa biglang pagsulpot ni Larco at agad na binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha ang lalaki na muntik na nitong ikinatumba. Hindi pa nakakaayos ng sa pagkakatayo ang lalaki nang mabilis nitong pinilipit ni Larco ang braso. Napangiwi at napasigaw sa sakit ang lalaki at agad na nagsalita, na hindi ko naman maintindihan dahil mandarin, pero base sa emosyon ng mukha ay tila nagmamakaawa na bitiwan na ang kamay niya. Pero nanatiling walang narinig si Larco at parang baliwala lang ang pagmamakaawa ng lalaki.
Mas lalo akong nagulat sa susunod na nangyari. Matapos pilipitin ni Larco ang kamay ng lalaki ay malakas nitong iniuntog ang ulo sa ibabaw ng mesa kung saan may dalawang guest na mag-asawa ang kumakain pero agad na napatayo, napasigaw pa ang matandang babaeng chinese sa gulat.
Pagkaumpog ni Larco sa ulo ng lalaki ay agad nitong ipinatong ang isang kamay sa ibabaw ng mesa.
“How dare you to touch my woman, huh? Who told you to force her! You son of a bitch!” Hindi ko inaasahan ang mabilis na pagdampot ni Larco ng tinidor na nasa ibabaw ng mesa at agad itong pinagsasaksak ang kamay ng lalaki nang paulit-ulit.
Kitang-kita ko pa kung paano nanginig ang kamay ng lalaki at ang pagsirit ng dugo mula dito.
Ang pagtugtog ng violin sa loob ng mansyon ay napatigil at ganoon din ang mga taong sumasayaw. Nakuha na ang attention lahat ng guest at napatingin na sa pangyayari.
Natigalgal naman ako sa aking kinatatayuan at hindi alam kung anong dapat gawin. Nakatingin lang ako kay Larco na pulang-pula na sa galit at napabuga sa hangin na tila ba pinapakalma ang sarili matapos saksakin ang kamay ng lalaki.
Mangiyak-ngiyak naman sa sakit ang lalaki habang pinipilit alisin ang nakatusok na kamay sa ibabaw ng mesa. Tila napako na ang kamay nito dahil sa malakas na pagkatarak ng tinidor na tumagos ata sa kamay papunta sa ilalim ng mesa kung kaya ayaw na maalis.
“Next time you touch her, I'll kill you!” pagbabanta pa ni Larco sa lalaki at nakuha pang baliin ang isa nitong kamay na kinasigaw nito sa sakit. Rinig ko ang pagtunog ng mga buto mula sa braso at mga daliri ng lalaki na tila nabali.
“What happened?” tanong ng celebrant na agad na lumapit amin.
Inayos ni Larco ang nagusot na suit at pormal na ngumiti ng tipid sa matanda. “I just taught him a lesson for touching my woman, Mr. Shen,” sagot ni Larco sa matandang celebrant.
Napatingin naman ang matanda sa namimilipit na lalaki at parang dismayado itong napailing-iling at napasatsat bago ibinalik ang tingin kay Larco. “I'm so sorry about this, Mr. Hedresson. My apologies! Don't worry, I will punish him for touching your wife!” paghingi nito ng paumanhin.
Napagkamalan pa ata akong asawa.
“Okay then, have a good night, Mr. Shen. Until we meet again,” pagpapaalam ni Larco sa matanda bago iniyapos ang isang braso sa baywang ko.
“Let's go.”
![](https://img.wattpad.com/cover/362884916-288-k850467.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
General FictionDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...