CHAPTER 43

70 3 0
                                    


HUMAGULGOL talaga nang iyak si mommy nang makita ako, mahigpit ako nitong niyakap na halos hindi ko na ikahinga ng maayos. Sina Kuya at Dad na nasa duty pa ay agad na umuwe nang malaman na nakabalik na ako. Parang gusto ko tuloy matawa nang makita ang paglabas ng luha sa mata ng mga kuya ko. Para akong nahihilo sa mga yakap nilang lahat na tila ayaw na akong pakawalan.

Ang layo ng pinayat ni Mommy, medyo lubog din ang mga mata nito na tila'y palaging walang tulog.

Ngayon ay nakahiga na ako sa aking kuwarto. Gusto pa sana ni mommy na doon ako matulog sa kuwarto nila ni Dad dahil baka daw mawala na naman ako, pero tumanggi ako. Ganoon din sina kuya, nag-agawan pa sila, gusto nilang makitulog ako sa kani-kanilang kuwarto. Talagang kung turingin nila ako ay para pa rin isang bata na hindi pa kayang alagaan ang sarili. Pero mag paganon pa man ay natutuwa pa rin ako dahil ramdam ko pa rin ang pagmamahal nilang lahat sa akin at pangungulila.

Alam kong marami silang gusto itanong sa akin, pero nanatili silang tahimik at hindi man lang nagtanong tungkol sa mga taong kumidnap sa akin o kung anong ginawa sa akin ng mga ito. Ang tinanong lang nila sa akin ay kung okay lang ba ako, kung may masakit ba sa akin. Gusto pa nga nila akong dalhin sa hospital kaso tumanggi ako.

Napatingin ako sa pinto nang biglang may kumatok.

“Kierra sweetheart. . . gising ka pa ba,prinsesa ko? Maaari bang pumasok si Kuya?” rinig kong tanong ng malambing na boses ni Kuya Renz.

“It's not locked, Kuya.. Pwede ka pong pumasok!” sagot ko at bumangon mula sa pagkakahiga.

Bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Renz. May dala itong isang baso ng gatas.

“Pinagtimpla kita, alam ko namang paborito mo 'tong inumin bago matulog.” Ipinatong ni Kuya Renz ang baso sa ibabaw ng drawer ko.

Bahagya naman akong napasimangot.“Pero mas gusto ko na ngayon ng green mango kaysa sa gatas, Kuya.”

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Kuya Renz nang marinig ang sagot ko.

“Nah sweetheart, you're just kidding me right?” hindi makapaniwala nitong sabi, pero kalaunan ay agad ding napatawa at naupo sa gilid ng kama ko. “So you're a good joker now, huh?”

“I'm serious, Kuya. Mas gusto ko po 'yun, iyon kasi ang palagi kong kinakain nung nasa is—”

Napatigil ako nang ma-realise ang mga salita na lumalabas sa bibig ko.

Unti-unti namang nawala ang ngiti sa labi ni Kuya Renz. Sandaling napako ang tingin nito sa leeg ko, hanggang sa bumaba papunta sa mga braso ko.

Mabilis ko namang hinila ang kumot at tinakip sa katawan ko.

Pansin ko ang paglabas ng mga ugat sa braso ni Kuya Renz dahil sa pagkuyom nito ng mga kamao.

“Napakarami mo namang pasa sa katawan. Ano bang ginawa sa'yo ng mga gagong 'yun? Pinahirapan ka ba nila, ha?”

Napayuko ako sa tanong ni Kuya at hindi nakasagot.

Ito 'yung mga pasa na nakuha ko mula kay Rheanne dahil sa paglatigo nito sa akin.

“Nakilala mo ba ang mga itsura nila? Sabihin mo sa akin, sweetheart. Anong ginawa ng mga gagong 'yun sa'yo, ha?”

“Tama na 'yan, Renz! Hindi mo ba alam na nakaka-pressure na 'yang mga tanong mo?!”

Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ng isa sa mga Kuya ko.

“Para kang hindi isang psychiatrist!” galit na sabi ni Kuya Cev na agad na naglakad papasok.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon