CHAPTER 20

85 3 0
                                    

PAGLABAS namin ni Henry ng mansyon ay napakatahimik na sa buong isla at konti na lang ang mga lalaking nagbabantay. Nakabuhay na ang mga ilaw sa paligid.

“Saan ba 'yung mga boss mo? Parang kanina ko pa hindi nakikita.”

“Ang dami mong tanong! Pwes, nauna na sina boss sakay ng yate kanina pa, ta'yo na lang 'tong naiwan dahil sa pabagal-bagal mong kilos!” masungit na sagot ni Henry.

Napasimangot na lang ako at hindi na nagtanong pa. Napakasungit talaga ng isang 'to. Parang kalahati ng pag-uugali ni Larco ay nasa katauhan niya dahil sa kasungitan.

Muntik pa akong matumba nang hindi pa ako nakakaupo ng maayos ay pinatakbo na ni Henry ang speedboat.

“Kapag dumating ta'yo sa kabilang isla, huwag kang kumilos na parang isang babae. Kumilos ka nang naaayon sa kilos ng isang lalaki. Maliwanag ba?”

Tumango na lang ako.

So ibig sabihin ay sa kabilang isla pala kami pupunta. Buti naman at pinasama ako, dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang dalawang manyak na lalaking 'yun na kamuntikan na akong gahasain. Talagang nakakatrauma.

Pagdating namin sa nasabing isla ay agad akong inalalayan ni Henry bumaba ng speedboat.

Napatingin ako sa paligid. Parang buhay na buhay ang isla na 'to kumpara sa isla na pinang-galingan namin.

Mula sa taas ng malaking mansyon ay may mga spotlight na gumagalaw, kung kaya parang naiilawan ang buong isla. Marami din ang bantay sa bawat paligid ng mga lalaking may armas.

“Act like a man kung gusto mong makalabas pa ng buhay dito sa isla na 'to,” bulong ni Henry sa akin.

Tumango lang ako. Tulad nga ng gusto niyang mangyari ay naglakad ako na parang isang lalaki.

Rinig ko pa ang pag-tsk ni Henry at ang pagbulong-bulong nito na hindi naman umabot sa aking pandinig.

Pagkapasok namin sa loob ng malaking mansyon ay agad na nanlaki ang mga mata ko sa nabungaran. Natigalgal ako sa aking kinatatayuan. 

Napakaraming babae at lahat ay nakahubad!

May mga naka-set na table kung saan nakaupo ang mga lalaking naka-suit at maskara, ang ilan sa kanila ay may mga babae nang nakaupo sa heta habang malaswang gumigiling. Tumutugtog din ang mahinang musika na hindi ko alam kung saan galing.

“Follow me,” rinig kong bulong sa akin ni Henry na kinagising ko mula sa pagkatulala.

Naupo kami sa bakanteng upuan. Muli kong inilibot ang tingin sa loob ng mansyon, hanggang sa napadpad ang tingin ko sa kabilang mesa kung saan agad na nagtama ang paningin namin ng isang lalaking nakamaskara. Bahagya pang napaawang ang labi nito nang makita ako, at kalaunan ay napa-oh ang bibig hanggang sa sumilay na ang munting ngiti nito sa labi.

Kahit na natatakpan ng suot na maskara ang kalahati nitong mukha ay hindi ako maaaring magkamali. It's him, Darius. Base pa lang sa kulay gray nitong buhok na nakapuyod ay alam ko nang si Darius. He looks hot! Bumagay dito ang suot nitong kulay itim na maskara na nakikita ang kalahati ng matangos nitong ilong at mapula-pulang labi.

Si Darius lang ata ang walang babaeng gumigiling sa heta dahil lahat ata ng mga naka-suit na lalaki ay may kani-kaniyang babae. Lahat ng mga lalaking nakasuot ng suit ay may maskara, malibang na lang sa mga tauhan na nakatayo lang sa isang tabi habang hawak ang kanilang baril na para bang handang makipagsagupaan ano mang oras.

Umiwas ako ng tingin kay Darius nang makita ang lihim nitong pagkindat sa akin na sinabayan pa ng nakakalukong ngisi.

Muli kong inilibot ang tingin sa loob ng mansyon, pero kahit anino ni Larco ay wala akong maaninag.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon