CHAPTER 37

75 2 0
                                    


NAKATINGIN lang ako sa malaking screen ng TV at naka-focus sa aking pinapanood na pelikula habang nakahiga sa sofa. Nakaunan ang ulo ko sa mga hita ni Darius na ngayon ay hinahaplos-haplos na nang marahan ang buhok ko. Habang si Larco naman ay minamasahe-masahe ang mga paa kong nakapatong sa kanyang mga hita, bali nasa may bandang uluhan ko nakapuwesto ng upo si Darius at sa bandang paahan ko naman si Larco.

"Nasusubo mo na sa ilong ko eh..." nakasimangot kong reklamo kay Henry na ngayon ay nakahiga naman sa may carpet sa baba ng sofa at panay ang subo sa akin ng popcorn habang nasa TV pa rin ang tingin.

Nasa living room kaming apat habang nanonood ng old movie ni Nicholas Cage na ang pamagat ay Con Air. Palibhasa action kaya naka-focus silang tatlo sa bawat eksena.

"Ano ka ba naman, Henry, dahan-dahan lang sa pagsubo..." saway ni Darius pero nasa TV ang tingin.

Narito pa rin kami sa baguio. It's been five days mula nang nagkasakit ako dahil sa kinain kong hipon. Mula nang mangyari 'yun ay parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Bigla silang bumait sa akin, at ang lubos na nakapagtataka ay biglang pag-spoil nila sa akin. Lahat ng gusto ko ay agad nilang sinusunod. Pagsinabi kong gusto kong kumain ng ganito-ganyan ay agad nilang sinusunod nang walang reklamo o pagsusungit.

Nawala na rin ang pantal sa katawan ko na lubos kong pinagpapasalamat.

"'Yung pagkain natin dumating na yata. Ikaw na muna ang bahala, Henry," komento ni Larco nang marinig ang pagtunog ng doorbell.

Isang pagtikhim naman ang pinakawalan ni Henry bago ito binitiwan ang hawak na popcorn at parang napilitan pang tumayo para puntahan ang nag doorbell.

Pagkaalis ni Henry ay agad na inabot ni Darius ang popcorn. Akala ko ay susubuan niya ako tulad ng ginawa ni Henry, pero ganoon na lang ang pagsimangot ko nang isubo niya sa kanyang bunganga habang nakatutok pa rin ang tingin sa palabas. Kahit ang paghaplos niya sa buhok ko ay itinigil niya na rin niya at nag-fucos na lang sa pinapanood, palibhasa na sa fighting scene na. Ganoon din si Larco, itinigil na rin ang pagmasahe sa paa ko at napakaseryoso rin ng mukha habang nakatingin sa TV na akala mo'y sila ang nasa eksena.

"Gusto ko pa ng popcorn, subukan mo naman ako oh..." ungot ko. Pero para lang akong kumausap sa hangin. Kaya iginalaw ko na lang ang isang kong kamay papasok sa lalagyanan ng popcorn para sana kumuha, pero para akong nanlumo nang mapagtantong wala na pa lang laman.

"Come on beat him up! Beat him up!" bulalas ni Darius na may kasama pang pagsuntok sa hangin na tila ba gigil na gigil na sa eksena. Patapon na nitong binitawan sa kung saan ang lalagyanan ng popcorn na wala nang laman.

Nakasimangot naman akong bumangon sa aking pagkakahiga. Pero nang akmang bababa na ako sa couch ay agad na pumulupot ang isang braso ni Darius sa baywang. Kaya muli akong napaupo pabalik sa couch at napasandal sa kanyang matipunong dibdib.

"Where are you going? Hmm?" malambing na tanong ni Darius at ninakawan pa ng isang halik sa pisngi.

"I'm hungry na, inubusan mo kasi ako ng popcorn eh..." nakanguso kong sagot.

Napabaling naman ang tingin ni Larco sa akin. "Gusto mo nang kumain?" Nang makita nito ang pagtango ko ay agad na dinampot ang remote at pinatay ang TV.

"Let's take a dinner together then." Agad akong binuhat ni Darius bago ito ngumisi kay Larco. "Ops! First."

"Tsk," rinig kong asik ni Larco. Nang mapatingin ako rito ay isang inis na pag-irap ang ibinigay nito kay Darius.

Napakapit na lang ako sa leeg ni Darius.

Nitong mga nakaraang araw ay pansin ko na palagi silang nag-uunahan sa akin, minsan nga ay nagbabangayan pa at nagpapalitan ng masamang tingin sa isa't-isa, pero sa huli ay nagpapansinan rin naman. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang ugali nilang dalawa. Nakakapagtaka lang na talagang nag-uunahan pa silang dalawa para pagsilbihan ako, samantalang dati ay hindi naman sila ganito kung mag-alaga sa akin.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon