Third Person's POV
NANGINGINIG sa takot at mangiyak-ngiyak sa sakit ang dalawang lalaki habang nakaluhod sa puting buhangin. Umaagos pa ang dugo sa mga putol nitong daliri at gano'n din sa mga paa na may tama ng bala.
“B-Bo-boss... p-parang awa mo na... hayaan mo kaming... m-mabuhay... h-hindi na namin... uulitin... ang ginawa namin..” nanghihinang pagmamakaawa ng isa.
Ang isang lalaki naman ay nakayuko na na tila hindi na nakayanan ang sakit at parang konting-konti na lang ay bibigay na ang katawan.
Ngumisi si Larco sa sinabi ng lalaki, pinaikot-ikot pa nito sa kamay ang maliit na kutsilyo na puno ng dugo dahil sa pagputol sa mga daliri ng dalawang lalaki.
“Pakawalan? Buhayin? Oh...” Tumango-tango si Larco habang palakad-lakad sa harap ng dalawang lalaking nakaluhod. “But I don't actually know what's the real meaning of that words.” Huminto ito sa harap ng lalaki at hinaplos ng hawak na kutsilyo ang mukha nito. “Ang salitang 'awa' na sinasabi mo ay wala niyan dito sa isla!”
“Aahh!” Napasigaw ang lalaki sa sakit dahil sa paghiwa ni Larco sa kabila nitong pisngi, dahilan para umagos ang dugo papunta sa leeg nito.
“Tatanungin ulit kita, pagkatapos niyong igapos ang babaeng 'yun kanina, ano ang sinunod niyong ginawa? Sumagot ka!” Marahas na hinawakan ni Larco ang maiksing buhok ng lalaki na kinatingala nito.
“W-Wala po, b-boss...” umiiyak na sagot ng lalaki.
Ngumisi si Larco. “Talagang may gana ka pang magsinungaling, huh!” Ipinasok nito sa bibig na lalaki ang maliit na kutsilyo at marahas na hiniwa ang labi nito papunta sa tainga.
Malakas na napasigaw ang lalaki. Sa kakasigaw nito ay tila nawalan na ng boses. Nanginginig na ang mga katawan nito, hudyat na hindi na magtatagal at bibigay na.
Ngumisi si Larco at tumayo bago sinenyasan si Henry na kanina pa nakatayo sa isang tabi at nanonood lang sa pangyayari.
Mabilis namang kumilos si Henry at binuhat ang isang maliit na balde na naglalaman ng tubig-dagat at binuhos sa mukha ng isang lalaki, na agad nitong kinasinghap sa gulat at kinagising.
“M-Maawa ka... p-parang awa mo na...” sambit ng lalaki sa mahinang boses na halos hindi na makabigkas ng salita dahil sa panghihina ng katawan.
“I can't hear you!” sigaw ni Larco sa lalaki at mabilis na lumapit dito bago ito sinakal sa leeg gamit ang isang kamay. Nang lumuwa ng konti ang dila ng lalaki ay agad itong pinadaanan ni Larco ng maliit na kutsilyo at hiniwa. “You son of a bitch!”
Halos lumuwa ang mata ng lalaki sa sakit, pilit itong sumisigaw pero tila nawalan na ng boses.
Ang ilang mga tauhan ay tahimik lang nakatayo sa isang tabi habang pinapanood kung paano parusahan ng kanilang boss ang dalawa nilang kasamahan.
“Hubaran ang dalawang yan!” pasigaw na utos ni Larco.
Agad namang sumenyas si Henry sa ilang mga tauhan. Mabilis na nagsilapitan ang mga ito at hinubaran ang dalawang lalaking halos hindi na gumagalaw. Ang mga katawan nito ay naliligo na sa sariling dugo.
“Pagkatapos niyong hubaran ay putulan niyo ng ari at ipadala sa kabilang isla ang katawan para maibenta sa black market ang kanilang mga organs, o kaya i-donate niyo na lang sa isang ospital at nang sa ganon ay magkaroon naman sila ng silbi kahit papaano!” matapos sabihin iyon ni Larco ay patapon na nitong binitawan ang hawak na kutsilyo bago iniwan ang kaniyang mga tauhan.
Pumasok si Larco sa loob ng kaniyang kuwarto at dumiretso ng bathroom para maligo at nang sa ganon ay kumalma, dahil tila nanginginig ang katawan niya sa galit dahil sa ginawa ng dalawang lalaki.
Nang matapos sa pagligo ay palakad-lakad siya sa loob ng kuwarto at hindi mapakali, hindi alam ang dapat gawin. Parang hindi pa rin nababawasan ang kaniyang galit at parang pinagpapawisan pa rin ang kaniyang mga kamay na tila ba gusto pang manakit at hindi pa nakuntento sa pagpaparusa sa dalawang lalaki.
Inis na ginulo ni Larco ang sariling buhok. Para siyang nahahapo at hindi makahinga nang maayos. Gamit ang kaniyang nanginginig na mga kamay ay mabilis niyang binuksan ang drawer at kinuha ang isang maliit na bote na kulay puti. Kumuha siya ng dalawang piraso sa loob no'n at nilagay sa kanyang bibig bago dinampot ang isang bote ng mineral water at ininom.
Napahilot si Larco sa bridge ng kaniyang ilong at sumandal sa headboard ng kaniyang kama bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Kahit papaano ay kumalma siya ng konti dahil sa ininom.
Makalipas ang ilang minuto ay naisipan niyang lumabas ng kaniyang kuwarto at diretsong pumasok sa isa pang kuwarto kung saan naroon ang iba't-ibang klase ng mamahaling alak.
“Boss,” ani Henry nang makita siya. Nakaupo ito sa may mesa habang umiinom.
Dumiretso siya sa nakahilirang bote ng mga alak at kumuha ng isa bago ito binuksan at naupo sa tabi ni Henry.
“Are you okay, boss?” tanong ni Henry at inabutan siya ng baso.
“Ano'ng update kay Darius?” tanong niya imbes na sagutin ang tanong nito.
“It's good, boss, pumayag na si Mr. Yamamoto na ipadala ang kaniyang mga tauhan sa Hungary,” sagot ni Henry bago lumagok ng inom.
Napatango-tango naman siya dito. “Mabuti kung ganon.” Lumagok din siya ng inom at muling sinalinan ang baso. “What about Kierra? How is she?”
Saglit na natigilan si Henry at parang hindi alam ang isasagot, pero sa bandang huli ay sumagot din.
“Yan ang hindi ko alam, boss. Baka nasa kuwarto ni boss Darius at tulog na.”
Larco sighed. “Sa pamilya niya ano nang balita?”
“Patuloy pa rin ang paghahanap nila kay Kierra, boss. Ten million ang nilagay nilang pabuya sa kung sino man ang makakita sa kanilang anak. Nagkalat na rin ang mga larawan ni Kerra sa internet at sa mga magazine, at bawat balita sa telebisyon ay nababanggit ang kaniyang pangalan."
Humigpit ang hawak ni Larco sa baso dahil sa narinig. Saglit siya pumikit at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga para kumalma.
“Kung ganon, magpadala ka sa kanila ng mga ebidensya na nagpapatunay na patay na ang kanilang anak. Siguradohin mong paniniwalaan nila ang ipapadala mo.”
Kumunot naman ang noo ni Henry. “Pero boss, akala ko ba—”
“Nagbago na ang isip ko, Henry. Sumunod ka na lang sa utos ko.”
Wala nang nagawa si Henry kundi ang tumango na lang at pinagpatuloy ang pag-inom.
Lumipas ang ilang minuto.
“Bukas ay alamin mo ang sitwasyon ni Darius at itanong mo kung kailan ang balik niya dito sa isla at kung makakaabot ba siya sa nalalapit na auction.”
“Masusunod, boss,” pagtango ni Henry at nagpaalam na umalis para bumalik na sa kuwarto.
Naiwan si Larco.
Muli siyang nagsalin ng alak sa baso at nilagok ng inom. Panay ang pagpakawala niya ng malalim na buntong hininga. Pinapakalma niya ang sarili sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot kanina at pag-inom naman ng alak ngayon, pero kahit anong gawin niya ay tila hindi mawala-wala sa isip niya ang mukha ni Kierra na umiiyak dahil sa ginawa ng dalawa niyang tauhan dito.
“Damn it!” Inis niyang inahagis ang baso na may laman pang alak, dahilan para mabasag at kumalat sa loob ng silid.
Mabilis siyang lumabas at dumiretso sa loob ng kuwarto ni Darius. Pero pagkapasok niya sa kuwarto ay agad siyang natigilan nang makita ang dalaga na mahimbing na natutulog sa malambot na kama.
Lumapit si Larco at napatitig sa mukha ni Kierra. Pakiramdan niya ay bigla siyang kumalma nang masilayan ang maamo nitong mukha.
Hindi na napigilan ni Larco ang sarili at marahan na hinaplos ang mukha ng natutulog na babae.
“Why, hmm? Why do I calm down so easily every time I see your innocent face, huh?” pagkausap niya dito habang patuloy ang marahan na paghaplos sa makinis nitong mukha.
“You're so fragile... but too dangerous. Siguradong masusugatan ako sa oras na basagin kita.”
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Ficção GeralDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...