CHAPTER 9

95 2 0
                                    

TULALA lang ako habang nakatitig sa isang palanggana ng puting sibuyas at at isang bilao ng puting bawang na nasa mesa. Katatapos ko lang balatan ang mga ito  sa utos ni kuya Arel. Gusto pa nga niya sanang ako ang magkaliskis ng isang timba na isda kaso hindi ako marunong, kaya pinabalatan nalang niya sa akin ang mga sibuyas at bawang.

Talagang nakakapagod. Pero okay na rin 'to kaysa ang mamatay at ipakain sa mga pating. Siguro nga ay kailangan ko lang sundin ang utos nila para magiging okay ang pagtrato nila sa akin.

“Matanong ko lang, Kierra, personal mo bang kilala sina boss at ikaw ang kinuha nilang katulong dito sa isla kahit na babae ka?”

Mula sa pagkatulala ay napaangat ako ng tingin kay Kuya Arel na ngayon ay nagpi-prito na ng mga isda.

“P-Parang ganoon na nga po. Larco and Darius knows my family,” sagot ko.

Talaga namang kilala nila sina kuya at dad, kaya nga nila ako kinidnap at dinala dito sa isla.

“Wow ha, ganoon ba kayo kalapit sa isa't-isa at talagang tinatawag mo sila sa kanilang pangalan? Kami kasi dito sa isla ay puro boss ang tawag namin sa kanilang dalawa.”

Hindi ko mapigilan ang mapangiwi sa narinig. Boss? Dapat ba boss din itawag ko sa kanila? But they are not my boss!

“Ano'ng oras na po pala, kuya? At oo nga pala, matanong ko lang kung ikaw lang ba mag-isa ang tagaluto dito sa isla?” pag-iiba ko ng usapan.

Napatingin naman si kuya Arel sa pambisig nitong relo. “Malapit na mag alas kuwatro ng hapon. Oo sa ngayon ako na lang mag-isa ang tagaluto. Dati may kasama ako, pero dati 'yun at hindi na ngayon. Nagtraydor kasi 'yun kena boss, kaya ayun, binalatan ng buhay at tinapon sa karagatan,” sagot nito habang nanatili paring nakatayo at nakaharap sa kanyang niluluto.

Sa muling pagkakataon ay napalunok ako dahil sa narinig. Binalatan ng buhay? They are ruthless! Talagang wala silang awa sa kapwa nila.

Nang matapos sa pagluluto si kuya Arel ay agad itong naghanda ng mga pagkain sa dalawang mesa. Tinulungan ko na lang siya sa paghahanda. Ako ang naglagay ng mga kutsara't tinidor sa bawat plato at sinalinan ng tubig ang bawat basong nakahilira.

Pagkatapos naming maihanda ang mga pagkain sa dalawang mesa ay pagod na naupo si kuya Arel sa isang upuan at nag-unat-unat ng katawan.

“Kierra, ikaw nalang ang lumabas. Hanapin mo si boss Larco at boss Darius. Sabihin mo sa kanila na nakahanda na ang mga pagkain at puwede na kamo silang kumain.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “P-Pero bakit po ako? Ikaw na lang.” Natatakot ako sa dalawang 'yun.

“Ano ka ba naman! Pagod na ako sa kakaluto kaya ikaw na lang. Ipapaalam mo lang naman sa kanila na luto na ang mga pagkain.”

Napilitan akong tumayo.

Napasimangot ako at wala nang nagawa kundi ang lumabas ng kusina para sundin ang malupit na utos ni Kuya Arel.

Nilakad ko muna ang malawak na lobby bago ko narating ang maindoor. Buti na lang ay wala na 'yung mga lalaking nagtatawanan kanina.

Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin.

Habang naglalakad ako sa puting buhangin ay inililibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Talagang nasa isla nga ako, isla ng mga sindikato.

Kahit saan ko ibaling ang tingin sa paligid ng isla ay may nakikita akong mga lalaking may hawak na baril na pumapalibot sa isla.

Kapag ganito ay talagang malabo na nga akong makatakas.

Napabaling ang tingin ko sa kabila nang makarinig ng sunod-sunod na pagsipol. May mga tatlong lalaki ang nakatingin sa akin habang sumisipol-sipol. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at ibinaling na lang sa iba.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon