CHAPTER 11

89 3 0
                                    


PAGKAPASOK ko sa kuwarto ni Darius ay agad kong ni-lock ang pinto at binuhay ang ilaw bago binuksan ang mga drawer, sa pagbabakali na may makita akong cellphone. Pero nang mabuksan ko lahat ng pwedeng buksan ay puro mga folder at brown envelope lang ang nakita ko na naglalaman ng mga papeles, ni kahit sirang cell phone ay wala akong nakita.

Nanlumo akong napaupo sa gilid ng kama at napatingin sa suot kong bathrobe na may mga buhangin na. Nang mapatingin ako sa nakasabit na orasan ay 5:27 PM na, ibig sabihin ay malapit na namang gumabi. Tumayo ako at pumasok ng bathroom. Naisipan kong mag half bath muna. Nang matapos ay inabot ko ang puting tuwalya at itinapis sa basa kong katawan.

Sakto namang paglabas ko ng bathroom ay may kumatok sa pinto. Akala ko si Darius, pero pagbukas ko ay ang tauhan nilang si Henry ang bumungad sa akin. Parang nagulat pa ito nang makita akong nakatuwalya lang, mabilis itong nag iwas ng tingin. Parang nailang naman ako.

“P-Pinapatawag ka ni boss, kakain na daw, kaya bilisan mo,” pautal nitong sabi bago umalis.

Natigilan naman ako at napatingin sa tapis kong tuwalya. Oo nga pala, wala na akong maisuot. Madumi na ang bathrobe gawa ng buhangin at basa pa 'yung damit ko. Hindi naman pwedeng nakatapis lang ako ng tuwalya lumabas.

Isinara ko ang pinto ng kuwarto at muling pumasok ng bathroom. Napilitan akong isuot ang bra at panty ko, buti at hindi masyadong nabasa. Naghanap nalang ako ng maaari kong isuot sa loob ng closet ni Darius. Pinili ko 'yung pinakamalaking t-shirt na umabot hanggang sa tuhod ko ang haba.

Paglabas ko ng kuwarto ay dumiretso agad ako sa kusina. May mga ilang kalalakihan pa akong nadaanan na ang lagkit tumingin pero binaliwala ko nalang.

Akala ko ay si kuya Arel lang ang tao sa loob ng kusina, pero pagbukas ko ng pinto ay agad akong natigilan nang makita ang mga tao sa loob; Sa harap ng isang mesa ay nakaupo si Darius, Larco kasama ng kanang-kamay nilang si Henry, habang sa isang mahabang mesa naman ay nakaupo ang kanilang mga tauhan kasama na si kuya Arel. Lahat ng attention nila ay napunta sa akin dahil sa pagbukas ko ng pinto.

Napalunok ako at bahagyang napayuko para umiwas ng tingin sa kanila. Gusto ko sanang umatras at bumalik na lang sa kuwarto, pero pakiramdam ko ay parang napako na ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Parang nakaramdam ako ng hiya. Dapat pala ay sumilip muna ako at hindi lumusob agad sa pagpasok. Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Ang tanga ko talaga!

Akmang ihahakbang ko na ang mga paa ko para sana umalis, pero halos mapatalon ako sa gulat dahil sa malakas na boses.

“Magsikain na kayo kung ayaw niyong alisan ko kayo ng mga mata isa-isa!” galit na sigaw ni Larco na umiko pa sa loob ng tahimik na kusina.

Napaangat naman ako ng tingin.

Parang mga takot na tuta ang mga kalalakihan na agad nagsi-iwas ng tingin sa akin, pinagdampot na nito ang kanilang mga kutsara't-tinidor at sinimula nang kumain.

“At ikaw naman babae, maupo ka na dito! Huwag mong hintayin na kaladkarin pa kita!”

Mabilis naman akong naglakad palapit sa kanilang mesa. Naupo ako sa tabi ni Henry.

“You look hot in that shirt, baby girl. It looks good on you! Talagang bagay na bagay sa'yo ang damit ko,” puna sa akin ni Darius pagkaupo ko at kumindat pa ito sa akin bago ngumiti.

Hindi ako kumibo at binaling na lang ang attention sa mga pagkain na nakahanda. Puro mga pagkain galing sa dagat na iba-iba lang ang luto, kanin lang ata ang hindi. Napalunok ako at biglang nakaramdam ng pagkagutom, pero hindi ko alam kung paano kukuha.

“What are you waiting for? Hindi maglalakad ang mga pagkain na 'yan papunta sa bibig mo kung hindi mo isusubo!” masungit na sabi ni Larco na tila kanina pa pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon