“BULLSHIT! TANUNGIN MO NGA KUNG ANONG PROBLEMA NG LALAKING 'YAN AT TALAGANG NAKUHA PANG HUMARANG SA DAAN!” iritadong utos ni Darius sa kanyang tauhan.
Agad namang tumango ang lalaki at mabilis na lumabas ng kotse.
Napalunok naman ako at napapisil sa sarili kong daliri.
Kailangan kong makalabas at makatakbo papunta kay Kuya.
Akmang iaangat ko na ang isa kong kamay para sana buksan ang pinto at nang sa ganoon ay makatakbo sa labas, pero nahigit ko na lang ang sarili kong hininga at mabilis na binawi ang kamay ko nang biglang ibinaling ni Darius ang tingin sa akin.
“Ngayon sagutin mo ang tanong ko, sinong tinawagan—” Hindi na natuloy ni Darius ang pagtanong sa akin dahil sa dalawang magkasunod na putok ng baril papunta sa sinasakyan namin na kinagitla ko sa gulat. Rinig ko ang tunog ng pagkabutas ng gulong at kasabay nito ay ang pagbaba ng konti ng sasakyan.
“F*ck!” Napamura si Darius at muling ibinalik ang tingin sa unahan.
Nakorner na ni Kuya ang driver at ngayon ay tinutukan na ng baril sa ulo. Suot pa rin ni kuya ang helmet.
“Damn that f*cking holdaper! Pwes mali ka ng napuntahan!” Mabilis na dinukot ni Darius ang kamay sa loob ng suot na suit, at ganoon na lang ang paglunok ko nang inalabas nito mula roon ang isang baril.
Nang mapatingin ulit ako kay Kuya ay sumesenyas ito gamit ang baril na para bang sinasabing lumabas ang nasa loob ng kotse. Sakal pa rin nito ang driver sa leeg gamit ang braso habang tinututukan ng baril ang ulo.
“Fine, I'll give you two bullets for free!” Agad na kinasa ni Darius ang baril at itinutok 'yun papunta sa unahan kung saan banda nakatayo si Kuya at ng lalaki.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hintuturo ni Darius na parang kakalabitin na ang gatilyo ng hawak na baril.
“Oh my god— No!” Mabilis kong tinabig ang kanyang kamay, kasabay ng pagtabig ko ay ang pagputok ng baril papunta sa labas na kinabutas ng salamin ng kotse sa unahan. Nanlaki ang mga mata kong ibinaling ang tingin kay Kuya, pero napunta ang tingin ko sa tiyan ng driver nang makita ang pag-agos ng dugo sa tiyan nito dahil sa tama ng bala.
“What the f*ck, Kierra!” Galit akong binalingan ni Darius.
Marahas naman akong umiling sa kanya. “H-He's my brother, huwag mo siyang barilin!”
“W-What?!” hindi makapaniwalang sambit ni Darius.
“P-Please don't shoot him, he's my brother...” naiiling kong sabi na parang maiiyak na. Ramdam ko ang biglang paghapdi ng mga mata ko. Bigla akong natakot para kay Kuya.
Inis na napahagod si Darius sa sariling buhok. “Bullshit!” Sinamaan niya pa ako ng tingin bago inangat ang upuan sa front seat at kinuha ang isang itim na bunot na kayang takpan ang buong mukha kapag isinuot.
Sunod-sunod naman akong napalunok at inihanda ang nanginginig kong kamay. Nang sinimulan nang isuot ni Darius ang bonet sa kanyang ulo ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse at mabilis na tumakbo palabas.
Pero nakakatatlong hakbang pa lang ako sa pagtakbo, nang bigla na lang ako napatigil at napasigaw sa gulat dahil sa pagdaan ng isang bala sa tabi ko mula sa likuran.
Pinaputukan ako ni Darius na siyang hindi ko inaasahan.
Agad namang gumanti si Kuya at nagpaputok din papunta sa puwesto ni Darius.
“Come here, Kierra! Run! Come to me!” sigaw sa akin ni Kuya habang nakatutok ang hawak na baril papunta sa may kotse at hawak pa rin nito sa leeg ang naghihingalong lalaki na parang ginawa ng shield ni Kuya.
![](https://img.wattpad.com/cover/362884916-288-k850467.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Ficción GeneralDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...