Hindi ko mapigilan ang mag-panic at mabilis na napatayo. Nagpalinga-linga ako sa loob ng malaking bathroom para sana humanap ng maaari kong lusutan at nang sa ganoon ay makatakas. Pero kahit saan banda ko tingnan ay puro matitigas na pader lang ang nakikita ko, hanggang sa napaangat ang tingin ko sa puting kisame, kung saan kapansin-pansin ang pag-angat ng konti ng puting plywood na para bang may sekretong lagusan doon. It looks like a small door.
“Oh come on, baby girl. Open this door so I can come in,” Darius called in a calm voice from outside, followed by knocking on the closed door.
No! Hindi niya ako pwedeng maabutan. Kailangan kong makatakas sa lugar na 'to!
Parang nagliwanag ang mukha ko nang makita ang isang white plastic chair sa may sulok ng bathroom, kaya patakbo akong lumapit dito at kinuha.
Tumungtong ako sa taas ng upuan at pilit na inabot ang puting kisame. Kinaingalan ko pang tumingkayad upang maangat ang plywood. Nang tuluyan ko nang maangat ay parang nagliwanag ang mukha ko. Hindi nga ako nagkakamali dahil isang sekretong lagusan nga ang bumungad sa akin. Tamang-tama lang upang magkasya ang katawan ng isang tao.
“Hey, open this fucking door! Masama akong magalit, baby girl!” Darius called again, his irritation evident.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad na pinilit na umakyat papasok ng kisame. Thanks to Kuya Renz, kahit papaano ay nagamit ko rin ang pagtuturo niya sa akin kung paano ang tamang pagbalanse ng katawan upang makaakyat nang hindi nahihirapan.
Pagkapasok sa loob ng kisame ay agad akong gumapang at mabilis na sinundan ang lagusan.
This is it! Sa wakas, makakatakas na rin ako. Makakatakas na ako!
Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang gumagapang nang mabilis. Pero ang ngiti ko ay unti-unting naglaho nang makitang wala na akong pwedeng madaanan na maaaring pagkasyahan ng katawan ko. Wala nang butas dahil puro mga bakal na ang mga nakaharang.
Tila gusto kong maiyak sa inis. Ano nang gagawin ko ngayon? Hindi naman ako pwedeng bumalik dahil baka papatayin na nila ako nang tuluyan. Pagkakataon ko na 'to para makatakas, eh. Pero bakit naman ganito pa? I'm sure sa mga oras na 'to ay umiiyak na si mommy dahil sa pagkawala ko. Nagaalala na silang lahat sa akin.
Ramdam ko ang biglang panunubig ng mga mata ko dahil sa pagkadismaya.
Hindi ko mapigilan ang inis na mapahampas sa kisame. Pero kasabay ng aking paghampas ay ang paglaki ng mga mata ko sa gulat nang biglang bumukas ang kisame na aking kinalalagyan, dahilan para iluwa ako nito pababa.
Napasigaw ako sa pagkagulat at napapikit sa takot.
Akala ko ay tuluyan na akong mahuhulog at tatama sa matutulis na bagay ang aking katawan, ngunit hindi ko inaasahan ang pagsalo sa akin ng matitigas na mga bisig.
Para akong nakahinga nang maluwag. Unti-unting kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ang pagtulo ng tubig sa mukha ko. Amoy na amoy ko rin ang mabangong halimuyak ng shampoo at sabon mula sa taong sumalo sa akin.
Ngunit sa aking pagmulat ay siyang paglaki ng mga mata ko sa gulat nang bumungad sa akin ang mala-adonis na mukha ng seryosong lalaki, na walang iba kundi si Larco. Tumutulo pa ang mga basa nitong buhok sa aking mukha.
“I'm… I'm sorry,” halos pabulong kong bigkas na may panginginig sa boses at napasimangot na parang maiiyak na naman. Ang malas ko talaga. Ang malas malas ko!
Hindi sumagot sa akin si Larco, bagkus ay napatitig lang sa mukha ko nang walang ano mang emosyon na ipinapakita.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na lang sa paligid. Nasa bathroom na naman pala ako. Walang pinagkaiba ang desinyo sa bathroom na pinanggalingan ko kanina at parihas puti ang paligid.
![](https://img.wattpad.com/cover/362884916-288-k850467.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Narrativa generaleDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...