CHAPTER 38

67 2 0
                                    

Third Person's POV





MATAPOS ang shareholders' meeting ay nagsitayuan na ang mga lalaking nakasuot ng business suit.

“Congratulations, Mr. Skolav, binabati ka namin bilang bagong shareholder ng Omega Holdings!”

“Thank you!” Isang pormal na ngiti ang pinakawalan ni Darius at isa-isang kinamayan ang mga board of directors.

Pagkalabas ni Darius ng conference room ay agad siyang dumiretso sa parking lot at pinatakbo ang kanyang kotse paalis ng building.

Habang nagmamaneho ay hindi mawala-wala ang munting ngiti sa kanyang labi.

“Shareholder, huh?” Marahan siyang napatango-tango at napahaplos pa sa gilid ng kanyang ibabang labi gamit ang isa niyang kamay na ngayon ay nakatukod pa sa nakasaradong bintana ng kotse.

“Well, hindi na masama.” Napailing na lang siya. Pero mas lalong lumapad ang ngiti sa labi niya nang mapatingin sa kanyang tabi kung saan nakalagay ang brown envelope na naglalaman ng mga mahalagang papeles na ni-request niya pa sa kanyang kaibigan na isang Judge.

“Soon, baby girl. Soon...” he whispered smilingly.

Pagdating ni Darius sa resort na kanilang ring pag-aari ay tanging mga tauhan lang niya ang kanyang nadatnan na naghihintay sa lobby ng hotel, at tulad niya ay nakapormal din ang mga ito, nakasuot ng black suit na tila nagsilbi ng uniform tuwing sumasama sa kanya sa mga lakad na pinupuntahan nila.

“Boss!” Mabilis na nagsitayuan ang mga ito nang makita siyang pumasok ng entrance.

“Bakit kayo lang? Where's Larco?” kunot-noo niyang tanong kay Gregore, ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang tauhan.

“Hindi namin alam, boss. Ang sabi kasi ay maghintay lang daw kami rito hanggang sa makabalik siya.”

Saglit namang kumunot ang noo niya.

“Sige tatawagan ko na lang.” Napabuntong hininga siya at agad dinukot ang cell phone sa kanyang suit bago tinawagan ang numero ni Larco.

Nakalimang ring bago nito sinagot ang kanyang tawag.

“Where are you, Larco?”

“In the mall.”

Kumunot ang noo ni Darius nang marinig ang sagot ni Larco sa kabilang linya.

In the mall? At kailan pa ito natutong pumunta ng mall nang mag-isa? Ng walang kasamang tauhan? Knowing Larco? bihira ito mapadpad sa isang mall kung hindi lang dahil sa importanteng bagay, tulad ng mahalagang misyon.

“What are you doing there?” may pagtataka niyang tanong.

“Buying mango for Kierra.”

“Oh?” Napatango-tango naman siya siya sagot nito. Oo nga pala, muntik niya na ring makalimutan ang mangga! Damn! Naka-save pa iyon sa draft ng kanyang cell phone para lang hindi mawala sa isip niya, pero nakalimutan niya pa rin!

“Buti na lang naalala mo, Larco. Bumili ka na rin pala ng Starla. Isa rin 'yun sa mga paborito ni Kierra.”

“Starla?” Saglit na natigilan ang kabilang linya. “Is it a kind of food or a toy?”

Napairap siya sa tanong nito. “Tsk. It's a kind of fruit, Larco. Mas maasim pa 'yun kaysa sa green mango. Nakita ko kasi na pinakain 'yun ni Henry kay Kierra nung isang araw.”

“Oh I didn't know that, ba't ngayon ko lang narinig ang pangalan ng prutas na 'yan? Is it new? Imported fruits from other country?”

Darius chuckled. “Oh come on, Larco, ilang taon na tayo dito sa pilipinas at dito rin tayo ipinanganak, tapos hindi mo alam ang prutas na 'yan? Are you serious?” Sinamahan niya ng mahinang pagtawa na siyang kinaasik naman ng kabilang linya. “In tagalog it's called something like...” Saglit pa siyang napaisip. “Kambing!”

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon