NANATILI akong tahimik habang sumsusubo ng pagkain. Katabi ko si Darius sa upuan na panay ang lagay ng pagkain sa plato ko. Sa kabila naman sina Henry at Larco na tahimik lang din kumakain. Sa kabilang mesa naman nakaupo ang kanilang mga tauhan.
Napakatahimik ng buong kusina at tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig.
“Oo nga pala, Henry,” basag ni Darius sa katahimikan. “Bumili ka mamaya ng pills.”
Napaangat naman ng tingin si Henry. “What kind of pills, boss?” kunot-noo nitong tanong.
“Contraceptive,” Darius answered.
Nabitin naman sa ere ang tangkang pagsubo ni Larco, at agad na nagsalubong ang kilay na tiningnan si Darius. “You didn't pull out, did you?” tila hindi makapaniwala nitong tanong.
Darius rolled his eyes. “Tsk.. I lost control. Kaya nga nagpapabili ng pills!”
Larco sighed, napahigpit pa ang hawak sa kubyertos. Nang mapatingin ito sa akin ay mabilis akong umiwas ng tingin at ibinaling na lang attention sa pagkain ko.
“Samahan mo na rin ng maraming condom,” rinig kong sabi ni Larco bago nito muling pinagpatuloy ang kain.
Nanatili lang akong tahimik habang patuloy ang pagsubo.
“I hate condoms. Hindi ko feel ang sarap kapag may ganyan, Larco. Ikaw ba feel mo?”
“Tsk.. What do you think? Parihas tayong tao, kaya kung hindi feel ng katawan mo, malamang ganon din sa akin!” masungit na sagot ni Larco at parang inis na tinusok ng tinidor ang isang hiwa ng salmon. “Bullshit! Parang hilaw pa!” bulong pa nito at parang padabog na ibinalik sa isang plato ang salmon.
Napasatsat naman si Darius at napailing-iling. “Then bakit ka nagpapabili pa kung gano'n din naman pala?”
“Tsk.. Stop asking too many questions!” iritadong sagot ni Larco na tila badtrip.
Nagkibit-balikat lang si Darius at bumaling sa akin. “Oh dahan-dahan lang sa pagsubo at baka mabulunan ka pa,” suway nito sa akin at hinawi pa ang buhok ko papunta sa likod ng aking tainga. “Do you want shrimp? Gusto mo bang ipagbalat kita?” tanong pa nito sa akin sa malambing na boses.
Hindi pa ako nakakasagot nang bigla nang sumabat ang masungit na boses ni Larco.
“Bakit kailangan mo pang ipagbalat 'yan, Darius? May mga kamay naman ang babaeng 'yan! Hayaan mo siyang kumain nang mag-isa, gamit ang sarili niyang mga kamay!”
“Oh come on, Larco, I just want to serve her so mind your own business,” baliwalang sagot ni Darius at akmang ilalalagay na sa plato ko ang isang hipon nang agad kong pigilan ang kaniyang kamay.
“A-Ayuko po niyan, sa'yo na lang.” Umiling ako kay Darius.
“Tsk... Tingnan mo 'yan, pinagsisilbihan na, umaarte pa!” inis na bulong ni Larco na siyang umabot naman sa aking pandinig.
Nagkibit-balikat lang si Darius at nilagay na sa kaniyang plato ang hipon.
Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapabusangot habang patuloy ang pagsubo. Parang nakakawala ng gana ang pagsusungit ng Larco na 'to. Pinag-iinitan na naman ako!
Talagang mainit pa rin ang dugo nito sa akin hanggang ngayon. Hindi ko maintindihan kung may sumasapi ba dito o ano, minsan biglang bumabait, pero minsan ay bigla na lang lumalabas ang pagiging demonyo tulad na lang ngayon.
“Boss! Boss!” Humahangos na tawag ng isang lalaking patakbong pumasok sa loob ng kusina.
Napatigil naman ako sa pagsubo at napatingin sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
General FictionDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...