GULAT akong napasinghap at naalimpungatan dahil sa lamig ng tubig na bigla na lang bumuhos sa mukha ko. Akmang itataas ko na ang isa kong kamay para sana hilamosin ang tubig sa mukha ko at nang sa gano'n ay maimulat ko ng mabuti ang mga mata ko, pero agad akong napatigil ng mapagtantong nakatali pala ang dalawa kong mga kamay sa aking likuran, o tamang sabihin na nakatali ako sa aking kinauupuan ngayon.
Nananaginip ba ako? Pero tingin ko ay parang hindi naman, dahil ramdam ko ang pangangawit ng aking mga braso.
Nakasimangot kong iminulat ang aking mga mata. Napakurap-kurap pa ako saglit para maalis ang tubig na bumara sa pilik mata ko at nang sa gano'n ay tuluyan nang luminaw ang aking mga paningin, pero gano'n na lamang ang pagkagulat ko at biglang pagdambol ng matinding kaba sa aking dibdib nang makita kung nasaan ako.
May kadiliman sa paligid ko at tanging isang bombilya lang ng malamlam na ilaw ang nakasabit sa may uluhan ko na gumagalaw-galaw pa, dahilan para makita ko ang sarili kong basang-basa na habang nakatali sa isang upuan na gawa sa kahoy.
"N-Nasaan ba ako? Pa-paano ako napadpad dito?" nanginginig kong bigkas at pilit na hinihila ang kamay ko sa aking likuran, pero kahit anong gawin ko ay hindi talaga maalis sa pagkakatali ang mga kamay ko at mas lalo lang sumakit dahil sa pagpumiglas ko.
"Daddy! Mommy! Help me! Kuya!" pagsigaw ko na parang maiiyak na. Ba't ba kasi ako napadpad dito? Sinong nagdala sa akin sa lugar na 'to?
"Kuya! Tulungan niyo po ak..." Hindi ko na natuloy ang pagsigaw ko dahil sa biglang paghablot ng buhok ko na kinangiwi ko at bahagyang kinatagilid ng ulo ko pababa.
"Stop asking for help because no one will help you here. Not your parents, not your brothers, and not anyone!" galit na sabi ng boses lalaki sa tabi ko bago marahas na binitiwan ang buhok ko. Mas lalo akong dinambol ng matinding kaba at inalala ang huling pangyayaari kung saan sinundo ako nung lalaki.
Hindi maaari. Impossible. Impossible namang siya ang nagdala sa akin dito. Is he kidnapping me? But that's impossible. Sabi nga niya isa siyang pulis at tauhan siya ni daddy. Ngunit may katutuhanan nga ba ang mga sinabi niya?
“Turn on the light, Darius. We need to start the show now,” the man said again, as if giving orders to someone else. I couldn't see his face because it was obscured by darkness, only his tall figure standing beside me was visible. He was wearing a simple white t-shirt, gray shorts, white slippers, and an expensive watch on his left wrist.
Biglang bumukas ang maliwanag na ilaw. Saglit akong napapikit dahil sa liwanag nito at tinantiya mo na ang silaw bago muling nagmulat ng mga mata at inilibot ang tingin sa buong paligid.
Wala akong makitang pinto dahil puro pader lang ang nakikita ko, at sa isang sulok ay may isang maliit na hagdan paakyat sa taas. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa basement ata ako. Ngunit paano ako napunta dito? Nananaginip lang ba ako? Pero hindi eh.
Napatingin ako sa lalaking bumuhay sa ilaw, nakangisi ito sa akin. He's not familiar to me, ngayon ko lang nakita ang mukha niya kaya hindi ko siya kilala. May kahabaan ang buhok nitong medyo kulay abo, matangos din ang kanyang ilong at medyo makapal ang kilay, kung anong kulay ang buhok niya ay ganoon din ang kulay ng kanyang mga mata na kulay gray. He have a perfect jawline. Nakasuot ito ng ragged denim shorts at walang damit na pang itaas, kung kaya kitang-kita ang kanyang malapad at matikas na pangangatawan na puno ng mga mababatong abs.
"Enjoying the view, huh? Wanna taste my hot body?" He taunted with a grin.
Para akong nahiya at mabilis na nag-iwas ng tingin sa lalaki.
“B-Bakit ako nandito?” I stammered, my voice trembling.
“Kailangan pa ba naming sagutin ang mga tanong mo?” Mapaklang napatawa ang lalaking nakatayo sa tabi ko, 'yung klase ng tawang nakakapanindig balahibo. Oo nga pala muntik ko nang makalimutan na may isa pa palang lalaki.
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Ficción GeneralDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...