CHAPTER 35

67 4 0
                                    


IT'S BEEN THREE DAYS. Sa loob ng tatlong araw ay nanatili lang ako sa loob ng kuwarto at hindi na nakalabas pa. Gustuhin ko mang lumabas ay nakakandado ang pinto, bumubukas lang ito kapag hinahatiran ako ni Henry ng pagkain.

Kagabi nang maalimpungat ako ay nabungaran ko si Larco na nakatayo sa tabi ng kama habang pinagmamasdan ako sa pagtulog, pero nang makita ang pagmulat ko ay agad na sumeryoso ang mukha at tumalim ang tingin sa akin bago lumabas ng kuwarto nang walang imik. Si Darius naman ay hindi ko na nakita pa, ni hindi na bumisita pa sa kuwarto ko. Mukhang galit na galit talaga silang dalawa sa akin dahil sa nangyari.

Ngayon ay nakasandal lang ako sa headboard ng kama habang nakatingin sa kawalan. Hinihintay ko ang pagdating ni Henry, 9:48 PM na pero wala pa rin. Parang nakakaramdam na ako ng pagkagutom.

Tumayo ako at lumapit sa nakasaradong pinto sa pagbabakasakaling pwede na itong buksan, pero nang hawakan ko na ang doorknob at pinilit na buksan ay ganoon pa rin, still locked.

Nakasimangot akong bumalik sa kama at nahiga. Sa tagal dumating ng pagkain ay tuluyan na akong nakatulog sa paghihintay. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman ang marahan na paghaplos sa ulo ko.

“L-Larco...” I thought it was him, but when I opened my eyes, bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Henry.

Agad itong napaayos ng tayo nang makita ang pagmulat ko at biglang sumeryoso ang mukha. “Narito na ang pagkain mo, kumain ka na.”

Marahan naman akong bumangon at tumingin sa tray ng pagkain na nakapataong sa ibabaw ng drawer. Hindi ko mapigilan ang hindi mapasimangot nang makita kung anong klaseng pagkain ang nasa tray. Kanin at afritada.

“Bakit? Ayaw mo ba?” tanong ni Henry nang mapansin ang pagsimangot ko.

Marahan akong tumango. “Ayoko niyan...” mahina kong sagot habang nakatitig sa pagkain.

Iwan ko ba, dati naman ay gusto ko ng afritada, pero ngayon ay parang may pagbabago na sa panlasa ko, parang hindi na ako nasasarapan sa mga paborito kong pagkain dati.

Rinig ko ang pagpakawala ni Henry ng malalim na buntong hininga. Nang mapatingin ako rito ay saglit pa nitong tiningnan ang oras sa pambisig na relo bago binuhat ang tray ng pagkain.

Parang nataranta naman ako. Baka inisip ni Henry na nag-iinarte ako at ilabas ang pagkain, eh nagutom pa naman ako.

Agad akong bumangon sa pagkakahiga. “Naku, ayos lang pagtiyagaan ko na lang. Huwag mo nang ilabas ang pagkain!” Mabilis akong bumaba ng kama, pero dahil sa pagmamadali ko ay muntik na akong matumba nang makaramdam nang biglang pagkahilo, buti na lang ay naging mabilis ang pagkilos ng kaliwang braso ni Henry at mabilis akong nahapit sa baywang, kundi ay baka tuluyan na akong bumagsak sa matigas na sahig.

“Hey be careful. Are you okay?” Henry asked me worriedly.

Napahawak ako sa sarili kong ulo at saglit na pumikit. Parang nahihilo na ata ako dahil sa gutom.

“S-Sige Henry, okay lang ako, kakainin ko na lang 'yang dala mo. Gutom na kasi ako eh...” mahina kong sagot at umayos na sa pagkakatayo nang makabawi sa pagkahilo.

Binitiwan na ni Henry ang baywang ko at saglit na tumingin sa pambisig na relo bago muling binalik ang tingin sa akin. “Sumunod ka sa akin sa kusina.”

Biglang nagliwanag ang mukha ko sa narinig. “T-Talaga? Sure ka? Pwede akong lumabas?”

“Tsk... Bilisan mo na habang wala pa sina boss!” masungit na sagot ni Henry naglakad palabas ng kuwarto.

Napangiti naman ako at mabilis na sumunod sa kanya.

Pagdating sa kitchen ay agad akong naupo sa isang upuan at pinanood lang si Henry. Akala ko ay ipaghahain niya lang ako ng pagkain, pero hindi ko inaasahan ang pagsuot niya ng epron at ang pagkuha ng mga ingredients sa loob ng ref na siyang kinalapad lalo ng ngiti sa labi ko.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon