CHAPTER 48

251 7 7
                                    

MATAPOS kong ayusan ang aking sarili ay agad na akong tumayo sa harap ng salamin at tiningnan ang suot kong gown. Labas ng konti ang cleavage ko at naka-expose rin pati ang mga balikat ko. Tulad ng theme ng wedding ay dapat naka yellow-green lahat ng gown ng mga babae, iyon kasi ang gusto ng bride ni kuya. Kaya naman heto ako ngayon, naka-yellow-green.

Today is my kuya Gello's wedding day.

“Ellie anak, tapos ka na ba?” rinig kong tanong ni Mommy habang kumakatok sa pinto ng kuwarto ko.

“I'm done, Mom! Palabas na po!” malakas kong sagot.

Matapos kong isuot ang aking 3 inches white stiletto heels ay saka ako lumabas ng kuwarto.

“You look so gorgeous, anak, bagay na bagay sa'yo 'yang gown mo,” nakangiting papuri sa akin ni Mommy.

Hindi ko naman mapigilan ang mahinang mapatawa. Talagang ganito si Mommy, bawat isusuot ko yata ay palagi na lang pinupuri na bagay sa akin. Ibang klase din talaga itong si Mommy.

“Thanks, Mom. Let's go downstairs, baka nainip na sina kuya sa kakahintay sa atin.” Agad akong yumapos sa braso ni Mommy.

Pababa pa lang kami ni Mommy sa stairs ay kitang-kita ko na si Daddy at ng triplets kong kuya suot ang kani-kanilang mga tuxedo. Si Dad, kuya Cev at kuya Renz ay parehong nakaupo sa couch, habang si kuya Gello naman ay pabalik-balik ng lakad na parang hindi mapakali.

“Do I look good?” kuya Gello asked nervously.

“Tsk. Pang ilang tanong mo na ba 'yan? Nakakasawa nang sumagot, Gello! Hell yeah, you look so f*cking good, freaking hot, and so damn handsome! Pupurihin na kita dahil iisa lang naman ang mga itsura natin,” inis na sagot ni kuya Renz.

“Relax ka lang, son. Baka naman sa sobrang kaba mo niyan ay makaihi ka na sa pants mo nang hindi mo namamalayan,” natatawang sabi ni Dad.

Hindi ko naman mapigilan ang mahinang mapatawa at ganoon din si Mommy. Halatang-halata na kabado talaga si kuya Gello sa kanyang kasal.

“Naku, anak, paniguradong iiyak ka pa mamaya niyan 'pag makita mo na ang bride mong lumalakad papunta sa'yo,” ani Mommy nang tuluyan na kaming makababa ng stairs.

Napangiti naman si kuya Gello. “Don't worry, Mom, may panyo naman akong dala, just in case na mangyari 'yang sinasabi mo.”

“Good luck, anak, and congratulation. So kung gano'n ano pang hinihintay natin? Let's go na, baka maunahan pa tayo ng bride sa simbahan.”

Agad namang nagsitayuan sina kuya at dad para sana lumabas na, pero agad silang napahinto nang makita ang pag-upo ko sa couch.

“Oh bakit? May kailangan ka pa bang gawin, anak?” tanong ni Mommy na agad ko namang kinailing.

“No, Mom. Mauna na po kayo, may inimbitahan kasi akong kaibigan na kailangan ko pang hintayin. Sa kanya na lang po ako sasakay.”

“Oh okay, basta bawal ma-late, okay?”

Tumango lang ako kay Mommy.

Pagkalabas nila ay napasandal na lang ako sa kinauupuan kong couch at napatingin sa wristwatch ko.

Makalipas ang ilang minuto ay rinig ko na ang malakas na pagbusina sa labas, kaya agad akong napatayo at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Napangiti ako nang makita ang pagbaba ni Edrian sa kanyang white Mercedes Benz. Suot nito ang isang black expensive suit na talaga namang bumagay dito.

“Hi beautiful.” Edrian smiled at me.

Pagakalapit nito sa akin ay agad akong ginawaran ng halik sa pisngi.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon