CHAPTER 44

75 2 0
                                    

IT'S BEEN TWO DAYS, mula nang marinig ko ang pagtatalo nina Mommy at Daddy, at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman na buntis ako. Kaya pala bigla na lang nag-iba ang panlasa ko pagdating sa mga pagkain, at palagi din akong nasusuka tuwing umaga o may nakakain akong ayaw ng panlasa ko, 'yun pala ay buntis ako.

Ngayon ay nakasakay ako sa loob ng tumatakbong kotse. Katabi ko si Mommy dito sa backseat, habang nakaupo naman sa front seat ang dalawang bodyguard na kinuha ni Dad.

“Mom, saan po ba talaga tayo pupunta?”

Tipid na ngumiti sa akin si Mom at hinaplos ang buhok ko. “Sa clinic ng kaibigan ko para maipagamot ka, at nang sa ganoon ay maalis na 'yang palagi mong pagsusuka. Mas gusto ko sanang sa hospital na lang natin dalhin ka, pero baka may mga reporter na nakabantay sa labas ng ospital at dumugin tayo.”

Napalunok ako sa sinabi ni Mom. Hindi man diretso ang kanyang pagkakasabi, ngunit alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.

Pagdating namin sa clinic ay agad kaming pinapasok ng kaibigan ni Mom sa loob ng isang private room, habang nagpaiwan naman sa labas ng clinic ang dalawa naming bodyguard.

Napalunok ako nang makita ang hawak na injection ni Tita Lea na kaibigan ni Mom.

“P-Para saan po 'yan?”

“Anesthesia ito, hija,” sagot nito sa akin bago naupo sa tabi ko.

“Pero bakit ko pa po kailangang turukan niyan?”

“Dahil kailangan 'yan, anak, para hindi mo maramdaman ang sakit habang ginagamot ka,” sagot ni Mom sa akin.

Halatang nagsisinungaling si Mommy dahil hindi ito makatingin sa akin nang diretso.

Akmang ituturok na sa aking braso ang injection nang bigla akong tumayo.

“Oh bakit? May problema ba, anak?” Mom asked.

“Ah k-kasi, Mom... P-Prang gusto ko po kumain muna ng ice-cream. Pwede po ba akong bumili saglit sa labas?”

Saglit pang nagkatinginan sina Mom at ng kaibigan niya bago tumango sa akin.

“Sasamahan na kita.” Tumayo si Mommy.

“'Wag na po, malapit lang naman, Mom. Nasa kabilang kalsada lang 'yung convenience store. Kaya ko na po mag isang bumili, dito na lang kayo.”

“Sige, pero dapat isama mo 'yung dalawa nating bodyguard sa labas,” sagot ni Mommy na parang napilitan pa.

Tumango lang ako. Pero pagkalabas ko ay hindi ko na isinama pa ang dalawang bodyguard, sinabihan ko na lang na tingnan lang ako dahil nasa kabilang kalsada lang naman ang store at tanaw na tanaw lang mula sa kanilang kinatatayuan.

Pagkapasok ko ng store ay hindi agad ako bumili ng ice-cream. Actually, excuse ko lang naman 'yun para makalabas sa clinic.

Sa totoo lang, ayokong ipalaglag 'tong bata na nasa sinapupunan ko. Pero baka ma-dissapoint sa akin si mommy kapag umayaw ako.

Ang totoo, natatakot ako. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga oras na ito. Kailangan kong umisip ng mabuting paraan.

Nagpalakad-lakad lang ako sa loob ng store habang pisil-pisil ang nanginginig kong mga kamay. Kinakabahan ako. Natatakot ako sa posibleng mangyari. Hindi ko alam kung saan ako dapat humingin ng tulong sa ganitong sitwasyon.

Sa kakalakad-lakad ko sa loob ng store ay nagulat na lang ako nang may mabangga akong isang lalaki.

“Damn it!” reklamo nito dahil sa pagkahulog sa kamay ng mga hawak na grocery.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon