CHAPTER 15

96 3 0
                                    

Kierra's Point of View


HABANG naliligo sa loob ng bathroom ay parang may naririnig akong sumisigaw na mga boses na tila ba nahihirapan, pero hindi ko nalang pinansin at pinag-patuloy nalang ang pagsabon sa aking katawan. Nandidiri parin ako dahil sa pagdila sa aking leeg ng lalaking manyak na 'yun. Siguro kung hindi dumating si Henry ay baka nagahasa na ako ng mga 'yun.

Nang matapos sa pagligo ay pinatuyo ko lang ang buhok ko bago nahiga sa kama at natulog. Gusto ko pa naman sanang lumabas upang makakain pero natakot na ako, kaya pinili ko nalang ang matulog kahit gutom.

Naalimpungatan ako sa marahan na paghaplos sa aking ulo. I thought it was my mom, parang sandali kong nakalimutan ang kinalalagyan ko dahil sa klase ng paghaplos sa ulo ko.

Nakangiti kong iminulat ng konti ang aking mga mata. Pero pagmulat ko ay ganon nalang ang paglaki ng mga mata ko nang bumulaga sa akin ang seryosong mukha ni Larco.

Gulat akong napabalikwas ng bangon at biglang napalis ang antok ko.

“P-Paano ka po nakapasok dito?” Napasiksik ako sa headboard ng kama. Ang pagkakatanda ko ini-lock ko naman ang pinto.

“Ang sabi ko sa'yo, sa kuwarto ko. Pero hindi ko inaakala na may pagkapasaway ka rin pala. Pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yung sinusuway ang utos ko.” May diin sa bawat bigkas ng salita ni Larco.

Ramdam ko ang galit sa kanyang boses.

Napayuko ako at hindi sumagot. Ang mga kamay ko ay bigla na namang nanginig, at napahigpit ang kapit sa bed sheet.

Rinig ko ang pagpakawala ni Larco ng malalim na buntong hininga.

“Let's go to my room.” Inilahad niya ang isang kamay sa akin.

Napalunok naman ako at napatitig sa kanyang palad.

Nang hindi ako sumagot ay ganoon na lang ang pagsinghap ko nang bigla niya akong  binuhat, 'yung klase ng pagbuhat na parang bagong kasal.

Hindi na ako umangal o nagpumiglas. Tumahimik nalang ako nang buhatin niya ako palabas ng kuwarto ni Darius at dinala sa kanyang kuwarto.

Pagkapasok namin sa kuwarto ay marahan akong inihiga ni Larco sa kanyang malambot na kama. Nang maihiga niya ako ay hindi ko inaasahan ang kanyang marahan na paghaplos sa pisngi ko.

“Ngayon lang ako hihingi ng permiso sa isang babae. Pwede ba kitang angkinin ngayong gabi, Miss Gabriel?” Puno ng kaseryosohan ang mukha ni Larco habang pinagmamasdan ang bawat anggulo ng mukha ko. Nakatunghay siya sa akin at nakatukod sa kama ang isa niyang siko, habang ang isa niyang kamay naman ay patuloy ang paghaplos nang marahan sa aking pisngi.

Hindi ko naman mapigilan ang magtaka. Para kasing ibang Larco ang nakikita ko ngayon. Seryoso man ang kanyang mukha, ngunit tila ba may kakaiba. Ibang-iba sa Larco na palaging galit na tigre kung makatingin.

“I'm asking you again. Maaari ba kitang angkinin ngayong gabi, hmm?” He seriously asked me again. Hindi ko alam kung dinadaya lang ba ako ng aking pandinig, para kasing nagkaroon ng lambing ang kaniyang boses.

Namalayan ko na lang ang sarili kong napatango na sa kaniyang tanong. Kitang-kita ko kung paano lumabas ang kanyang mapuputing ngipin dahil sa kaniyang pagngiti na siyang hindi ko inaasahan.

“Don't be scared. I'll be gentle to you, I promise,” matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay mabilis na niyang sinakop ang labi ko.

Marahan at buong ingat ang pagsipsip niya sa labi ko. Nanatili akong nakatulala. Nang hindi ako gumalaw ay bahagya niyang kinagat-kagat ang gilid ng labi ko, at nang bumukas ay agad niyang ipinasok ang kaniyang dila sa bibig ko.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon