Kierra's Point of View
NAKAUPO lang ako sa isang bench chair dito sa labas ng mansyon habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Parang busy ata ang ilang mga tauhan ngayon dahil parang konti lang ang nagbabantay sa paligid. Wala din sina Larco at Darius ngayon, ang dinig ko ay pumunta sila sa kabilang isla para makita ang sitwasyon nito dahil sa pagsabog nung nakaraang gabi. Tanging si Henry lang ang naiwan dito sa isla at ilang mga tauhan.
Napakasarap sa pakiramdam ng hangin na tumatama sa akin balat, nakaka-relax. Parang bigla tuloy pumasok sa isip ko sina kuya, mom at dad. Kumusta na kaya sila? Pinaghahanap pa rin kaya nila ako hanggang ngayon? I really missed them so much.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at akmang tatayo na nang biglang may naupo sa tabi ko na kinatingin ko dito at kinahinto sa akmang pagtayo.
Si Rheanne na nakasuot ng yellow tube dress, na talaga namang luwang-luwa ang kalahati ng dalawang mala-papaya nitong dibdib.
“Hoy ikaw!” Humahalukipkip ito at hinarap ako. “Taga saan ka ba? Saan kayo nagkakilala ni Darius?” may pagkamasungit nitong tanong sa akin.
Hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat kung isagot.
“B-Bakit mo po tinatanong?”
Napapikit si Rheanne na tila nainis. “Can you stop that 'PO' of yours? Nakakairita na pakinggan! Hindi pa naman ako lola para i-po mo!”
“P-Pero mas matanda ka po kaysa sa akin, eh... I'm just respecting you,” nakasimangot kong sagot at tumayo.
Akmang aalis na ako nang biglang hinila ni Rheanne ang braso ko, kaya muli akong napaupo.
“Kapag kinakausap pa kita, huwag kang bastos at aalis na lang bigla nang wala akong sinasabi!” Hindi ko inaasahan ang marahas nitong paghila sa buhok ko.
Napatabingi ako at napangiwi sa sakit.
“Malandi kang babae ka! Akala mo ba hindi ko alam na nilalandi mo pati si Larco, ha!” Marahas akong sinabunutan ni Rheanne.
“A-Ano bang pinagsasabi mo! Bitiwan mo po ang buhok ko!” Pilit kong inaalis ang kamay niya sa pagsabunot sa akin, pero tila ayaw paawat at nakuha pa akong sampalin gamit ang isang kamay.
“Alam kong natulog kayo sa iisang kuwarto kagabi! Malandi ka! Hindi ka pa nakuntento sa isa! Pati fiancé ko dinamay mo sa kalandian mo!” sigaw sa akin ni Rheanne at mas hinila pababa ang buhok ko.
“Ano po ba 'yang sinasabi mo? I don't understand!” nakangiwi kong sagot habang patuloy sa pag-alis ng kaniyang kamay sa pagsabunot sa akin.
Talaga namang wala akong naintindihan sa kaniyang sinabi. Natulog sa iisang kuwarto kagabi kasama ang fiancé niya? Si Larco ba? Pero sa kuwarto ako ni Darius kagabi natulog at si Darius lang din ang tanging katabi ko. Wala akong natatandaan na nakatabi ko si Larco kagabi.
“Talagang nagmamaang-maangan ka pang malandi ka!” Patuloy pa rin ang pagsabunot sa akin.
Pakiramdam ko ay madadala na ang anit ko sa sobrang sakit. Kaya naman para makaganti ako ay malakas kong kinurot si Rheanne at ibinaon ang kuko ng hinlalaki ko sa braso nito.
“Ouch!” rinig kong sambit ni Rheanne pero hindi pa rin binitiwan ang buhok ko. Kaya naman ang ginawa ko ay hinawakan ko ang suot niyang tube dress sa may bandang dibdib at ito ay hinila pababa, dahilan para lumuwa ang kanyang naglalakihang s*s*.
Akala ko bibitiwan na nito ang buhok ko pero mas lalo sinabunutan habang panay ang pagmura sa akin.
“F*ck!” rinig kong mura ng pamilyar na boses, at kasabay nito ay ang pagbitaw sa buhok ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/362884916-288-k850467.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Ficción GeneralDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...