5 Years Later
HABANG nakatanaw sa bintana ng tumatakbong taxi ay hindi ko mapigilan ang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
Sa limang taon na lumipas ay ngayon ko lang naisipang umuwe ng Pilipinas.
Excited na akong makita at makasamang muli ang parents ko at ng mga triplets kong kuya.
Hindi ko pinaalam sa kanila na ngayon ang uwe ko dahil gusto ko silang surpresahin. Actually, wala pa sana akong balak umuwe, kaso ay napilitan ako dahil kasal na ni Kuya Gello next week, at hindi naman pwede na wala ako sa kasal nito dahil baka magtampo pa 'yun sa akin.
“Dito na po ba 'yun, ma'am?”
Para naman akong natauhan nang marinig ang tanong ng taxi driver. Nang mapatingin ako sa labas ay tanaw ko na ang gate ng bahay ng parents ko.
“Yes po, manong, kahit dito mo na lang po ihinto.”
Agad namang inihinto ng driver ang sasakyan sa hindi kalayuan sa may gate.
Sakto namang pagkahinto ng sinasakyan kong taxi ay bumukas ang main gate ng bahay namin, at lumabas mula roon ang isang makintab na blue McLaren 720S.
Hindi ko naman mapigilan ang mamangha.
Wow, bumili ba ng bagong kotse sina kuya? Ang gara ah! Pero saan naman kaya 'yun pupunta?
Nang tuluyan nang naalis sa paningin ko ang McLaren ay saka lang ako bumaba ng taxi at nagbayad sa driver matapos nitong maibaba ang mga bagahe ko.
Excited kong pinindot ng tatlong beses ang doorbell.
Ilang sandali pa ay muli nang bumukas nang konti ang gate at lumabas ang isang magandang babae na nakasuot lang ng simpleng pambahay. Tingin ko ay magkasing edad lang kami nito. Ito yata ang sinasabi sa akin ni Mommy last week na personal maid daw ni Kuya Renz. Natawa pa nga ako nung ibalita yun sa akin ni Mommy, dahil talaga namang napaka-impossible na kukuha si Kuya Renz ng kanyang personal maid, like for what? Eh nariyan naman ang ibang katulong na tagalaba ng kanyang mga damit at tagalinis ng kanyang kuwarto kapag kailangan.
Pero ngayon ay parang gets ko na kung bakit kumuha si Kuya Renz ng kanyang personal maid. In fairness, magaling talaga siyang pumili pagdating sa mga babae.
“Sino po sila?”
“Hi, I'm Kierra Gabriel. And you are?” nakangiti kong sagot.
Namilog ang labi at mga mata ng babae nang marinig ang sinabi ko. Agad nitong niluwagan ang pagbukas ng gate.
“N-Naku ma'am, kayo po pala. Ako naman po si Aya, ang bagong katulong. Pasok po kayo, ako na ang bahalang magpasok sa mga bagahe niyo.”
Agad naman akong umiling at pinigilan ito.
“Hayaan mo na kina kuya 'yang mga bagahe ko. Kayang-kaya na nila 'yan ipasok at iakyat sa kuwarto ko.” Ngumiti pa ako sa babae bago pumasok ng gate.
Saglit pa akong napatingala sa malaking mansyon at napangiti.
Sa lumipas na walang taon ay tila wala pa rin pinagbago ang bahay na 'to. Nakaka-miss sa totoo lang.
Pagtapak ko pa lang sa bungad ng main door ng mansion ay agad ko nang nakita si Mommy na nakaupo sa puting couch habang nakatingin sa malaking flat-screen TV at naka-focus sa pinapanood na movie.
Maingat akong naglakad papalapit dito nang hindi gumagawa ng ano mang ingay. Senenyasan ko pa si Aya na huwag mag-ingay—na agad naman nitong kinatango sa akin at kinangiti.
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Fiksi UmumDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...