CHAPTER 31

404 7 1
                                    


NAPAKURAP-KURAP ako. Hindi ko inaasahan na mukha pala ni Darius ang bubungad sa akin. Agad nitong inilapit sa akin ang mukha at akmang hahalikan na sana ako sa labi pero mabilis kong iniwas ang mukha ko sa kanya.

“What's wrong?” tanong niya na may pagtataka.

“H-Hindi pa po kasi ako nakapag-toothbrush...” pagdadahilan ko.

Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Darius. “So what? Eh sa gusto kong halikan ka.” Akmang hahalikan na ako nito muli pero nagmamadali na akong bumangon.

“K-Kailangan ko na pong maligo.”  Agad akong bumaba ng kama, pero pagkatayo ko pa lang ay hindi ko inaasahan ang biglang paghila ni Darius sa braso ko, dahilan para muli akong mapahiga sa malambot na kama.

Agad na pumaibabaw sa akin si Darius at idiniin ang dalawa kong kamay papunta sa aking uluhan.

“Aren't you happy to see me?” he asked me in a dangerous tone.

Napalunok ako dahil sa biglang pagbago ng emosyon sa kanyang mukha. Parang biglang bumagsik.

“Of course I m-miss you...” halos pabulong kong sagot.

Ilang sandali pa akong tinitigan ni Darius nang nakakunot ang noo hanggang sa unti-unti nang sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

“I miss you too.” Kumindat pa siya sa akin at binigyan muna ako ng isang smack kiss sa labi bago pinakawalan ang pagkakahawak sa dalawa kong braso at umalis sa ibabaw ko. “Sige maligo ka na, hihintayin kita.”

Pagkabangon ko ay hindi na ako tumingin pa sa kanya at tumakbo na ako papasok sa loob ng bathroom at mabilis na ini-lock ang pinto.

Parang nahahapo akong napahawak sa sarili kong dibdib. Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ko sinimulang maligo. Nang matapos ay agad kong inabot ang isang puting tuwalya at itinapis sa aking katawan.

Akala ko ay wala na si Darius at umalis na, pero pagbukas ko pa lang ng pinto para sana lumabas na ay nahigit ko na lang ang sarili kong hininga dahil sa biglang paghaklit sa baywang ko at ipinasok ako muli sa loob ng bathroom bago kinuyumos ng uhaw na halik.

Sa pagkabigla ko ay hindi ako agad nakakilos, natauhan lang ako nang maramdaman ang pagbaklas ni Darius sa nakatapis kong tuwalya. Agad ko siyang itinulak sa dibdib, pero hinuli niya lang ang braso ko at isinandal ako sa pader bago itinaas sa aking uluhan ang aking mga kamay.

“Hmp... S...t-top...” Pilit kong iniiwas ang labi ko sa kanya pero agad niya itong nahahabol at nasasakop. Ang tuwalya sa aking katawan ay tuluyan nang nahulog.

Panay ang pumiglas ko. Halos hindi na ako makahinga nang maayos. Nang bitawan ni Darius ang labi ko at bumaba ang halik sa aking leeg ay para akong nahapo dahil sa paghabol ng sarili kong hininga.

“D-Darius... Please... Stop...” Pilit kong inaalis ang kamay kong hawak niya sa aking uluhan, pero para lang ako nakikipaglaban sa isang bakal dahil sa tigas ng kanyang pagkakahawak.

“I miss you so damn much!” namamaos na sambit ni Darius na parang nawala na sa sarili habang patuloy ang paghalik sa aking leeg pababa sa aking dibdib. Pero nang akmang sasakupin na nito ang isa kong naumbok na dibdib ay bigla na lang itong napabitaw sa akin at malakas na bumagsak sa sahig na tila ba nawalan ng balanse dahil sa malakas na paghila sa braso nito ng lalaking kakapasok lang.

“Ouch! What the f*ck, Larco!” inis na bulalas ni Darius nang nakasimangot  na tila nasaktan sa malakas na pagbagsak ng pwetan sa sahig.

“You're in my room, Darius. Don't forget that we have rules. At para sabihin ko sa iyo, trespassing 'tong ginagawa mong pagpasok sa kuwarto ko!” sagot ni Larco sa seryosong boses. Nang tumingin ito sa akin ay agad akong napayuko at napayakap sa aking hubad na katawan. Parang nakaramdam ako ng pagkapahiya.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon