TAHIMIK lang ako habang nakaupo sa loob ng tumatakbong Bugatti Veyron na siyang sinasakyan namin ngayon. Naka-open roof ito kaya dumadampi sa balat ko ang masarap na simoy ng hangin. Si Larco ang nagmamaneho na kanina pa walang kibo, na tila ba malalim ang iniisip. Napapahaplos pa ito sa gilid ng sariling labi gamit ang kaliwang kamay habang ang kanan naman ang pinagmamaneho.
Suot ko ang isang elegant backless dress na kulay itim, si Larco naman ay naka black tuxedo. Pareho kaming may suot na maskara na kalahati lang ng aming mukha ang natatakpan.
Ilang minuto pa ay inihinto na ni Larco ang pagmamaneho sa harap ng isang mataas na Hotel.
“Wait for me,” ani Larco sa akin bago ito bumaba ng sasakyan.
Akala ko ay iiwan niya ako sa kotse, pero lumibot lang pala siya at pinagbuksan ako ng pinto bago inilahad ang kanyang kamay sa akin.
Tinanggap ko ang kanyang kamay at marahan na bumaba ng kotse. Pagkababa ko ay agad na ipinulupot ni Larco ang isang braso sa baywang ko at hinila na ako papasok sa entrance ng hotel.
“Jó reggelt asszonyom és uram!” (Good morning ma'am and sir!) pagbati sa amin ng dalawang hungarian security guard na nakatayo sa may entrance, pero hindi ito pinansin ni Larco at patuloy lang ang paglalakad papasok ng hotel.
Lumapit kami sa information desk kung saan may dalawang babaeng naka-uniform at isang lalaki ang nakatayo.
Ibinigay ni Larco sa isang babae ang isang black card na may nakasulat na VIP sa bandang taas at may QR code naman sa bandang baba. Pagkakuha ng babae sa card ay agad itong in-scan sa isang scanner, at nang matapos i-scan ang card ay agad itong tumango sa katabi. Agad naman kumilos ang lalaki at binuksan ang ilalim ng desk bago ibinigay kay Larco ang isang android tablet.
Pagkakuha ni Larco ng tablet ay umalis na kami sa information desk at pumasok sa loob ng elevator. Pinindot ni Larco ang 10th floor gamit ang kamay na may hawak sa tablet. Hindi pa rin niya inaalis ang isa niyang braso sa pagkakayapos sa baywang ko.
Pagdating namin sa 10th floor ay pumasok kami sa loob ng isang room kung saan may mga taong nakaupo na puro naka-formal attire. May isang lalaki ang nakatayo sa harap habang nagsasalita at pinapaliwanag ang lumalabas sa malaking screen.
Tingin ko ay ito na ang auction na pinag-usapan nina Larco at Darius kahapon. Mukhang na-late pa ata kami dahil mukhang nakasimula na.
Naupo kami ni Larco sa bakanteng upuan. Pagkaupo namin ay agad na binuhay ni Larco ang hawak na tablet, at nang mabuhay ay binuksan ang isang app, matapos itong buksan ay may kinuha si Larco sa loob ng kanyang suot na suit na parang isang maliit na black box at in-scan ito sa tablet hanggang sa lumabas ang 'connected' sa screen.
Nanatili lang akong tahimik habang nakaupo. I just turned my attention to the male host in the front.
A 10-inch porcelain statue appeared on the screen. Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha nang banggitin ng lalaki na ito'y nasa 1000 years na at nanggaling pa sa Ming Dynasty.
“Price start at 500,000 dollars!” anunsyo ng lalaki.
Mabilis na tumipa sa kanilang hawak na tablet ang ilang mga taong nakaupo.
Wala pang isang minuto ay lumabas na sa malaking screen ang ilang mga pangalan. Ang price ay tumaas nang tumaas, hanggang sa naging dalawa na lang ang name na lumabas sa malaking screen. Nagulat na lang ako nang makita ang offer price ng isa.
“Okay. Eight million dollars! This porcelain statue was sold to Larco Zayn Hedresson!” anunsyo ng lalaki.
Bahagya pang napaawang ang labi ko sa presyo. Eight million dollars? Seriously? But it just a porcelain statue from the history!
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Художественная прозаDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...