CHAPTER 1

128 5 0
                                    

Kierra's Point of View





"Kierra sweetheart..."

"Baby Kierra..."

"Princess Kierra..."

Napasimangot ako at tinakip ang unan sa aking mukha habang nanatiling nakapikit.

Rinig ko naman ang pagpakawala ng malalim na buntong hininga ni Kuya Renz, ang pangatlo kong kuya na ubod ng kulit. Siya 'yong klase ng kuya na kukulitin ka hanggang sa masunod ang nais niya, at ngayon heto na naman siya't nang iistorbo sa tulog ko. Seriously, nakakainis siya kung minsan.

"Oh come on, sweetheart, get up," he cooed with a hint of sweetness in his voice.

"I'm still sleepy, kuya. Mamaya na lang po, okay?" I replied lazily, keeping my eyes shut.

My brother chuckled. "Mamaya? Baka mamayang hapon pa 'yang sinasabi mong mamaya? I know you too well, sweetheart. But seriously, you need to get up. I'll help you!" Hindi ko inaasahan ang biglang pagbuhat sa akin ni kuya, dahilan para mabitiwan ko ang unan.

"Kuya Renz!" I groaned in annoyance as my legs flailed in the air. Despite my protest, he carried me into the bathroom, and before I knew it, he turned one the shower, the cold water splashing onto my face. "Oh my gosh, kuya! It's freezing!" pagtili ko at napahilamos na lang sa aking mukha.

"Be quick, sweetheart." Kuya Renz laughed mischievously, gently setting me down before leaving the bathroom.

Napasimangot na lang ako at wala nang nagawa kundi ang maligo.

Muntik ko nang makalimutan, ngayong araw nga pala ang first day ko sa university na papasukan ko.

After finishing my shower, I dressed simple outfit, opting for black faded jeans and a plain yellow t-shirt matched with white sneakers. With my black backpack slung over my shoulder, I headed downstairs.

Pababa pa lang ako ng stairs ay tanaw na tanaw ko na ang triplets kong kuya. Nakaupo silang tatlo sa sofa habang busy sa kani-kanilang ginagawa. Si Kuya Gello ay pinupunasan ang kanyang pistol gun gamit ang puting towel, si Kuya Cev naman ay busy sa kanyang laptop, habang si Kuya Renz ay pangiti-ngiting nakatingin sa sariling cellphone na para bang kinikilig sa ka-text.

Kahit na kambal silang tatlo at iisa lang ang itsura ay iba-iba naman ang kanilang pag-uugali; kung si Kuya Renz ay ubod ng kulit, kabaliktaran naman sa dalawa kong kuya na ubod nang seryoso na akala mo'y palaging may kaaway at handang makipagsuntukan ano mang oras.

"Good morning, little Kierra," Kuya Gello greeted me when he noticed my presence.

I smiled and took a seat next to Kuya Renz who was still busy with his phone. "Good morning din po, kuya. By the way, where's Mom and Dad?" I inquired, realizing they weren't around.

"Dad is at the precinct, and Mom left early for the farm. It's the fruit harvest today," sagot ni Kuya Gello at tumayo na ito bago isnuksok ang baril sa tagiliran. "Renz, ikaw na ang maghatid kay Kierra sa school; kailangan ko nang pumunta ng presinto ngayon din."

Both Kuya Gello and Kuya Cev followed in our father's footsteps and became policemen, while Kuya Renz pursued a career as a doctor, just like our mother, who is a neurosurgeon. Kuya Renz, being a psychiatrist, helps people in a different way.

"But I have a date today! Actually, paalis na rin ako ngayon, kaya hindi ko siya maihahatid," reklamo ni Kuya Renz at matamis na ngumiti sa akin. "I'm sorry, sweetheart. Mag-taxi ka na lang muna ngayong araw, wala kasi ngayon si Mang Ernest para ihatid ka."

I smiled back, understanding the situation. "It's okay, kuya, magta-taxi na lang po ako—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang umalingawngaw sa buong bahay ang galit na boses ni Kuya Cev.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon