CHAPTER 16

93 2 0
                                    

NANG magising ako ay mag-isa na lang akong nakahiga sa malambot na kama habang hubo't-hubad sa ilalim ng makapal na kumot. Maliwanag na sa buong silid. Nang maalala ang nangyari kagabi ay pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha.

Napahikab ako at inunat-unat ang aking katawan. Akmang babangon na ako sa kama nang mapansin ko ang pag galaw ng doorknob, kaya mabilis akong pumikit at nagpanggap na tulog. Hindi ko na nakuha pang takpan ng kumot ang dibdib ko dahil sa bigla nang bumukas ang pinto.

Rinig ko ang tunog ng mahihinang yapak na pumasok sa loob ng kuwarto. Nanatili akong nakapikit habang nakatihaya. Ramdam ko ang lamig ng air-con na nanunuot sa balat ko.

Lumipas ang ilang sandali, nanatiling tahimik ang paligid, wala na akong marinig na ingay o tunog ng yapak. Akala ko ay nakalabas na ang taong pumasok, pero muntik na akong mapasinghap nang maramdaman ang marahan na paghila ng kumot papunta sa aking katawan, kinumutan ako. Matapos ako nitong kumutan ay rinig ko ang pagpakawala ng malalim na buntong hininga, hanggang sa naramdaman ko nalang ang marahan na paghaplos sa ulo ko.

Gusto ko sanang imulat ang aking mga mata para makita kung sino ang nga ba ang taong pumasok. Pero kinakabahan ako, kaya mas pinili ko nalang ang magkunwaring tulog. Nang marinig ang yapak papalayo at tunog ng pagsara ng pinto ay saka ko lang iminulat ang aking mga mata.

Habol hininga akong bumangon. Dinig dinig ko pa ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Kanina ko pa pala pinipigilan ang huminga. Napabuga ako sa hangin at nilibot ang tingin sa paligid, hanggang sa napadpad ang tingin ko sa mga nakahilirang paper bags. Nagmamadali akong bumangon at lumapit dito.

Napangiti ako nang makita ang mga laman ng paper bags. Ito na ata 'yung nabili ni Henry. Pero ang ngiti ko ay napigilan ng pagngiwi nang makita ang size ng panty at bra, napakaliit. Medium size nga pero parang bata ang magsusuot. Talagang baby bra pa ang napili niyang bilhin. Ibang klase din talaga ang Henry na 'yun.

PAGKAPASOK ko sa loob ng kusina ay agad na nagtama ang tingin namin ni Larco na nakaupo sa may mesa katabi ni Henry. Pansin ko ang pagsalubong ng kilay nito nang makita ang suot ko.

“Oh gising ka na pala, Kierra. Anong gusto mong breakfast?” tanong sa akin ni kuya Arel na kinabaling ko ng tingin dito.

“K-Kahit ano po, okay lang,” mahina kong sagot at naglakad palapit sa isang mesa para sana maupo, nang biglang nagsalita si Larco.

“Dito ka maupo sa tabi ko.”

Napatingin naman ako dito at napalunok, pero agad din akong nag iwas ng tingin kay Larco na salubong parin ang kilay. Tila badtrip na naman ata base sa expression na nakikita ko sa mukha nito.

Napilitan akong lumapit sa kanilang mesa. Pero imbes na sa tabi ni Larco ako naupo ay mas pinili kong maupo sa tabi ni Henry na walang kibo at panay lang higop ng kape habang nakatingin sa hawak na pocketbook na tila nagbabasa. Hindi ko alam na may hilig din pala sa pagbabasa ang isang 'to. Pansin ko pa ang munting ngiti nito na pilit pinipigilang lumabas.

Inilagay ni kuya Arel sa harap ko ang isang baso ng umuusok na kape bago ito nagpaalam kay Larco na lalabas muna, kaya kaming tatlo nalang ang naiwan sa loob ng tahimik na kusina.

“Bakit ganyan ang suot mo?”

Mula sa pagtingin sa umuusok na kape ay napa-angat ako ng tingin kay Larco nang marinig ang tanong nito.

“Nilalamig ka ba kaya ganyan ang mga suot mo?” muli nitong tanong sa akin habang salubong ang kilay, tila hindi nagustuhan ang pag-double ko sa suot kong T-shirt.

Eh kasi naman wala akong bra at paniguradong babakat ang mga n*pples ko kung sakaling isang T-shirt lang ang isusuot ko. Kaya naman ginawa kong tatlo para hindi halata.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon