CHAPTER 39

61 3 0
                                    

Kierra's POV





NAPAKAINIT, ramdam ko ang pagdaloy ng pawis sa aking noo papunta sa aking pisngi, gustuhin ko man itong punasan ay hindi ko magawa, sapagka't nakatali ang dalawa kong mga kamay sa aking likuran. Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi rin pwede dahil naka-duct tape ang aking bibig. Nakatali din pati ang dalawa kong mga paa gamit ang duct tape.

May tatlong oras na yata akong nakakulong rito sa loob ng kulungan na 'to.

Sumasakit na ang batok ko dahil sa kakayuko. Bukod sa nakatali na ako ay napakasikip pa sa aking kinalalagyan. Isa itong kulungan ng aso na gawa sa steel matting, sobrang liit at sikip, konting galaw ko ay tumatama ang ulo ko sa teel matting nitong bubong.

Para akong nasusuka tuwing napapatingin naman ako sa ibabaw ng mahabang mesa kung saan nakikita ko ang isang walang buhay na lalaki na putlang-putla na ang mukha at buong katawan. Nakabiyak ang gitnang dibdib nito papunta sa may tiyan, at wala ng laman loob. Sa tabi nito ay may mga mahahabang gunting, matatalas na mga kutsilyo at iba pang mga gamit na matutulis, at lahat ng mga ito ay may bahid ng mga dugo. Siguro ay ito ang mga ginamit na mga tools sa pag-alis sa lamanloob ng lalaki.

Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakasaksi ng ganito. Dati ay sa mga pelikula ko lang nakikita ang ganitong pangyayari, pero ngayon ako na mismo ang nasa eksena.

Nakakalibot tingnan ang katawan ng lalaki. Ramdam ko ang paninindig ng mga balahibo ko sa takot.

This is human trafficking!

Gagawin din kaya nila sa akin ang ginawa nila sa lalaking ito? Kukuhanan din kaya nila ako ng lamanloob? Kinikilabutan ako.

Talagang natatakot na ako, hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin kay Henry. Hindi ko alam kung saan na dinala ng mga lalaking 'yun si Henry. Pagdating kasi namin dito sa isla na ito kanina ay agad nila akong ikinulong dito sa kulungan ng aso na nasa loob ng mabahong kuwarto na ito na mas malala pa sa budega ng mga basura dahil sa sobrang dumi at baho. Amoy na amoy ko ang lansa ng sariwa't bulok na dugo. Kung wala lang duct tape ang bibig ko ay baka kanina pa ako nagsusuka.

Napabaling ang tingin ko sa pinto nang bigla itong bumukas.

Unang pumasok ang paa na nakasuot ng red stiletto heels, at kasunod naman ito ay mga black leather shoes na.

Unti-unti kong inaangat ang aking tingin para makita ang kanilang mga mukha.

Ganoon na lang ang bahagyang paglaki ng mga mata ko sa gulat nang makita ang nakangising mukha ni Rheanne. Agad itong naglakad papalapit sa kinalalagyan ko kasama ng tatlong lalaki na puro may mga balbas na pumapalibot sa pisngi at malalaki rin ang mga tiyan. Sa itsura pa lang ng mga ito ay halata nang hindi gumagawa ng magandang gawain.

Sumenyas si Rheanne sa tatlong lalake na para bang sinasabi nitong ilabas ako mula sa loob ng aking kulungan.

Agad namang sumunod ang mga ito at binuksan ang pagkakandado ng steel matting.

Matapos alisin ang pagkakatali sa paa ko ay marahas akong hinila palabas ng isang lalake.

Pagkatayo ko ay muntik pa akong matumba nang makaramdam ng biglang pagkahilo. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagsalubong sa akin ng isang malakas na sampal na tumama sa aking kaliwang pisngi.

Parang biglang na manhid ang mukha ko dahil sa sobrang lakas.

“Because of you my plan was ruined!” sigaw sa akin ni Rheanne na tila galit na galit. Matapos ako nitong sampalin sa magkabilang pisngi ay marahas namang hinila ang buhok ko na siyang kinatabingi naman ng ulo ko pababa. “You bitch! Anak ka pala ng isang pulis! Pwes malilintikan ka sa akin ngayon!”

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon