MAHINA akong napaungol nang maramdaman ang pagkirot ng ulo ko na tila ba mabibiyak na sa sobrang sakit. Ramdam ko ang marahan na pagpunas ng maligamgam na bagay sa noo ko at ang marahan na paghaplos sa buhok ko. Gustuhin ko mang makita kung sino, pero tila tinatamad nang bumukas ang talukap ng aking mga mata. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko.
“Ang lamig... N-Nilalamig ako...” paungol kong sambit.
Kahit may makapal na kumot ang nakapatong sa akin ay tila balewala, nilalamig pa rin ako, nanginginig pa rin ako sa ilalim ng makapal na kumot.
“Ako na ang bahala dito. Ikaw na muna ang maghatid kay doc Julie, baka mapahamak pa ang babaeng 'yun kung pauuwiin mo nang mag-isa,” rinig kong sabi ng boses ni Darius, hanggang sa naramdaman ko na lang ang paglundo ng kama at ang pagkuha nito sa ulo ko bago pinaunan sa kanyang braso. Agad naman akong sumiksik sa kanyang katawan para makakuha ng init.
Isang malalim na buntong hininga ang kumawala mula sa kabila kong tabi at itinigil na nito ang pagpunas ng maligamgam na bagay sa noo ko. “Huwag mo siyang pabayaan at iwan nang mag-isa,” rinig kong sabi nito, base sa boses ay parang si Larco.
“Tsk. Wala naman akong balak na iwan siya nang mag-isa dito sa kuwarto at lalo na ang pabayaan!” sagot ni Darius na parang may halong pagkainis.
Nanamayani ang ilang sandaling katahimikan. Hanggang sa narinig ko muli ang pagpakawala ni Larco ng isang buntong hininga, maya-maya ay narinig ko na ang papalayo nitong yapak at kasunod no'n ay ang tunog ng pagbukas-sara na ng pinto ang aking narinig.
“N-Nilalamig ako, Darius... Can you hug me p-please?” Hindi ko na napigilan ang hikbi na kumawala sa akin dahil sa muling pagkirot ng ulo ko. “Ang sakit ng ulo ko... M-Masakit...” sambit ko na halos ako lang yata ang nakarinig dahil sa sobrang hina.
Darius sighed. Marahan nitong hinaplos-haplos ang buhok ko. “This is all my fault. I'm really sorry, I didn't know na bawal pala sa'yo ang lintik na hipon na 'yun. I'm really sorry. I'm sorry.” He hugged me.
Hindi ko man makita ang emosyon ng kanyang mukha dahil sa nakapikit ako, pero ramdam ko ang labis na pagsisisi sa kanyang boses.
“Are you still mad? G-Galit ka pa rin ba sa 'kin dahil kay daddy?” mahina kong tanong at marahan na iminulat ang aking mga mata.
Saglit na napatitig sa akin si Darius, hanggang sa isang ngiti ang kanyang pinakawalan at umiling sa akin. “No I'm not. I'm not mad anymore. Are you still afraid? Hmm?” malambing niyang tanong at hinaplos ang mukha ko gamit ang likod ng kanyang kamay.
Marahan akong tumango at muling pumikit. Patuloy pa rin ang pagkirot ng ulo.
“A-Ang sakit...”
Darius sighed again. “Kung pwede lang sana kitang painumin ng gamot, ginawa ko na. Kaso hindi, hindi pwede dahil...” He stopped for a couple of seconds. Rinig ko ang mahina niyang pagbuga sa hangin bago muling pinagpatuloy ang pagsasalita. “Kaya kailangan mong tiisin ang sakit. And I'm really sorry... I'm sorry...” Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng kanyang malambot na labi sa aking noo.
NANG MAGISING ako ay mag-isa na lang ako sa kama. Natigilan ako nang bumungad sa akin ang hindi pamilyar na silid. Kulay gray na ang wall at ganoon din ang mga kurtina na nakasabit sa bintana. Hindi na puro puti tulad ng parati kong namumulatan..
Nasaan na ako? Wala na ba ako sa isla? Bakit ibang-iba na itong kuwarto?
Nanghihina akong bumangon, pero pagkabangon ko pa lang ay agad akong nakaramdam na parang may kung ano'ng humahalungkat sa bituka ko. Para akong nasusuka. Napahawak ako sa sarili kong bibig. Kahit nanghihina ay pinilit kong bumaba ng kama at tumakbo papasok sa loob ng bathroom.
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Ficção GeralDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...