CHAPTER 26

87 3 0
                                    


NAIILANG ako sa klase ng kanyang mga tingin. Parang hindi ako mapakali dahil sa mga titig na ibinibigay niya sa akin. Mula pa kanina ay ganito na siya. Hindi tuloy ako makakilos nang mabuti. Sobrang nakakailang ang kanyang mga titig na para bang ayaw niya akong mawala sa kanyang paningin.

Nakaupo ako ngayon sa ibabaw ng kama habang sinusubuan si Larco. Hindi pa kaya ng braso niyang magsubo kaya ako na ang nagboluntaryo para subuan siya.

“M-May dumi po ba ako sa mukha?” hindi ko na napiglang tanong at umiwas ng tingin sa kanya. Itinuon ko na lang tingin sa hawak kong kutsara.

“Wala naman,” agad niyang sagot. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin.

“P-Pero bakit ka po ganyan makatingin sa akin?”

“Oh bakit? Bawal ka na bang tingnan,Miss Gabriel? Parang wala namang nakalagay na karatula sa mukha mo na bawal kang titigan, ah?”

Hindi ko mapigilan ang hindi mapasimangot sa kanyang sagot. Talagang pinilosopo niya pa ako. Hindi niya ba alam na nakakailang na ang mga tingin niya? Mula pa kanina ay ganito na siya. Gusto ko tuloy manalamin kung may dumi ba sa mukha ko, pero hindi naman ako pwedeng tumayo lalo na't hindi ko pa siya tapos pakainin.

Hays... Nakaka-ilang na talaga. Parang hindi ako makakilos ng mabuti sa kanyang pagtitig.

Hindi na ako kumibo at pinaglaruan na lang ang pagkain gamit ang kutsara. Nang pasimple akong tumingin sa kanya ay pansin ko ang pamumuo ng munting ngiti sa kanyang labi.

“Oh bakit ka tumigil sa pagsubo? Nagutom pa ako, Miss Gabriel. Kailangan mo pa akong subuan.” Nakuha niya pang lambingan ang kanyang boses.

Wala na akong nagawa kundi ang subuan siya ulit kahit ilang na ilang na ako sa kanya.

“Nga pala, kailan po pala ang balik nina Darius dito sa hotel?” pag-iiba ko sa usapan. Hindi pa kasi nakakabalik sina Darius, at pansin kong wala na pala 'yung luggage nito sa kuwarto.

“Hindi na babalik ang mga 'yun dito, didiretso na 'yun sa pilipinas pagkatapos ng kanilang misyon.”

Saglit akong natigilan. “So kung gano'n pala, pati fiancé mo hindi na babalik dito?”

Isang iling lang ang isinagot ni Larco sa akin at muling binuka ang bibig nang subuan ko.

Hindi ko naman mapigilan ang lihim na mapangiti. Hays.. buti naman at hindi na babalik ang bruhang 'yun dito. Ang lakas kung mambintang at manabunot nang walang dahilan!

“Hindi mo ba siya na-miss?” I asked again.

“Who?

“Your fiancée. Don't you miss her?”

Bahagyang kumunot ang noo ni Larco na para bang may nakakapagtaka sa tanong ko. Parang napaisip pa ito saglit bago napatang-tango. “Hmm... Na-miss din naman. Bakit mo pala tinatanong?” May namumuong ngiti sa kanyang labi.

Parang napahigpit ang hawak ko sa kutsara dahil sa narinig. So na-miss niya ang bruhang 'yun? Ako 'tong nagsusubo sa kanya tapos 'yung bruhang 'yun ang nasa isip niya? Tila bigla akong nawalan ng gana.

“Wala naman,” maiksi kong sagot at pinuno ng pagkain ang kutsara bago sinubo sa kanya.

Pero dahil sa ginawa ko ay tila siya nabulunan at mabilis na inabot ang isang baso sa kanyang tabi gamit ang kaliwa niyang kamay bago ito diretsong nilagok ng inom. Matapos niyang inumin ang isang basong tubig ay seryoso niya akong tiningnan. Mabilis ko namang ibinaling ang tingin ko sa pagkain na nasa plato.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon