7 Months Later
Istanbul Turkey
NAPAHAPLOS ako sa malaki kong tiyan at napasandal sa inuupuan kong couch. Kakatapos ko lang maglakad-lakad sa labas ng bahay tulad ng gusto ni Lola, para daw hindi ako mahirapang manganak. Nakakahapo sa totoo lang, nakakapagod. Ganito pala kapag buntis, madaling mahapo kahit hindi naman malayo ang nilakad.
Gusto ko pa naman sanang pumasok ngayon sa school, kaso hindi na ako pinayagan nina Lola dahil kabuwanan ko na raw, at ano mang oras ay maaari akong manganak.
Yes, dito ko na pinagpatuloy ang aking pag-aaral sa Turkey tulad ng gusto ng parents ko.
Si Mommy ay bumalik na ng pilipinas last month. Ayaw pa sanang umuwe ni mommy dahil gusto pang hintayin ang panganganak ko, pero si Dad ang hindi mapakali, every month yata bumibisita. Kaya pinilit ko na lang si Mommy na umuwe na dahil baka maapektuhan na ang tungkulin ni Dad bilang isang general ng kapulisan dahil sa kanyang pabalik-balik ng Turkey.
At lubos naman akong nagpapasalamat na maalaga ang grandparents ko na mga magulang ni Mommy. Yes, my mom is a half Turkish, si Lolo ang pure Turkish at si Lola naman ay filipina. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit kulay green ang mga mata ng triplets kong kuya, minana nila iyon kay Lolo. Ako lang talaga itong brown eyes.
Sa triplets kong kuya naman ay palagi din akong binibisita. Sa pitong buwan ko nang pananatili dito sa Turkey ay nakadalawang bisita naman sa akin si Kuya Gello at Kuya Cev. At ngayon naman ay si Kuya Renz ang narito para bisitahin ako.
“Oh bakit?” nakanguso kong tanong kay Kuya Renz nang mapansing nakatingin lang ito sa akin na para bang kanina pa pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Pansin ko pa ang pagbuntong hininga nito tuwing napapatingin sa malaki kong tiyan.
Well, ganito silang tatlo palagi, tuwing napapatingin sa tiyan ko ay talagang napapabuntong hininga na para bang may kung anong hindi katanggap-tanggap ang nakikita. Kaya minsan ay parang nahihiya na akong harapin sila.
“You look ugly.”
Hindi ko mapigilan ang mapasimangot.
“Mas lalo naman ikaw. Kaya ka siguro iniiwan ng girlfriend mo dahil napapangitan na sa itsura mo!”
“Aba't talagang! Parang gusto na kitang batukan, bunso!” Pinanlakihan ako ng mga ni Kuya Renz na tila napikon agad.
Napangisi naman ako. Alam kong iniwan si Kuya Renz ng kanyang girlfriend kaya bigo ito ngayon. Ayon sa pagkakarinig ko kay Mommy ay palagi daw itong nasa club nitong mga nakaraang araw at lasing na kung umuwe ng bahay. Siguro kaya ito pumunta dito sa Turkey ay para maka-move on.
“Ipinagtimpla kita ng gatas. Kanina pa 'yan kaya inomin mo na.”
Napatingin naman ako sa isang baso ng gatas na nakapatong sa ibabaw ng table. Kinuha ko ito at uminom ng konti bago ibinalik.
“Abi, maaari mo ba akong ipagbalat ng mansanas? Para kasing gusto kong kumain nu'n eh... Please?”
“Tsk.” Umirap pa sa akin si Kuya Renz bago ito tumayo at pumasok ng kusina para kumuha ng mansanas.
Napangiti na lang ako, pero agad din akong napangiwi nang makaramdam ng bahagyang pagkirot sa bandang tiyan ko.
“Îyi misin, apo?” (Are you okay, apo?) tanong sa akin ni Lolo na siyang kakapasok lang suot pa ang pang golf nitong outfit.
Napansin yata ni Lolo ang pagngiwi ko.
“I'm okay, Lo. Where's grandma?”
“In the garden I think. Have you eaten yet, apo?”
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Ficción GeneralDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...