Third Person's POV
Sa tulong ng isa nilang tauhan na matagal nang spy sa hideout ng kalaban ay matagumpay na nalinlang nina Darius at Larco ang matandang Vandrec at nalusob ang isla nito. Naiuwe na nila si Kierra pabalik sa kanilang isla kasama si Henry.
Ngayon ay nakaupo si Larco sa stool bar at umiinom ng alak habang nakatingin sa screen ng kanyang nakabukas na laptop. Nasa loob siya ng secret room na nasa basement at pinapanood ng live sa video call ang kanyang mga tauhan na walang awang pinagpapasa-pasahan na ang isang babae.
“Pagkatapos niyong pagsawaan ang babaeng 'yan, latiguhin niyo agad hanggang sa manghina. Huwag na huwag ninyong titigilan hangga't hindi nalalagutan ng hininga. Naiintindihan niyo ba ang ibig kong sabihin?”
“Yes boss, masusunod!” halos sabay-sabay na sagot ng kanyang mga tauhan sa kabilang linya. Tila tuwang-tuwa ang mga ito dahil nabigyan na naman ng babaeng parausan.
Malapad na napangisi si Larco nang makita ang paghagulgol ni Rheanne habang pilit na nagpupumiglas. Pinadala niya ito sa kanyang mga tauhan sa kanilang hideout na nasa batangas para doon parusahan, dahil masyadong maingay kapag sa isla niya ito bigyan ng parusa at baka marinig pa ni Kierra, kaya naman pinadala niya ito sa malayo.
“Dapat nung hinayaan kitang mabuhay, nagpasalamat ka na lang sana. Pero umabuso ka at mas pinili ang kalabanin ako. Kaya naman ngayon, namnamin mo ang nararapat na parusa sa isang tulad mong hangal.”
Parang bigla na namang nag-init ang kanyang ulo nang bumalik sa isip niya ang mga pasa na tinamo ni Kierra sa mga braso nito. Parang gusto niyang durugin na lang si Rheanne hanggang sa maging pulbos ito kasama ni Vandrec at ng mga tauhan nito.
Pero pasasaan ba't makakaganti rin naman siya, not now but soon. Sisiguruhin niyang wala siyang ititira kahit isa man sa mga tauhan ni Vandrec. Uubusin niya ang grupo nito at wawasakin pati ang iniingatan nitong teretoryo, pinaghahandaan niya na ang bagay na iyon at malapit nang mangyari.
Matapos panoorin ni Larco ang pagpaparusa kay Rheanne ay lumabas na siya ng secret room at dumiretso sa loob ng kuwarto ni Kierra.
Pagpakapasok sa loob ng kuwarto ay agad siyang lumapit sa kama at pinagmasdan ang dalaga na mahimbing na natutulog.
Hindi mapigilan ni Larco ang mapakuyom ng kamao nang mapadpad ang kanyang tingin sa braso ng dalaga na may mga pasa na at latay ng latigo. Parang nag-aapoy na naman ang katawan niya sa galit sa taong may gawa nu'n.
“Does it hurt?” mahina niyang tanong sa natutulog na dalaga at marahan na hinaplos ang pasa sa braso nito gamit ang likod ng kanyang kamay. “I'm sorry kung hindi kita naprotektahan. I'm really sorry. This is all my fault.” He sighed. “Nahihirapan ka na bang manatili sa poder ko? Hmm?” Initinaas niya ang paghaplos sa maamo't makinis nitong mukha.
“Do you want me to set you free?”
Ngunit tanging mahinang paghilik lang nito ang naisagot sa kanya, ni hindi man lang ito nagising sa malalim nitong pagkakatulog.
Napangiti na lang si Larco at muling napabuntong hininga.
Talagang nawawala ang kanyang pagod at problema tuwing napagmamasdan niya ang maamong mukha ng dalaga. Palagi na lang siyang kumakalma nang wala sa oras.
Marahan niyang hinaplos-haplos ang maliit nitong tiyan na natatakpan ng suot na white T-shirt. Bahagya siyang yumuko at inangat ang suot na damit mg dalaga bago inilapat ang kanyang tainga sa makinis nitong tiyan at pinakinggan.
“Hello baby, are you okay there?” mahina niyang pagkausap sa tiyan na akala mo'y may sasagot na bata sa loob. “Do you recognize my voice? It's me your dad.” Hindi niya na napigilan ang malapad na mapangiti at ginawaran ito ng halik. “I promise to be a good fa—” Hindi niya natuloy ang dapat sabihin nang bigla na lang gumalaw si Kierra.
Mabilis siyang napaayos ng tayo at biglang nataranta na tila ba isang magnanakaw na hindi alam ang dapat gawin sa takot na mahuli ng mga pulis.
Akala niya ay magigising na si Kierra, pero para siyang nakahinga nang maluwag nang tumagilid lang pala ito ng higa at muling nagpakawala ng mahi-hinang hilik.
Damn! Lihim siya napamura sa kanyang isipan at napabuga sa hangin.
Bakit ba siya bigla na lang kinabahan?
Muli niyang tinitigan ang maamong mukha ni Kierra at hinaplos na naman ang makinis nitong pisngi pababa sa malambot at mapula-pula nitong labi.
“Wala ka namang ginagawa, pero bakit palagi mo na lang akong naaakit, hmm? Ipinanganak ka ba para lang akitin ako?”
Napangiti na lang siya sa kanyang tanong at mahinang napailing. Kinumutan niya na ito, dahil baka kung saan pa mapunta ang pagtitig niya at baka makagawa pa siya ng isang bagay na matagal niya nang tinitiis at pinipigilang gawin.
“Thank you for being my medicine.” Ginawaran niya ito ng halik sa noo. “Szeretlek királynöm.”
Pagkalabas niya sa kuwarto ng dalaga ay muli siyang bumalik sa loob ng secret room at muling uminom ng alak. Habang umiinom ay panay ang kanyang pagbuga sa hangin at paghagod sa sariling buhok na tila ba nahihirapan sa pagdedesisyon.
Ilang sandali pa ay muling bumukas ang pintuan ng secret room at pumasok si Darius na nakasuot lang ng white bathrobe, basa pa ang mahaba nitong buhok na tila kakatapos lang sa pagligo.
“What's up, Larco?” Agad itong naupo sa tabi niya at nagsalin din alak sa kopita.
“Sabihan mo si Henry na ihatid na si Kierra bukas sa kanyang pamilya.”
Nabitin sa ere ang kamay ni Darius sa akmang pag-inom, agad nitong naibaba ang hawak na kopita at napatingin sa kanya. “Ihatid sa pamilya? What do you mean?” kunot-noo nitong tanong. “You're just kidding me, right?” Sinabayan pa nito ng mahinang pagtawa.
“Hindi ako marunong magbiro, alam mo 'yan.” Muling tinungga ni Larco ang alak na nasa kanyang kopita.
“But I can't let her go, Larco! Ngayon ko pa ba siya pakakawalan kung kailan...” Darius sighed. “Damn it!” Saglit pa itong napapikit at bumuga sa hangin bago diretsong nilagok ng inom ang alak.
“We need to protect her,” seryosong sagot ni Larco sa kaibigan at lumagok din ng inom sa kanyang hawak na kopita. “Kinakailangan natin siyang ibalik pansamantala sa kanyang pamilya. Iyon lang ang natatanging paraan para maprotektahan siya at masiguro ang kanyang kaligtasan.”
“I can protect her, Larco! Hindi ako makakapayag na basta na lang ibalik si Kierra sa kanyang pamilya!” inis na sagot ni Darius bago nito inabot ang isang bote ng alak at biglang tinungga papunta sa bibig nito.
“Oh come on . . . Darius, ano mang oras ay maaari tayong gantihan at lusubin ng matandang Vandrec na 'yun. Hindi ito ang tamang oras para unahin ang sariling interes!”
“Pero pwede naman natin siyang ipadala na lang sa ibang bansa para maprotektahan!” sigaw ni Darius na talaga namang umiko pa sa loob ng tahimik na kuwarto.
“Hindi ganoon kadali 'yun, Darius. Alam mo naman siguro kung ano ang kayang gawin ng Vandrec na 'yun! Kaya kahit ipadala pa natin si Kierra sa ibang bansa nang pasekreto, malalaman at malalaman pa rin ng matandang 'yun, lalo na't hindi pa natin nahuhuli kung sino ang traydor sa grupo!” Napataas na rin ang kanyang boses.
Natigilan naman si Darius, napahigpit na lang ang hawak nito sa sariling kopita na kinalabas ng mga naglalakihang ugat sa matipuno nitong mga braso.
Tumayo na si Larco at naglakad na palabas ng secret room, dahil alam niyang hindi malabong uminit na naman ang ulo niya at baka magkasakitan pa silang dalawa ni Darius. Kaya mas pinili niya lang ang lumabas para maiwasan ang gulo.
Pero bago siya tuluyang nakalabas ng pintuan ay rinig niya pa ang malakas na pagkabasag ng bote ng alak sa pader dahil sa malakas na paghagis ni Darius dito.
“Bullshit!” sigaw pa ni Darius at inis na napahagod sa sariling buhok bago nito binuksan ang isang bote ng mamahaling alak at diretsong tinungga ng inom.
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Fiksi UmumDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...