CHAPTER 45

79 2 0
                                    

PARANG may kung anong tumusok sa bandang dibdib ko nang makita si Larco na may kandong na dalawang magagandang babae, hindi lang nakakandong sa kanyang mga hita, kundi salinsinan niya pang hinahalik-halikan ang leeg ng mga ito.

Parang biglang bumigat ang mga paa ko—na hindi ko agad maihakbang papasok. Para akong napako sa bungad ng pinto na hindi na makaalis. Hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy ang pagpasok o hindi.

Bakit ganito ang bumungad sa akin? Mukhang hindi naman 'to panaginip. Pero bakit ganito? Naguguluhan ako.

Alam kong napansin ni Larco ang pagbukas ko ng pinto dahil pansin kong pasimple itong napatingin sa aking kinatatayuan, pero muli din ibinalik ang atensyon sa paghalik sa dalawang babae at parang balewala na lang sa kanya ang presensya ko.

“G-Good morning,” bati sa akin ni Henry nang makita ako, tipid itong ngumiti sa akin at pasimple pang sumulyap kay Larco na wala namang pakialam sa paligid at parang enjoy na enjoy pa sa paghalik sa dalawang babae.

Kaya kahit parang ayaw na ng mga paa kong pumasok, pinilit ko pa rin ihakbang ang mga ito papasok sa loob ng kusina. Agad akong naupo sa tabi ni Henry nang ipaghila ako nito ng upuan.

“L-Larco..” mahina kong tawag sa kanyang pangalan. Pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Hindi ko alam kung narinig niya ba o sadyang nagbibingi-bingihan lang talaga siya.

Parang biglang sumikip ang dibdib ko. Did he just ignored me? What's wrong with him? Bakit may kalandian siyang babae? At sino ang mga babae na 'to? Parang biglang napuno ng mga katanungan ang utak ko.

Nang mapansin ng isang babae ang masama kong tingin ay agad na napataas ang isang kilay nito sa akin.

“Who is she, babe?” may pagkamalandi nitong tanong.

“Don't mind her, she's just a visitor here.”

Pakiramdan ko ay parang may matigas na kamao ang sumuntok sa bandang dibdib ko dahil sa kanyang sagot.

Visitor? Seriously? Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko, pati mga kamay ko ay nanginig sa inis. Parang gusto ko tuloy sabunutan ang dalawang babaeng nakakandong sa kanya.

“Kumain ka na,” mahinang sabi ni Henry sa tabi ko. Hindi ko na namalayan na nalagyan na pala nito ng pagkain ang plato ko.

Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Larco at dinampot na lang ang kubyertos para sana simulan nang kumain, pero nang akmang tutusukin ko na ang sausage ng tinidor ay bigla na lang ako napatigil nang marinig ang malanding paghagikhik ng dalawang babae.

“Nakikiliti ako, babe! Ooh...” ungol ng isang babae na tila nasarapan na.

“Babe, you're so hot talaga! Ang sarap hawakan ng mga abs mo!”

Nang mag-angat ako ng tingin ay bigla na lang napahigpit ang hawak ko sa tinidor nang makita ang kamay ng isang babae na naglalakbay na sa loob loob ng suot na damit ni Larco.

Malakas kong naibaba sa aking plato ang hawak kong kubyertos, dahilan para gumawa ito ng ingay sa loob ng kusina.

“Ano ba naman 'yan! Ang sakit sa tainga!” reklamo ng isang babae at sinamaan pa ako ng tingin.

“Don't mind her, babe. Hayaan mo na siya, gutom lang siguro 'yan,” ani Larco sa babae na sinabayan pa ng marahan na pagtawa bago nito inilipat ang paghalik sa leeg ng isa. Nakaakbay pa rin ang mga braso nito sa balikat ng dalawang babae.

Naikuyom ko ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa. Hindi ko alam kung dala ba ito ng pagbubuntis ko, pero hindi ko talaga mapigilan ang mainis. Naiinis ako sa nakikita ko ngayon, sa kanilang ginagawang pagharutan sa harap ko.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon